Chapter 4: The Jerk

1.6K 34 9

Chapter 4: The Jerk

Yahnie's POV

Bastos! Maniac! Napakabastos! Walang hiyang Zuriel na yan! How dare him to touch me! Deny pa sya! Anong akala nya sakin maliit ang hinaharap?!



 

Naglakad na lang ako at umalis dun. So, saan na ko pupunta ngayon? Wala naman na eh, late na ko. Napabuntong-hininga ako at napagdedisyong maglakad lakad na lang. Mag-aala Dora na lang ako dito.

 

"You loves me, You loves me not, You loves me..." Napalingon ako kung saan nanggaling yun.

Nakita ko yung babae na inaalis yung mga petal sa rose. Habang nakaupo sa lap nung guy.

Napairap ako, class hour na pero landian lang sila ng landian? Pero pabayaan ko na nga sila, ako din naman hindi pumasok sa class ko.

Nakatalikod sakin yung dalawang lovers kaya hindi ko alam kung sino yung mga yun. Tatalikod na sana ako ng may marinig akong sigaw kaya napalingon ulit ako.

 

 

"Malandi ka! Boyfriend ko yan!" sigaw ng paparating kaya nagulat yung dalawang lovers at naghiwalay. Napakunot-noo ako dahil yung lalaki ay walang iba kundi si Royce. Great!

 

"Ok ok. Stop. Please, pwede namang girlfriend ko kayong dalawa diba?" tanong ni Royce sa dalawa. Napanganga ako, seriously Royce?

"Unfair! Ayoko ng may kahati!" tutol nung isa habang pulang pula na ang mukha. Napahalukipikip ako at pinanuod sila. Wala bang popcorn diyan?

"Kahit naman ako 'no." sabi naman nung isa. Napahawak si Royce sa ulo at tumingala. Napabuga muna siya ng hangin bago harapin yung dalawa.


"Ok sige kung ayaw nyo edi break na tayo mga girls." Nagpalakihan ng mata yung dalawa sa sinabi ni Royce. Napailing ako at tumalikod na.

 

"Yahnie!" nagulat ako dahil nakita ako ni Royce kaya tumakbo ako palayo. Kapag nakikita ko siya hindi ko maiwasang maalala ang nagyari noon.

 

 

*Flashback*

"Yahnie! May importante akong sasabihin sayo!" hinihingal na sabi ni John.

"Oh ano yun John?" hindi ko siya tinitignan dahil busy ako sa paggawa ng assignment namin.

"Si Royce may kahalikan dun sa rooftop!" napatingin ako kay John. Napatawa kaming dalawa ni Lenzie.


"Bakit seryoso ako! Kahit pumunta ka pa dun!"

"Naman John. Mahal na mahal ni Royce si Yahnie kaya wag ka ngang ganyan dyan!" Sabi ni Lenzie.

"Pumunta tayo sa rooftop! Para makita nyo." Nagsitinginan kami ni Lenzie.

"Fine." sabi ko at tumayo na.

Mabilis kaming nakarating sa rooftop at narinig kong may-naguusap.

"You broke your promise!" saigaw nung isang babae.

"Sorry.." teka boses yun ni Royce, a.

"Pinayagan kita na maging Playboy. Pero bakit nainlove ka dun?"

"Baki ba? Pakielam mo?! Ex na lang naman kita ah! Tapos babalik balik ka pa dito!" naiinis na sabi ni Royce.

"Bumalik ako dito para sayo!" At dahil ang likot nung dalawa at nakikipagsiksikan para makita kong sino yung nasa rooftop ayun! Natulak ako kaya nabuksan ko yung pinto. Naku naman!

 

"Yahnie!" napalaki ang mata ni Royce. Nagulat na nakita ako.

"Ah sorry kung nakinig kami sige aalis na kami." Aalis na sana kami kaso pinigilan ako ni John.

"Teka Yahnie!" seryosong sabi ni John habang hawak ang braso ko. "Hoy lalaki ka, alam ko ng playboy ka at hindi ko yun sinabi kay Yahnie kasi gusto ka nya. At nagpromise ka sakin. Tsk. Paasa." tska na ko hinatak ni John.

 

Masakit. Oo aminado ako. Playboy pala sya? Bat hindi ko nalaman? Ganun na ba ako katanga para hindi mahalata?

 

"Yahnie patayin mo cellphone mo at magpalit ka agad ng sim." Seryosong sabi sakin ni John. Minsan ko lang makitang ganito si John kasi lagi ko syang nakikitang masaya. Sinunod ko naman sya.

 

Simula nun, hindi ko na nakita si Royce. Wala kaming formal break-up pero sa tingin ko naman di sakanya big deal yun kasi nga playboy sya diba?

 

 

*End of Flashback*


 Ayun na nga and masalimuot kong lovestory. Ang first boyfriend ko ay napunta lang sa isang Playboy. Naiiyak tuloy ako.

 

"Awwww, why are you crying Little girl?" napalingon ako sa nagslita at great! Ang mga Gotcha Girls na naman. Sinusundan ba nila ako?

"Kinagat kasi ako ng langgam." sarcastic na sabi. Sabay sabay silang nag 'Ahh.' Napairap ako at tumayo na. Lalagpasan ko na sana sila kaso may pumatid sakin.

"Opssss, Sorry i really mean to do that." sabi nung babae at nagtawanan silang lahat.

"Ok." Ayokong makipag-away ngayon. Emo ako ngayon kaya bukas na lang. Aalis na sana ako kaso hinawakan nung isa yung braso ko.

"Bakit hindi ka umiyak? Umiyak ka!" teary eyed na sabi nya. Napakunot-nno ako. Teka, diba dapat ako ang iiyak dahil napatid nila ako e bakit parang sila pa ata ang iiyak?


"Leave me alone." Yun lang ang nasabi ko. Pero hinawakan ako nung dalawa niya pang kasama.

 

"What's goin on here?" Napalingon kami sa nagsalita at yung Zuriel. Don't tell me, pati si Zuriel sinusundan din ako?

 

"Zuriel? O-Oh H-Hi?" nauutal na sabi nung babaeng humawak sa braso ko kanina at pamatid sakin.

"Ano ginagawa nyo sakanya?" Obvious naman di ba? Binubully ako! Tanga naman nito.

"Uhmm, Wala naman." at binitawan nila ako. Napairap ako.

"Weh? Pinatid nyo nga ako!" sigaw na sabi ko. Hindi ako mabait, sumbengara ako. Pinandilatan nila ako pero inirapan ko lang sila.

"Eh kasi si Diether sinampal mo!" Ilang ulit ko bang sasabihin sakanila na hindi ko nga sinampal si Diether?!

"Hindi nga ko nga sya si--" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ng umepal si Zuriel.

"Kayo ba sinampal?" Oo nga! Kayo ba sinampal? Napatingin ako kay Zuriel na diretsong nakatingin sa mga Gotcha Girls.

"Eh kase..." napatungo silang lahat. Speechless sila ngayon.

 
 

"Wag na wag kayong lumapit sakanya." napalingon ako kay Zuriel na nakatingin pa din sa mga Gotcha Girls.

"Bakit?" sabay-sabay nilang tanong. Yung iba napaiyak na. Yung iba naman nag walk-out pa at may line na 'Ayoko ng marinig ang sasabihin nya. Masasaktan lang ako' Ang drama naman ng mga 'to. Tska bakit sila umiiyak?

 

"Because she's my P.A." napalaki ang mata ko.

 


P.A.?! As in Personal Alalay?

She's Accidentally Inlove With A HeartthrobBasahin ang storyang ito ng LIBRE!