Chapter 12

11.2K 601 46
                                    

Dominique

"Dominique, saan ba talaga tayo pupunta?" Takang tanong ni Jazmine sa akin.

"Basta, drive it. Pagdating mo sa kanang street. Pangatlong bahay." Wika ko habang tinitignan ang dinadaanan namin sa GPS.

Salamat kay Mama Risen dahil nasa kanya lahat ng records ng mga Professors. I know, I have my ways. Nakalimutan ko kasing itanong kay Miss Fin ang address ng bahay nito kaya't kinuha ko na rin pati ang pribadong numero nito.

Pagdating sa destinasyon namin ay agad kong tinawagan si Miss Fin. Nakatatlong ring pa lang ng sagutin nito.

"Happy birthday Miss Fin! Si Dominique po ito-"

"Hey! Was it really you?! Nakalimutan kong ibigay ang address ko sayo-"

"Excuse me lang po. Nasa harapan na po kami ng mansyon mo."

"Oh shut it. It's not mansyon- oh wait!" Wika nitong natigilan. "You're infront of my house?"

"Yes po."

"For real?!" Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko bago namatay ang tawag.

"Did you just said happy birthday kay Miss Fin?! Kay Miss Fin tayo dadalo?!" Gulat na tanong ng pinsan ko sa akin habang nanlalaki ang mga mata nito.

"Oo bakit?"

"Ish!" Sinapak nito ang braso ko.

"Ouch Jazmine!"

"E nakakainis ka! Hindi mo sinabing kay Miss Fin tayo pupunta and worst birthday pa niya! Wala akong dalang gift!"

Natawa ako rito.

"No problem. I told Tita Allison about it. Nagbigay siya kaninang sinadya kita sa bahay niyo. Isa sa mga collections niya. Binigay niya ang gustong gusto mong iregalo na earrings sa isang espesyal na tao and I have it here."

Sabay abot ko sa kanya nong box kung nasaan ang regalo nito. Kinuha naman nito iyon. Wala kasi si Jazmine kanina at kadarating lang ng hatakin ko ito papunta dito. Nanggaling ito sa province ng lolo't lola nito para bumisita saglit.

"Bakit ito? Ibibigay ko lang dapat ito sa taong mamahalin ko."

"And she's the one for you."

"She's only my crush! Hindi ko sinabing love ko-"

"Ganun na rin iyon." Putol ko sa sasabihin nito.

"Kapag ang first love ko nausog lagot ka talaga sakin!"

Sakto namang bumukas ang gate at iluwa non si Miss Fin.

"Oh my! She's so gorgeous!" Mahinang tili ni Jazmine.

I smirked. "Sana nga mausog."

Crush ha. Crush my ass.

"Ish! Huwag ngayon cous!"

Ibinaba ko ang salamin ng sasakyan ni Jazmine bago dumungaw. "Hi Ma'am!" I even wave my hand.

"Come in!" Ito na rin ang nagbukas ng gate nito.

Tuwang tuwa si Jazmine na nagmaneho papasok sa loob. Malaki ang bahay ni Miss Fin na mukhang ancestral house pero halatang renovated. I could say it just by looking at it. Maraming sasakyan ang nakahilera sa harapan ng bahay. Siguro ay mga inimbitahang mga kaibigan nito.

Ng makapag-park si Jazmine ay agad akong bumaba ng sasakyan. I close my bag. Mamaya ko na ibigay ang regalo ko para dito because it was inappropriate to give it while we're still outside.

It was a christie's diamond necklace . Syempre si Mommy Frances ang bumili niyon noon at isa din sa mga collections nito. At dahil sinabi ni Mama Scarlet na may napupusoan na ito para sa akin.

Huwag naman sanang si Miss Fin dahil magkaibigan lang kami at lalong lalo na kay Mrs. Knutson na kasal na gaya ng sinabi ni Mama Scarlet na pwedeng sungkitin.

I would never do that.

Si Mommy Frances at Tita Allison ang nagbigay ng personal nilang collection dahil alam ko. Never na bibili si Mama Snow, Mama Risen, at Mama Scarlet ng mga regalong jewelries para sa ibang babae maliban sa aming mga anak nila at pamangkin. We knew they will only buy something like that for our Moms.

