Chapter 33

50K 674 3

CHAPTER 33

JAMES

Ang huli kong punta kina Crystal ay nung lumuhod pa ako sa harapan ng daddy niya para lamang kausapin siya pero hindi nga ba at nabigo ako. Ilang araw lang 'yan bago namatay si papa. Isang buwan na ngayon buhat nung mawala ang ama ko.

Galit na galit si Mama nung mga araw na 'yun. Naintindihan ko naman kung bakit hindi pumunta ang mga magulang ni Crystal nung nakaburol si Papa kasi ayaw nila ng gulo pero nakarating naman sakin ang pakikiramay nila. Wala silang binabanggit sakin kung ano bang sabi ni Crystal tungkol sa nangyari kay papa. Umasa akong babalikan niya pero wala akong nagawa at wala rin siyang ginawa para maayos. Sobrang bigat ng pakiramdam ko noon hanggang sa namanhid na lang ako sa sakit na nararamdaman ko noon.

Simula nun, hindi ko na sila inusisa tungkol kay Crystal hanggang sa nalaman ko na lang na wala na si Crystal dito sa Pilipinas. Hindi ko maiwan si Mama at wala akong balak iwan si Mama pagkatapos ng nangyari kay Papa kaya hinayaan ko na lang na kalimutan na lang siya. Ito naman ang gusto niya, ang kalimutan namin ang isa't isa para sa pamilya.

Nasa mansyon na ulit ako, alam ko, may sama pa rin ng loob si Mama pero unti- unti naman akong bumabawi sa nagawa ko sa kanila. Ayoko ng isipin ang nakaraan, tinapos na ni Crystal at sumuko na rin ako. Gusto ko na lang mag- focus sa kompanya namin. Si Papa ang naiisip ko sa tuwing maiisip ko ang kompanya kaya dapat ko itong pahalagahan at mahalin. Sana mapatawad na ako ng ama ko. Sana.

"Ma, kumain ka na ba? " Tanong ko pagkadating ko ng bahay. Nasa sala siya at nakaupo sa sofa habang may hawak na isang baso ng alak.

Simula nung mawala si Papa, halos araw- araw na siyang ganyan. Hindi lumalabas ng bahay, ayaw tumanggap ng bisita, tahimik.

"Ma naman, isipin niyo naman 'yung sarili niyo.. Magkakasakit kayo niyan sa ginagawa niyo eh.." Sabi ko. May oras kasing dumadating ako ng madaling araw, gising pa rin siya at umiinom ng alak.

"Ma, tama na 'yan." Sabi ko habang kinukuha ang alak.

" Ano ba?!" Si Mama.

"Ma, hindi puwedeng ganito na lang kayo palagi.. Gusto niyo bang magkasakit?" Sabi ko.

"Oo! Gusto kong magkasakit! Gusto ko ng mamatay!" Sabi niya kasabay nun ay ang pagbagsak ng baso ng alak.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Problema sa kompanya, sa mga taong nakakasalamuha mo araw- araw, pati sa loob ng bahay. Hindi ko na alam kung paano ko pagsasabay sabayin lahat ng problema. Napapagod na ako. Nakakapagod magpanggap na kaya mo lahat pero ang totoo, parang gusto ko ng sumuko at mamuhay na lang ng simple hanggang sa mapatawad ako ni Mama, hanggang sa maging okay na kami.

Iniwan ko muna si Mama at umakyat muna sa kuwarto ko. Palagi ko naman ibinibilin sa mga kasambahay na bantayan si Mama.

..

"Okay na ba kayo ng mama mo?" Si Penelope.

Si Penelope pa rin ang secretary ng daddy ni Crystal. Alam niya na lahat ng tungkol samin ni Crystal. Sa kanya ko nalaman na nasa ibang bansa na si Crystal. Alam niya lahat ng pinagdadaanan ko ngayon.

"Ayaw niya pa rin akong pakinggan." Sabi ko atsaka nilagok ang alak na hawak ko. Nasa isang club kami.

"Tsk, pagtiyagaan mo lang James. Magiging maayos din mama mo in time." Si Penelope.

"Salamat." Sabi ko.

"Balita ko nga pala medyo may problema daw kompanya niyo, totoo ba?" Si Penelope.

Hindi agad ako makasagot.

"Kapit lang James kaya mo 'yan.." Si Penelope.

"Salamat Pen." Sabi ko.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!