*Kaz’s POV*

Hi,” bati ko sa date ko.

Hi,” ngumiti siya sa akin saka humawak sa braso ko.

Napag-usapan kasi naming magdinner ngayon dahil naging successful ang unang mini concert namin.   Napansin ko rin na hindi na siya masyadong masungit lately at hindi na siya masyadong kumukontra sa akin.

Narating namin ang table na pinareserve ko para sa amin at hinila ko ang isang upuan para makaupo siya saka ako umupo sa tapat ng upuan niya.  Kasalukuyan kaming namimili ng kakainin namin para sa dinner nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot dahil hindi ko pa pala napalitan ang ringtone na para lang sa kanya.  Oo, siya lang ang may special ring tone sa cellphone ko kaya kahit hindi ko titignan, alam kong si Patricia ang tumawag.

Patricia?” agad kong sagot sa tawag niya.

Kaz,” napakunot ang noo ko nang marinig siyang umiyak pero kahit nasasaktan ako dahil alam kong naalala lang niya ako dahil kailangan niya ako, masaya na rin ako dahil at least narinig ko ang boses niya.

Patricia! Tell me where are you? Susunduin kita,” tiim-bagang sabi ko dahil narinig ko na siyang humagolhol.  Ano na naman ba ang problema nila ni Stuart?  Okay na sila di ba? Kaya nga nakikipagdate na ako para maka-move on.  Bakit siya umiiyak ngayon?

Vivienne, I’m sorry I have to go,” saad ko sa ka-date ko pagkatapos ibinigay ni Patricia ang address kung saan ko siya susunduin.

Huh? Hindi pa tayo nakapagsimulang magdinner ah,” nakita ko ang inis sa mukha niya, “hindi pa nga tayo nag-order.”

Patricia need me,” paliwanag ko.  Okay lang naman na sabihin ko sa kanya na si Patricia ang pupuntahan ko dahil alam niya ang nararamdaman ko para kay Patricia.  Besides, ayokong umasa siya.  Kahit sinabi niyang imposibleng ma-inlove siya sa akin, mas mabuti pa rin yung alam niyang hanggang pagpapanggap lang na asawa ko siya ang tanging kaya kong gawin.

I am really sorry.  Babawi na lang ako sa’yo,” hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad na tumayo at tinungo ang sasakyan ko upang sunduin si Patricia.

Patricia, anong nangyari?” saad ko nang sinalubong niya ako ng yakap.

S-si Stuart at si– Sandra,” nahihirapan siyang magsalita, ”Si Sandra pala ang tunay na mahal ni Stuart.  Ang sakit-sakit,” humahagolhol siya.

Nakonsensiya ako sa narinig ko.  Alam ng buong barkada ang tungkol sa pagtingin ni Stuart kay Sandra.  Alam din ng buong barkada na si Sandra ang dahilan kung bakit ganun ang trato niya kay Patricia.  Pero nakita namin na nag-iba na ang lahat simula noong aminin ni Stuart sa amin na mahal na nga niya si Patricia.

Sandra came at nalaman kong nagkaanak pala sila ni Stuart,” napakuyom ako sa narinig ko.  How dare he hurt Patricia like this?

Kaz, samahan mo muna akong mag-bar.  Kailangan ko lang talagang ibuhos itong sakit na nararamdaman ko,” pagsusumamo ni Patricia.

Iinom ka?” may halong inis na pagkasabi ko, ”hindi naman nakakatulong ang pag-inum, Patricia.”

I have to dahil alam kong hindi ako patutulogin ng problemang to.  Please Kaz, I just want to get wasted.  Kahit ngayon lang,” hindi na ako umimik sa sinabi niya.  Alam ko na sobra siyang nasaktan sa lahat na nangyayari.  Kung kaya ko lang sanang pawiin ang sakit na nararamdaman niya, ginawa ko na.  Kaso, alam kong hindi ako ang kailangan niya upang mapawi ang sakit sa puso niya.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-EditingBasahin ang storyang ito ng LIBRE!