Chapter 45:

974 64 3
                                    

Thrizelʼs POV

“Kung hindi lang kita, kapatid baka magkagusto rin ako sayo.”

Paulit-ulit na boses na naririnig ko aking taynga. Ramdam ko ang saya pero naalala ko na kailangan kong itigil ang kahibangan na ito. Magkapatid kami.

“Hays.” Buntong hininga ko.

Ito na naman ako, problemado. Siya lang talaga ang problema ko sa buhay ko. Sandali, siya lang ba ang problema ko? Isa lang pala sa mga problema ko sa buhay kong ito. Sa sobrang inis ko ay nahampas ko ang unan ko.

“Thrizel.” Pagtawag sa akin ni ate Anissa. Napatingin naman ako sa pintuan ng aking kwarto at huminga nang malalim bago magsalita.

“Pasok, ate.”

Dahan-dahan namang bumukas ang pinto ng kwarto at saka pumasok si ate. Naglakad ito palapit sa akin at umupo sa aking tabi. “Ayos ka lang ba? Wala ka sa mood kanina pagdating mo.” Halata sa boses ang pag-aalala.

Napangiti naman ako at saka sumagot. “Ayos lang ako.”

“Sigurado ka?” Panigurado nito.

“Ryke stop courting me.” Tumingin ako sa ibang direksyon.

Hey, Thrizel. Maganda ka, matalino at mabait. Isa pa, bata ka pa, hayaan mo siya marami kang makikilala.” Agarang sabi ni ate at niyakap ako.

Napangiti naman sa sinabi at ginawa ni ate. Yeah, tama siya marami pa akong makikilala kaya dapat pigilan ko kung ano mang nararamdaman ko sa kuya ko. Ito lagi ang pinoproblema ko.

Salamat.” Ako na ang bumitaw sa pagkakayakap naming dalawa.

“Baba na muna ako at tutulong sa paghahahanda ng dinner natin mamaya.” Nagsimula na siyang maglakad palabas ng kwarto ko.

Naglinis ako ng katawan at bumama na rin ako para makakain na. Saktong pagbaba ko ay handa na ang pagkain. Kita ko naman tatayo na sana si Link para puntahan ako.

“Kakain na ba?” Tanong ko sa kanila.

Si Thrale ang sumagot sa akin. “Oo, kakain na. Maupo ka na rito.”

“Ayos ka lang?” Tanong ni Link nang makaupo ako sa kaniyang tabi.

Nangunot ang aking noo. “Oo, bakit?”

“Ah, kanina kasi parang wala ka sa mood.” Tumango na lamang ako sa kaniyang sinabi.

“Oh, parang seryoso ang pinag-usapan niyo?” Nakikiusosyo pala si Link sa amin.

“Hindi naman, kuya.”

Mabilis na natapos ang aking pagkain. Nagpaalam sa kanila na aakyat na ako kwarto at doon magpapahinga. Humiga na ako. Pinikit ang aking mga mata at inisip na kailangan ko na lumayo kay Thrale. Maraming masisira at masasaktan kapag pinagpatuloy ko pa itong nararamdaman ko.

“THRIZEL, baby wake up, it's already late.” Rinig ko na paggising sa akin ni mommy. Yes, nandito siya dahil sa graduation ni kuya bukas, umuwi siya. Isang linggo na rin pala akong umiiwas kay Thrale. Ewan ko kung ramdam niya o hindi, sana hindi.

“Okay, mommy.” Dumiretso sa banyo at makaligo na.

Natapos na ako maligo at heto ako ngayon. Papunta na sa dinning area. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “Good morning!” Masayang bati ko sa kanilang apat.

“Anong good morning? Good afternoon na, Thrizel. Iyan sige, puyat pa.” Sagot sa akin ni Thrale kaya napakamot ulo na lang ako.

Oo nga pala, nagpuyat ako kasama si ate Anissa. Nanood kami pero tinulugan naman ako ni ate kaya mag-isa nalang akong nagpuyat.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now