"Kung may balak kayong maglandian ay 'wag dito sa kumpanya ko,Doon kayo sa labas at hindi dito"

Tinignan ko muna siya bago ako yumuko.Hindi kami naglalandian! utak mo may ubo. 'Yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero ayokong matanggalan agad ng trabaho kaya humingi ako ng tawad sa kanya. Tumalikod lang siya sa akin kaya sumunod ako sa kanya. Ang kausap ko namang lalaki ako nagpaalam na rin sa akin.

Pagkapasok namin sa opisina niya ay padabog siyang umupo sa swivel chair niya habang ako naman ay nakayuko parin na parang inaway.Dumiretso ako sa upuan ko nama'y lamesa at tinuloy ang ginagawa ko kanina na hindi matapos tapos dahil sa sobrang dami.

"I don't want to see that again!not in front of me,not in MY COMPANY" madidiin niyang sabi sa akin.

Tumango tango lang ako dahil kinakabahan ako.

"Pipi ka ba?tango ka lang nang tango diyan" naririndi na siya sa akin kaya nagsorry lang ako sa kanya. 

Hindi na ulit siya nagsalita at tahimik ang namayani sa amin.Puro pag click lang sa keyboard ang tangi kong naririnig.

Sa gitna ng katahimikan ay siyang biglang nag-ring naman ng cellphone ko.Napasinghap naman si sir iñigo kaya tumingin ako sa kanya. 

"LUMABAS KA AT SAGUTIN MO YAN" Galit na untag niya kaya dali-dali akong lumabas sa opisina.

"Bakit ka ba tumatawag ate?Nasa trabaho po ako" Saad ko sa kausap ko.

Tumawag kasi si Ate Alexandria kaya ako nakagalitan. Kinabahan ako bigla dahil sa pagiyak niya.Nag-aalala ako kung ano ang nangyayari sa kanila.

"Ate! ATE ANO BANG NANGYAYARI DIYAN?SUMAGOT KA" Dahil sa taranta ko ay napasigaw ako.

"N-Natasha s-si mama n-nasa o-ospital" napaupo nalang ako sa sahig sa sinabi niya sa akin.

Patuloy lang ako sa paghikbi at hindi ininda ang mga matang nakatingin sa akin. 

"A-anong nangyari?b-bakit daw" halos pabulong kong sabi sa kanya.

"Bigla nalang siyang nahimatay 'pagka-uwi niya kanina galing palengke " parang wala na siyang pag-asa sa boses niya dahil agaran ang pag-oopera.

"U-uuwi ako ate. " Tinigil ko na ang tawag at pumunta sa cr.

Doon ko binuhos ang pag-iyak ko.Wala na akong pakialam kung may nakakarinig sa akin pero tangina wala kaming pera at wala pa akong sahod kaya sa'n kami hahanap ng putanginang pera na yan??

Napatigil ako sa pag-iyak nang may naglahad sa akin ng panyo.Tinignan ko muna siya bago kunin ang inaalok niya. 

"T-thank you" Pinusan ko ang luha ko at lumapit naman siya sa'kin hinaplos niya ang likod ko at ang buhok ko.

Para bang pinapatahan niya ako.No'ng umiyak nanaman ako ay niyakap niya lang ako. 

"Hush now,Fix your self.You can tell me what's your problem" nakangiti niyang saad.Tuluyan akong tumigil at inayos ang sarili ko.

"I'm okay now,thank you again..." I hugged her 

"My name is Caitlin,Puntahan mo lang ako sa second floor.Hanapin mo ako doon at 'saka mo na sabihin sa akin ang problema mo" Inalalayan niya ako palabas at nagpaalam na rin siyang babalik na sa trabaho.

Bumalik ako sa office at tinignan si Mr.Enrile,Naka focus lang siya sa ginagawa niya kaya umubo ako kunwari para makuha ang atensyon niya.Nakita niya ata ang pamamaga ng mata ko kaya nag-iwas ako ng tingin.

"What do you need Ms. Santiago?" Nakatingin parin siya sa laptop niya at nag-t-type 

"Ahm..sir is it okay if I'll take 3 days leave?" Tumingin siya sa akin habang nakakunot ang noo.

Dealing With The BillionaireWhere stories live. Discover now