Chapter Thirty

49.7K 672 5

CHAPTER THIRTY

"Congratulations! You are eight weeks pregnant." Sabi ng doktor.

Kahit alam na namin, hindi pa rin naman namin maiwasang mabigla lalo na si Jack.

"Thank you doc, magiging daddy na ako!" Tuwang- tuwa na sabi niya.

"Yes. And you always have to understand your wife because of her situation lalo pa at first baby niyo." Paliwanag ng doktor.

Marami pang sinabi at seryoso naman kaming nakinig.

"Babe, kailangan na talaga nating makasal sa lalong madaling panahon." Sabi niya habang nagmamaneho.

Sa bahay na ni Papa ang diretso namin.

"Yeah. At tiyak matutuwa sina Papa kapag nalaman nilang buntis ako." Sabi ko.

Maya- maya ay nakarating din kami ng mansyon.

"Good morning po." Bati ng mga kasambahay. Ngumiti kami.

"Good morning. Nasaan sina Papa?" Tanong ko.

"Nasa taas po si Sir at si Mam ay nasa garden naman po." Sabi nung isa.

"Pakitawag please. Nandito lang kami sa sala." Sabi ko atsaka kami naghintay ni Jack sa sala.

"Oh iho napaaga yata ang pagsoli mo sa anak ko?" Sabi ni Papa habang bumababa ng hagdan.

Maya maya ay kasunod na si Mama na galing naman sa garden.

"Ano kamusta mga anak?" Tanong naman ni Mama.

Hindi ko alam kung paano sisimulan ang pagsasalita pero kanina pa naman akong excited. Hinintay muna namin silang makaupo bago kami nagsalita.

"May good news po kasi kame ni Zayl sa inyo." Sabi ni Jack.

Tumango ako bilang pagsang- ayon.

"Talaga? Ano 'yun?" Tanong ni Mama.

Si Papa naman ay naghihintay na sa iba- balita namin. Nagtinginan kami ni Jack kung sino samin dalawa ang magsasabi. Napagdesisyunan namin na ako na ang magsabi.

"Pa, Ma, magiging lolo't lola na kayo!" Sabi ko.

"You're pregnant?" Si Papa.

"Buntis ka?" Si Mama. Halos sabay nilang tanong.

Tumango ako ng nakangiti.

"Kung ganun, huwag na nating patagalin pa ang kasal." Sabi ni Papa.

"Oo nga naman. Ayokong ikasal ka ng malaki na ang tiyan. Alam na ba ito sa inyo Jack?" Sabi ni Mama.

"Hindi pa po pero mamaya po baka pumunta kami ng Bulacan ni Zayl." Sabi ni Jack.

Nasa Bulacan nga pala ang parents niya. Kinakabahan ako. Katulad din ba ng reaksyon ng mga magulang ko ang magiging reaksyon ng mga magulang niya?

Pagkatapos ng tanghalian ay nagtungo na kami sa Bulacan.

"Babe, naalala mo ba 'yung tsekeng ibinigay mo sakin dati?" Tanong ko. Kasi ngayon ko lang naalala. Sakay kame ng kotse.

"Oo nga pala, saan mo ginamit?" Tanong niya kasi alam naman niyang wala talaga kaming pinagkakautangan.

Pero hindi ba niya alam na wala namang nabawas na ganung halaga sa pera niya? Iba na talaga kapag maraming pera.

"Hindi ko naman ginamit. Pinunit ko pa nga eh." Sabi ko.

"Why?" Tanong niya.

"Aanhin ko ba 'yun. Atsaka handa naman talaga akong ibigay ang sarili ko sayo ng walang hinihinging kapalit." Nakangiti kong sabi.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!