"Magandang umaga sa inyo." bati ng dalaga sa kaniyang mga alagang manok. Nagbigay siya ng sapat na feeds at maingat na nilapag 'yon sa lupa para sa mga manok.
The chickens ran towards her, pinag-agawan ang feeds na binigay niya sa mga ito at nang matapos siya ay agad niyang pinuntahan si Winter, her horse. Nakakulong ito sa maliit na kuwadra, it was intentionally made by her father no'ng buhay pa para sa kaniyang kabayo.
Winter is a white horse, a mare with a long and clean hair dahil lagi niyang pinapaliguan ito. She loves riding her horse specially during windy day but not the strong one, hindi niya alam but she loves how the wind plays with her hair and body. Kung paano ito sumabay sa kanila ni Winter kapag naiisipan niyang mamasyal sa napakalawak na lupain ng mga Valencia.
The Valencias own the half land of their province, they own a poultry farm, goats, cows and even horse stud farm.
Ang malawak na hacienda ng mga ito ay halos lahat ng naninirahan sa kanilang probinsya ay do'n nagta-trabaho. Plantasyon ang klase ng hacienda na mayro'n ang mga Valencia, at dahil sa yaman ni Don Enrico ay nakilala ang kanilang pamilya hindi lang sa kanilang probinsya kundi sa ibang lugar.
Sa tuwing namamasyal siya sa plantasyon ay hindi naman siya napapagalitan ng mga nagtata-trabaho roon dahil bukod sa kaibigan niya ang kaisa-isang anak apong babae ni Don Enrico ay nasanay na silang nakikita siyang pumupunta ro'n.
"Magandang umaga, Winter." bati niya sa kabayo.
Winter let out a low neighs as response to her greetings.
She scooped a perfect amount of grains from the sack na nasa gilid ng kuwadra using her hands at nilahad 'yon sa harap ng kabayo, walang pag-aalinlangan itong tinanggap ng kaniyang alagang kabayo.
Napangiti siya habang pinagmamasdan itong kinakain ang kaniyang binigay na grains mula sa kaniyang palad.
"Risha!" muntik na siyang mapatalon sa gulat nang marinig ang malakas na sigaw mula sa loob ng bahay.
"Risha, nasaan ka?" another voice shouted her name again.
She was thankful dahil walang malapit na kapitbahay sa kanila dahil kung hindi ay pag-uusapan ang pagiging maingay ng mga kasama niya sa bahay.
Nang matapos niyang mapakain si Winter ay nagbuhos siya ng tubig sa lagayan ng inumin ng kaniyang kabayo bago kumaripas ng takbo papasok sa kusina.
"Risha!"
She quickly ran upstairs at tinungo ang kuwarto kung saan nanggagaling ang boses. Hinihingal siyang dumating sa tapat ng pinto at dalawang beses na kumatok.
"Pasok!" malakas na sagot ng may-ari ng kuwarto.
Pinihit niya ito pabukas at pumasok.
Napapikit siya nang maramdaman niya ang pag-tapon ng mga damit sa kaniyang mukha.
"Ilang beses ko nang sinabi sa'yo na labhan mo 'yang damit ko dahil gagamitin ko 'yan ngayong araw pero paulit-ulit mong kinakalimutan! You stupid!" galit na galit na asik nito at tinapon pa sa kaniyang harap ang laundry basket.
Muntik nang tumama 'yon sa kaniyang tuhod.
It was just six in the morning pero ito agad ang bungad ng kaniyang kinakapatid na babae.
"S-Sorry, Cressel. Lalabhan ko nalang ngayong araw." nakayuko niyang hingi ng pasensya at pinulot isa-isa ang mga damit na nagkalat sa wooden ceramic tiles ng kuwarto.
"You should! Ang dali-dali ng pinapagawa ko but you can't even do it properly! Ang tanga lang, Risha!"
Hindi siya sumagot dahil sanay na siya sa sigaw at pang-iinsulto ng mga ito sa kaniya.
Walang imik siyang umalis sa kuwarto ni Cressel dala ang pinapalabhan nitong mga damit at bumaba ng hagdan upang pumunta sa laundry room.
Habang nagmamadali siyang bumaba ay may malakas na bumangga sa kaniyang balikat dahilan para muntik na siyang matumba, mabuti nalang at agad siyang nakahawak sa banister ng hagdan na yari sa matibay na kahoy.
"Are you blind or something?" iritadong tanong ng taong nakabanggaan niya, ang kakambal ni Cressel, si Cressley.
Mabilis siyang umiling at yumuko. "P-Pasensya na. Kasalanan ko. Sorry." mahinang boses niyang hingi ng paumanhin.
Napagalitan na siya ni Cressel at ayaw niyang pati si Cressley ay bulyawan din siya.
"Tatanga-tanga ka kasi." Cressley hissed. "Dalhan mo ako ng orange juice sa kuwarto, I'm thirsty." utos nito habang abala sa pagkalikot sa cellphone nito.
"I-Iyon lang ba?" her soft voice asked.
Kumunot ang noo nito dahil sa kaniyang tanong.
"Baka kasi m-may iba ka pang ipapagawa kaya ko natanong." agap niya bago pa magalit.
"Actually, mayro'n nga." she snapped her forefinger and thumb na parang nagkaroon ito ng ideya. "Tapusin mo ang project na pinapagawa ko sa'yo last week pa, bukas na ang deadline kaya dapat bukas na bukas tapos na 'yon. Maliwanag?" tumango siya bilang tugon.
"Walang problema, Cressley." she smiled.
"Okay." saad nito at iniwan siya.
Walang lingon itong nagpatuloy sa pag-akyat ng hagdan.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago ring tuluyang bumaba.
Napalitan ng mapait na ngiti ang kaniyang labi.
Her life would probably not miserable if her mother was alive, she will defend her for sure.
That thought made her heart heavy, she wanted to cry but she knew to herself that she can't dahil gusto niyang magpaka-tatag.
Pagkatapos niyang gawin ang lahat ng mga utos ng dalawang magkapatid ay bumalik siya ng kuwarto at pagod na humiga sa kaniyang lumang kama, she stretched her body.
Nangangalay ang kaniyang katawan sa dami ng kaniyang ginawa ngayong araw.
Saktong alas-dose na ng madaling araw siyang natapos. Walang bago, ganoong oras naman siya laging natatapos.
Nang medyo gumaan ang pakiramdam niya ay binuksan niya ang kaniyang balkonahe at lumabas, yumakap sa kaniyang katawan ang malamig na hangin at sumalubong sa kaniyang paningin ang madilim na kalangitan.
Nakaramdam siya ng tuwa nang may makita siyang kaisa-isang bituin.
Mabagal siyang pumikit at pinaglapat ang kaniyang kamay.
Hiniling na kung nasaan man ang kaniyang ina ay sana gabayan siya at bigyan ng lakas ng loob upang malagpasan ang pagpapahirap na ginagawa ng mga kasama niya.
Pagkatapos niya ay pumasok siya at bumalik sa kaniyang kama. She covered half of her body with the blanket and closed her eyes.
At dahil sa pagod ay hindi na niya namalayan kung anong oras siya nakatulog.
BINABASA MO ANG
Trapped In Midnight (Complete)
RandomRiver Shail Embuscado is an innocent young lady who only wishes for her own happy ending and a prince charming that can save her from the evil twin stepsisters and cruel stepmother. They always give her hard time but it was not enough for them, they...