"Hello po." I greeted.

Lumapit ito sa akin at bineso ako ganun din kay Jazmine na bumati sa kanya.

"Come in to my humble home. Salamat at dumalo kayo." Nauna itong pumasok at sumunod kami rito but we were stunned to see new faces. Siguro mga kaibigan nito. Nandito rin si Mrs. Knutson at kasama nito ang asawa nitong si Bryson. Mukhang nagsimula na ang kainan at simpleng handaan lang ito sa may living room. The typical friends gathering.

"Hi po." I simply wave my hand and smile a bit ng lahat sila ay nakatingin na sa amin ni Jazmine.

"Guys these are Mikaela and my engineering students. Dominique and Jazmine. Sit here." Pinaupo kami ni Miss Fin sa dalawa pang bakanteng single seater couch.

"Oh I like her!" Wika ng isang babaeng nakatingin sa akin. Maganda din ito at mukhang mabait.

"Salamat po."

"Oh no dear." Umiling ito bago tumayo at lumapit sa akin. Walang pasabing hinalikan ako nito sa pisngi. Nanlaki ang mga mata ko bago namula ng husto.

"Arielle!" Suway ni Miss Fin bago nito hatakin ang kaibigan nito at ibalik sa upuan nito. Tumatawa naman ang kaibigan nitong Arielle ang pangalan kasama ng iba nilang mga kaibigan. Si Mrs. Knutson lang yata ang hindi natutuwa. Well, dati pa.

"Huwag niyong haharassin ang mga estudyante ko!" Bumaling si Miss Fin sa amin bago ngumiti. "Kain na kayo. Help yourself please."

At dahil ayokong magtagal dito ay nauna na akong tumayo para kumuha ng pagkain. Sumunod si Jazmine na parang takot sa mga kaibigan ni Miss Fin.

Konti lang ang kinuha ko dahil hindi naman talaga ako gutom. Habang panaka-nakang kumakain sa upoan ko ay hinayaan ko lang na magkwentuhan ang mga ito. Ng matapos kami ni Jazmine ay sakto namang bigayan na ng regalo. Gusto kong mapa-facepalm dahil bakit ganun? Kailangan pang buksan ang regalo. Jazmine and my gift for Miss Fin, it was exclusive. Siya lang dapat ang makakita non.

Kakamot kamot si Jazmine ng kilay bago nahihiyang iabot kay Miss Fin ang regalo nito.

"Happy birthday ulit Miss Fin."

Ngumiti naman ito. "Thank you Jazzy!"

At dahil sa kantiyaw ng mga kaibigan nito ay binuksan nito ang regalo. Tumambad ang isang pulang box. Natahimik ang mga ito kahit si Miss Fin ng makita nito ang laman non.

Golconda diamond earrings at talagang kumikinang pa ito.

"Is this really for me?" Hindi makapaniwalang tanong nito kay Jazmine.

"Opo Miss Fin."

"Paano iyan? Dapat may gift rin si Mikaela. Birthday din niya e pero syempre dinner naman ang sa kanya mamaya." Kantiyaw ng isa pang babae.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

"W-we didn't know." Si Jazmine ang sumagot.

Mabuti na lang ay prepared ako. I took out another box and hand it over to Miss Fin. It was another earrings, not expensive as Jazmine's gift but this is cartier earrings.

"H-happy birthday Miss Fin."

"Thank you Dominique."

I went straight to where Mrs. Knutson's is. I didn't mind all the stares and her husband. I wanted her to have the necklace instead. So I took out and handed it to her.

"Happy birthday Mrs. Knutson."

Walang ekspresyon ang mukha nito ng abutin iyon. And as usual, her friends told her to open it. Ang akala ko ay hindi nito papatulan but she did.

And everyone in the room gasped when she opened it. Nabitawan pa nito iyon.

"Christie's diamond necklace?!" Sigaw ni Miss Fin bago ako nito tinignan na nanlalaki ang mga mata.

Bakit alam nitong christie's diamond iyon? Mahilig ba ito sa alahas?

"No." Wika ni Mrs. Knutson bago ito tumayo saka ito nag-walked out. Nangyari doon?

Topakin nga.

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon