Pumasok kami sa loob at halos lahat sila ay nakatingin sa katabi ko. Para silang nakakita nang anghel dahil sa pagtingin at pagtahimik nila.Maya-maya pa ay may nagsalita sa harap. 

"Iñigo is here" nagpalakpakan silang lahat.Gagi wala akong kaalam-kaalam sa mga nangyayari.Ba't ang dami ng tao?Jusko po.

Nakahawak parin ako sa mga braso niya kaya tumingkayad ako at binulungan siya. 

"Sir-este Iñigo,Bakit andaming tao?" Tahimik lang siya at tila may hinahanap sa gitna nang mga tao.

"Nakipag-sosyo ako sa kanila" malamig na tugon nito. Tumango nalang ako at tumikhim.

Marami ang bumabati sa kanya at pati na rin sa 'kin,ngumingiti nalang din ako dahil sobrang awkward ng sitwasyon,Ni hindi ko alam ang isasagot ko.

Maya-maya pa ay mag sumulpot sa harapan namin na isang babae.Kabute 'yan teh?  Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Maganda, Elegante at sa tingin ko ay mula sa mayamang pamilya.Grabe ang ganda niya pero mas maganda ako noh,sarili ko 'to kaya bahala ka sa buhay mo. Humawak siya sa braso ni Iñigo kaya bumitaw ako sa pagkakahawak ko. ay kakaibang kabute ang nakasalamuha ko. Medyo higad ang datingan, Susulpot na parang kabute at manlalandi gaya ng higad. Ano ka ba 'teh?

"Long time no see Iñigo" Untag niya habang hinahaplos niya ang dibdib ng lalaki.

Hala nasusuka ako,Sa harap ko talaga?as in sa harap ko!?inanyo. Tinignan ko lang ang reaksyon ni Sir Iñigo at napatingin ito sa akin. Halata sa mukha niya na naiirita sa siya babaeng ito kaya tinanggal niya ang kamay nito. Dismayado man ang babae ngumiti parin ito kay iñigo. Inulit niya ang ginawa niya kaya marahas na kinuha ng lalaki any kamay nito at tinaboy. "Okay that's ENOUGH" madidiin niyang pananalita. grabe naman po magalit ang bebe na yan. Nanonood lang ako sa kanila habang umiinom ng wine. Tumigil ang babae kaya huminahon na si Iñigo 

"Clarice,I want you to meet Natasha.She's my girlfriend" Naibuga ko tuloy ang wine na iniinom ko.Pinunasan ko agad ang damit ko.Ha!?!?G-girlfriend?

*lunok*

*tingin sa kanya*

Nilakihan niya ako nang mata na parang sinasabi na makisakay ako kaya umayos ako. Tumingin ako sa babae na masama ang tingin sa akin.Bleh!Malandi ka kasi eh.Joke Inilahad ko ang kamay ko at binati siya 

"Hi Clarice!I'm Natasha Santiago,Iñigo's GIRLFRIEND.Nice meeting you" diniinan ko talaga ang salitang girlfriend para feel haha. 

Plastic na ngiti lang ang binigay niya sa akin.Kinuha naman niya ang kamay ko 

"Hello Natasha,I haven't seen you yet,Where did you two meet guys?" Hindi lang pala malandi ito eh,chismosa din.

Tinarayan ko siya at tinaas ang kilay ko. "Chismosa ka?" Maikling salita pero nakita ko ang madiin na pag-ikot ng mata niya.

 "I'm just wondering because they just broke up with his girlfriend last month and then he introduces someone again? Nilandi mo 'ata eh at saang skuwater ka naman kaya nakita nitong si Iñigo?" Gago pala 'toh eh.Baka 'di ko 'to matansiya mabugbog ko 'to

"Wow!Nilalandi...sayo pa nanggaling ah?" Tumawa lang ako. 

"Eh kung ganon pala,Baliw ka na" Lumapit ako sa kanya at bumulong. 

"Punta ka na sa mental,Samahan kita" kinindatan ko siya at ngumisi. 

Umalis siya sa harap namin kaya natahimik kami.Huminga ako ng malalim bago bumalik sa pwesto ko.Tinignan ko si Iñigo nang masama dahil sa sinabi niya kanina.

Dealing With The BillionaireWhere stories live. Discover now