Chapter 1

1.6K 32 16
                                    

***

Habang papasok na ako ng eskwelahan ay iyon pa din ang nasa isip ko, sino ba naman kasi ang loko-lokong magsasabi ng ganun sa kagaya kong magada? baka nabighani lang talaga siya at atat ng magka girlfriend kaya nasabi niya iyon. Kunwari pa siya, pwede naman step by step diba? Gaya ng hahawakan niya ang kamay ko tapos itatanong kung puwede bang manligaw. Yung ganun naman sana, hindi naman ako pakipot siyempre papayag ako hindi yung parang aso lang na kapag sinabing umupo ay uupo naman. At saka hindi ako tanga na napapayag nalang ng ganun ganun lang.

Pagkapasok ko ng room ay nadatnan kong naglilinis si Mitch, kami nga pala ang naka assign na maglinis sa room bago ang klase. Pagkalapag ko ng bag ko ay nilapitan niya ako, "Yera may bago daw tayong kaklase" bungad niya sakin

Ano naman ngayon kung may bago kaming kaklase? Buti sana kung artista iyon at magwawala talaga ako sa sobrang kilig lalo na kung si Kim Bum o kaya kahit sino basta Koreano o Hapon.

Pag pasok ng teacher namin ay agad niyang pinakilala 'yung tungkol dun sa transferee. Ako naman ay hindi interesado kasi nga hindi naman siya Koreano o Hapon, balita ko nga galing sa gilid-gilid lang daw ang transferee na iyon. Wala akong interes sa ganun, sa ganda kong 'to sayang ang oras ko.

Hindi na magkanda ugaga ang mga kaklase ko na makilala ang bagong transferee, samantalang ako ay pachill-chill lang na nag ce-cellphone sa likod. Nung tinawag ng teacher yung bagong salta ay nag sihiyawan ang mga kaklase ko at ang iba naman ay standing ovation pa kaya naman medyo nairita na ako.

"Hoy Yera ang gwapo niya dali tingnan mo" sabay hila ng braso ko

"Dahan dahan naman Mitch, mababalian ako ng buto sayo ng di ora--"

Pag tingin ko sa plotform ay automatic na nangunot ang noo ko. My Gosh! Ang wrinkles ko! Sumasakit ang ulo ko sa transferee na 'to dahil kuntodo shades pa kahit nasa loob na ng room. Seriously? Anong trip niya? Walang araw sa loob ng room namin, as in wala! kaya wag siyang pasikat. Hindi ko pa masyadong marecognize ang mukha niya dahil nakasalamin nga siya pero nung tinanggal niya ang shades, kasabay ng hiyawan ng mga classmates ko ang pagmura ko sa isip ko nung nakita ko kung sino ang nasa harap ko.

"Hello Cassandra" sabi niya habang nakatingin sakin at may pakindat-kindat pang nalalaman. Hindi ko matake ang nangyayari ngayon, bakit siya nandito at paano niya nalaman ang pangalan kong 'yun na ibinaon ko na sa baul ni lola.

Tinuro niya ako at saka ngumiti ng mapang asar "Sa mga di nakakaalam, GIRLFRIEND ko po siya at kakasagot lang niya sakin kahapon"

Shit! Ang kapal talaga niya ha.

Hinila ako ni Mitch sa pinaka likod ng room at saka tinitigan ng mabuti

"Kelan pa Yera?"

"Wag ka ngang maniwala sakaniya, kahapon ko lang nakilala ang lalaking yan"

"Tapos naging kayo agad? Ang tindi mo talaga Yera"

"Hindi kami at hindi magiging kami! Okay?"

"Choosy ka pa ayan na nga nag grasya tinatanggihan mo pa"

Kelan pa naging grasya ang isang yan? Eh sakit nga siya ng ulo ko eh

"Sa mga hindi pa nakakakilala sakin, ako nga pala si Timothy Kurt Fortejo from Germany"

Nag sihiyawan na naman mga kaklase ko, hindi ko lang magets kung bakit na star struck sila masyado sa kaputlaan ng unggoy na 'yun.

Tumigil lang sila nung pina ayos na kami ng teacher namin pero rinig na rinig ko pa din ang mga bulungan tungkol sa lalaking iyon.

"Pwede bang umupo ako sa tabi ni Cassandra?" nanlaki bigla ang mata ko nung narinig kong tinanong niya iyon sa teacher namin.

Napatayo ako bigla, "occupied na po ni Mitch ang upuan na nasa tabi ko"

We're 49 Days InLove **PUBLISHED under LIFEBOOKS**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon