Chapter Twenty

46.7K 1.2K 74

Chapter Twenty

            NAKANGITI lang siya habang pinipirmahan ng kliyente niya ang kontratang kanina pa niya bitbit. It has been two years since she graduated from college, a day after that hindi pa man niya nakukuha ang kanyang credentials ay may offer na sa kanya at sino ba siya para tanggihan ang offer ng isang architectural firm? It is not as huge as her father’s but through the years ay nagawa nilang makasabay sa malalaking firms and she couldn’t be more proud about it.

            Marami na rin ang nagbago sa kanya, she still races hindi naman mawawala sa dugo niya iyon pero kapag day off nalang niya. She still hangs with her friends during her free time at nakalipat na rin siya sa kanyang bagong condo unit six months after she was hired as a junior architect. She took the licensure exam and fortunately kahit na wala siyang review she landed the top place. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa mga nangyayaring swerte sa kanyang buhay, it’s like everything is falling into places.

            Noon kahit na anong effort niya ay hindi siya nagtatop, ibinigay na niya lahat pero nitong hindi siya nag-eeffort ay walang kahirap-hirap sa kanya ang mga bagay-bagay. At kung tatanungin niyo kung ano na ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon, she is happy. Happy na rin siya because she finally moved on, kapag naririnig niya ang pangalan ni Jair parang wala nalang sa kanya because right now she knew her heart is already reserved to someone else who proved to her na hindi siya dapat sukuan sa kabila ng mga mood swings niya. Sa piling ni Aizen muling bumalik ang dating siya, iyong childish at immature na Xyler dito lang naman tanggap kasi siya nito. Mas gusto daw nito ang childish at immature kasi feeling daw nito ang mature-mature nito pero gusto din daw nito ang domineering personality niya, hindi na raw nito maintindihan kung ano ba ang nagustuhan nito sa kanya.

            “Miss Sebastian.” Untag ng kliyente niya sa kanya.

            “Oh, sorry Mr. Socrates I spaced out.” Hingi niya ng paumanhin sa kausap niya.

            Tumawa lang ito sa kanya. “It’s okay.” Nakahinga siya ng maluwang sa sinabi nito. “Aren’t you too young to be the senior Architect?”

            Inipit niya sa likod ng kanyang teynga ang ilang hibla ng itim at tuwid niyang buhok na hindi umabot sa balikat niya ang haba. “I’m already twenty two Mr. Socrates and I think hindi na bata ang edad na iyon. And besides success doesn’t really comes from age or tenurity, it’s on how you work you ass and prove them that you are worthy of the name.”

            “Pinapabilib mo talaga ako hija, anak ka nga ni Sebastian.” Kapag naririnig niya na sinasabi ng mga ito na anak nga siya ng tatay niya ay natutuwa siya. “Nanghihinayang ako at hindi ka sa firm niya nagtrabaho I would glad to see you two working together. Your works they are all great and so is your father.”

Waiting on a Feeling (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!