Chapter 6

462 366 15
                                    

SOBRANG nagulat si Lester sa kanyang narinig mula sa Tita nito na ang isang mataray at magandang babae na nakilala nila kahapon ay isa pa lang gumagamit na pinagbabawal na gamot.

     " Addicted na po ba siya? " tanong niya.
     Nagkibit-balikat ang babaeng kaharap. " I don't know. I don't know what's happening to her. " Biglang yumuko ito at hindi mapigilang umiyak sa harap niya.
     Nag-angat ng mukha ang babae at nagpahid ng mga luha. " Pasensya ka na akin, hijo. Naging emosyonal ako, " hinging paumanhin nito sa kanya.

     " Okay lang po Ma'am, " sabi ni Lester. " Sanay ako diyan. "
     Natawa ito. " Lester,  tutulong ako sa organisasyon ninyo. Pwede akong mag-sponsor sa mga programa ninyo.
Ang hinihingi ko lang ay tulungan mong magbago ang aking pamangkin, " pakiusap nito.
     Hindi ninyo na po kailangan na mag-sponsor.
Tutulong kami nang walang hinihinging kapalit, " sabi niya.

     " Okay, tutulong ako sa organisasyon ninyo para mas marami pa kayong matulungan na kabataan, katulad na lang ng pamangkin ko, " inabutan siya nito ng calling card, " In case na baka kailanganin nito ang tulong ko. "
     Tiningnan ni Lester ang calling card. " Okay po, Ma'am Claire, " basa niya sa pangalang nakalagay doon.

     " Tita Claire 'na lang ang itawag mo sa akin. "

     Nang lumabas ai Lester sa bahay nina Tita Claire, isang bagay ang pumasok sa isip niya. Kailangan ay may gawin siyang hakbang upang mailigtas si Cindy mula sa pagkapariwara nito. Hindi siya makakapayag pa na mangyari uli ang naging bangungot niya noon nang wala siyang nagawa.

NAKATANGGAP ng text si Cindy mula kay Stephen.
Sinabi nito sa kanya na nakalabas na sila. Niyaya na naman siya nitong lumabas mamayang gabi. Tinawagan niya ito.

     " Saan naman tayo? Sarado na'yong club, " aniya.
     " Do'n na lang tayo kina Peter, " sagot  nito.
     " Boring. Sino ang magdadala? "
     " Ano ba'ng gusto mo? May dealer na  kilala si Dave. Isasama niya mamaya. "
     " Kahit ano. Huwag lang MJ, " sagot niya.
     " Okay. Puntahan kita mamaya diyan. " Pinutol na ni Stephen ang tawag.
     Hindi nadadala si Cindy. Kahit nakulong na kagabi ay hindi pa rin siya titigil sa pagtatake ng droga.

     May narinig siyang ingay na nagtatawanan sa labas ng kanilang bahay. Ito'y kanyang tiningnan at sinilip sa bintana.
Nakita na naman niya ang mga kabataang kumatok kahapon sa kanila para mag-solicit. Nakatambay ang mga ito sa tindahan at nagme-merienda. Napukaw ang kanyang atensyon sa lalaking nakasalamin. Parang ito ang tumatayong lider ng grupo. Sa palagay ni Cindy, ang misyon ng organisasyon ay tumulong sa mga out-of-school youth  at naliligaw ang landas ng mga kabataan.
Natawa siya. Para naman kaya nilang gawin iyon.
Isinara niya ang kurtina at lumabas na sa kaniyang kwarto.

     Nang bandang alas-syete ng gabi ay tumawag muli si Stephen. Nagsabi ito na hinihintay na siya sa labas. Mabilis siyang lumabas ng kwarto at kumaripas ng takbo sa pinto ng bahay.

     " Saan ka pupunta? " tanong ni Tita Claire na nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV.
     " Aalis, " sagot niya, saka binuksan ang pinto.
     Tumayo si Tita Claire at sinundan siya sa gate.
Pinigilan siya ng tiyahin na buksan ang gate. " Hindi ka pwede umalis ng bahay, dito ka lang, " utos nito.
     Tinawanan niya ito. " Sino ang may sabi sa'yo na hindi ako aalis? " Tinabig niya ang kamay ng tiyahin.

     " Cindy, hindi ka aalis------ "

Hindi pinansin ni Cindy ang utos ni Tita Claire niya kahit anong mangyari walang makakapigil sa kanya.
Dere-deretso siya at pinuntahan si Stephen saka sumampa agad sa motorsiklo.

     " Bilisan mo na, " utos niya.
     Mabilis na pinaandar ni Stephen ang motor at umalis.

Nakita ni Lester ang nangyari. Mukhang pasaway talaga itong si Cindy. Sa suspetsa niya, ang lalaking kasama ng dalaga ang nag-impluwensiya rito.

     " Iyon ba ang boyfriend ni Miss Mataray-Ganda? " tanong ni Elyh.
     Nagkibit-balikat siya.
     " Ang pangit, Sir! Mukhang unggoy! " sabi nito at nagtawanan sila.

     Napangiti lang si Lester. Napaisip siya. Malamang ay boyfriend nga iyon ni Cindy. Medyo nakadama siya ng paghihinayang.

     Pero ilang saglit ay tila gusto niyang iuntog ang sarili sa pader. Mukhang na love at first sight siya sa dalaga.
    

You Changed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon