"Tiyo, maaari bang huwag nalang ako sumama?" nakabusangot na tanong ni Prinsesa Eglantine.

"Huh? Bakit, Prinsesa Eglantine?" nagtatakang tanong ni Emperador Audrick.

"Ama, huwag ka na magtaka, naiinggit na naman siya para sa prinsipe at prinsesa na tagapagmana dahil hindi niya magagawa ang mga bagay na ito kay Duke Arundel." wika ni Prinsipe Hadden saka bumungisngis.

Mas lalo sumimangot si Eglantine sa sinabi ng kaniyang bunsong pinsan. "Palibhasa kasi hindi ka pa tinatamaan sa isang babae kaya ganyan ka. Sinasabi ko sa iyo, sa oras na mahulog ka sa patibong ng pag-ibig, hinding hindi ka makakatakas! Ha!" may halong pagbabanta na 'yon.

Tumawa kami ng mahina, samantalang si Emperador Audrick naman ay kumawala ng malalim na buntong-hininga at napasapo sa kaniyang noo na akala mo ay may inaalagaan siyang mga paslit na nag-aaway sa kaniyang harap. Ilang segundo pa ang lumipas na nagtatalo pa ang dalawa, sa wakas ay nagawang awatin ng aking biyenan ang dalawa at oras na upang kami'y umalis na.

Apat na karwahe ang gagamitin namin para sa paglalakbay upang ihatid kami sa daungan kahit na hindi pa ito lubusang naaayos dahil marami pang dapat gawin. May mga barko din naman dito sa Thilawiel. 'Yon nga lang, barko pangdigma ang gagamitin namin dahil hindi pa yari ang mga pampasaherong mga barko na isa sa mga pinanukala ko sa harap ng Emperador, lupon at mga Opisyal ng Thilawiel. Hindi na rin masama kung barko pandigma man ang gagamitin. Mas maigi na ding maging handa at hindi rin natin alam kung ano ang mangyayari habang nasa gitna kami ng byahe.

Sa unang karwahe, ang mga sakay nito ay ang Emperador Audrick, si Otis, ako, si Prinsipe Hadden at ang Prinsesa Eglantine. Samantalang sa pangalawang karwahe ay sina Nesta, Faila, Regie, Ceca at Frostine pati na din ang mga ladies-in-waiting ni Prinsesa Eglantine. Sa pangatlong karwahe ay sina Egos at ang mga personal na mayordomo ng Emperador at ni Prinsipe Hadden Sa pang-apat ay naroon ang mga iba pang tagapagsilbi na sa pang na tingin ko ay ayos lang din naman ang arrangement. Ang mga kabalyero na sasali sa paligsahan, na kinabibilangan na din nina Ramas at Raymound ay nakahati sa dalawang grupo. Meron sa harap at meron din sa likod. Ang tanging hinihintay nalang namin ay tuluyan nang magbubukas ang malaking gate ng Palasyo, hudyat lilisanin muna namin ang Thilawiel sa panandaliang panahon lamang.

Ilang saglit pa ay ramdam ko na ang pag-usad ng karwahe na sinasakyan namin. Ah, paniguradong nakabukas na ang gate ng Palasyo. Dahil d'yan ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatingin sa bintana. Nang makita ko na tagumpay na kaming nakalabas ng Palasyo ay lihim ako napangiti. Parang kailan lang noong isa palang akong bisita sa lugar na ito. Maraming nangyari. Mula sa kuryusidad na umaahon sa aking sistema ng mga panahon na 'yon, mula sa klima na meron sa Thilawiel, ang kaugalian ng mga Thilian na nabibigyan din 'yon ng mabilisang solusyon.

Natigilan lang ako nang napagtanto ko na nasa Kapitolyo na kami. Ang mas nakakagulat pa ay nakahilera ang mga Thilian sa gilid ng kalye, suot nila ang mga masasayang mukha, Kasabay pa na masaya nilang iwinagayway ang hawak nilang mga kulay berde na panyo sa ere. They wishes us a good luck. Mula dito sa loob ay rinig ko ang kanilang hiyawan na ipinaparamdam nila sa amin ang buo nilang suporta sa kanilang koponan at para kay Otis. Hindi ko mapigilang mapangiti pa. Nasisiyahan ako sa aking nakikita. "Umaasa sila na mananalo kayo, Otis." sabi ko pero nanatili akong nakadungaw sa bintana.

Kahit na hindi ko siya tingnan ay alam kong masaya na din siya sa kaniyang nakikita at nararamdaman niya na pagsuporta sa kanila ng kanilang kababayan.

**

Lumipas ang ilang oras ay narating na namin ang daungan. Ang buong akala namin ay kakaunti lang ang tao dito, subalit nagkakamali kami. Dahil mas marami pa palang tao ang naririto. Na talagang gusto nilang ihatid kami sa lugar na ito bago man namin ito lisanin mamaya.

I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3) Where stories live. Discover now