Chapter 11

11.4K 596 102
                                    

Dominique

Nakahinga ako ng maluwag ng matapos ang isang oras na kasama si Mrs. Knutson sa office nito. It was my third day of detention. Wala naman akong magagawa kasi nangyari na ang lahat dahil sa kadaldalan ko.

I can't endure Mrs. Knutson's presence pero wala akong mapagpipilian. Ako ang naglagay sa sarili ko sa alanganin. Ayokong makarating ang balitang ito kay Mommy Frances at kay Mama Scarlet. I know they will freak out dahil kilala naman ako ng mga itong matino kaya pinakiusapan ko si Jazmine na sabihing may mga kailangan akong gawin after my last subject kapag nagtanong ang kahit sino sa pamilya namin.

Kahit labag sa loob ng pinsan ko ay pumayag ito alang-alang sa akin.

Wala akong naging anumang problema simula ng pumasok ako sa paaralang ito. It was only then when Mrs. Knutson came at doon na rin nagsimula ang kalbaryo ng buhay ko.

"Hi sweetheart!"

Natigilan ako ng marinig ang boses na iyon. Lumingon ako and there I saw my Mama Scarlet. Nakangiti ito sa akin. Iyong pagod at nararamdaman kong lungkot ay biglang nawala. Patakbo akong lumapit dito.

"Easy! Hindi ka pwedeng mapagod sweetheart!" Suway nito pero dinamba ko ito ng yakap habang nakangiti ako. I even kiss her cheek. I felt safe whenever I'm with my parents.

Niyakap ako nito pabalik.

"I missed you! You're finally back!" Tuwang tuwang wika ko at humigpit pa ang yakap ko rito. Magkasintangkad kami ni Mama Scarlet pero siyempre mas maganda ako! Kung susumain ay para lang kaming magbarkada dahil nga bata pang tignan ang mga magulang ko.

Kumalas ako rito at inakbayan ako nito.

"I came straight to you sweetheart. I wanted to surprise you kaya tinanong ko si Jazmine kung nakauwi kana pero ang sabi niya nandito ka pa sa school."

"And I'm surprised!"

Natawa ito. "Masyado kang hyper pero masyado ka ring nagpapagod. Hindi mo kailangan ng straight A's. Proud kami ng Mommy niyo sa inyo ng Kuya Thunder mo."

Na-guilty ako. I can't tell na nasa detention ako because I disrespected my hot married Professor noong sinabi kong manhid ito.

"Thank you Mom." Naglakad kami papuntang parking lot. "Bakit ngayon ka lang? You told me before you'd be here in a week."

"I'm sorry. Kinailangan kong isettle lahat ng maiiwan doon sweetheart but I am here now."

Tumango ako rito. "It's ok Mom. I do understand."

"Now let's surprise your Mommy. Tinext ko si Ilver na kunwari aalis ng bahay para sunduin ka pero lumabas lang talaga siya. Binigyan ko siya ng allowance panglakwatsa." Natatawang wika nito kaya napangiti ako. Everybody in my family are generous.

"Hey wait up, Dominique!"

Napalingon ako kay Miss Fin ng marinig ko ang pagtawag nito sa pangalan ko. Kakarating lang namin ni Mama Scarlet sa sasakyan nito. It was a Bugatti La Voiture Noire na regalo pa ni Mommy Frances sa kanya.

It is ok for them to see my Mama. Pribado naman kasing tao ang isang Scarlet Howard hindi kagaya ni Mommy Frances na mas kilala sa lipunan.

"Hi Miss Fin!" Kinawayan ko pa ito habang naglalakad palapit sa amin. Aalis na rin siguro ito.

"A Professor. I like it for you." Bulong ni Mama kaya ngali ngali ko itong sikohin pero nagpigil ako.

"Mama tumigil ka."

"But I like the other one better for you." Napakunot ang noo ko sa sinabi nito bago sundan ng tingin ang tinitignan nito. My eyes widened when I saw Mrs. Knutson walking towards us since parkingan nga naman ito.

"Mama huwag kang eskandalosa. May asawa na iyan."

"Kung wala pang anak. Sungkitin mo anak."

Hindi ako makapaniwalang tinignan ito pero ngumiti lang ito na parang ewan. I shook my head.

"Isusumbong kita kay Mommy."

"Huwag naman."

"Dominique." Si Miss Fin ng tuloyan na itong makalapit. "Gusto kitang imbitahan bukas sa birthday ko kung ok lang sayo total ay Sabado naman kung wala kang ibang gagawin."

"Oh she's coming." Sabad ni Mama habang ngiting ngiti.

Napangiti si Miss Fin rito. "Hi! I'm Sofiera Fin."

Inilahad ni Mama ang kamay nito na tinanggap naman ni Professor Fin . "I'm Scarlet Howard. Dominique's Mom."

I saw Miss Fin's eyes widened. Laglag panga pa ito. Gusto kong matawa sa itsura nito dahil sobrang naging cute pero pinigilan ko. That would be very rude pero ang kasunod non ay namula si Professor Fin.

"I.. Mrs. Howard. Ang ganda ganda niyo at ang bata pa po ninyo." Nagkalas ang kamay ng dalawa.

Natawa si Mama.

"Mikaela. Come here!" Agaw pansin ni Miss Fin sa kaibigan nitong yelo. Nilalagay ni Mrs. Knutson ang mga kagamitan nito sa likod ng sasakyan nito at magkatabi lang ang sasakyan nila ni Miss Fin.

Lumingon naman ito pero hindi nagsalita. Ganito naman talaga ito na parang bad mood palagi. Palibhasa kahit may nag-aalaga. Halatang hindi pa rin nadidiligan ng maigi para sumaya.

"Yeah." Monotone ang boses nito ng makalapit. Kahit mukha nito ay walang emosyon. Her eyes were cold and dead. Mukhang mas malala ang topak nito ngayon. At kahit siguro ayaw nitong lumapit ay mas nanaig pa rin ang pagiging professional nito.

Inakbayan ito ni Miss Fin na ngiting ngiti. "Matalik ko po itong kaibigan. Si Mikaela."

"I'm Mikaela Knutson." Sabay lahad nito ng kamay kay Mama. That's a first although ang sungit sungit pa rin ng dating. Hindi man lang kasi ito ngumingiti.

Napangiti si Mama rito bago ito kinamayan. "I'm Scarlet Howard. Dominique's Mom."

Huling huli kong natigilan ito. Tumingin ito sa akin bago ulit kay Mama. She nodded her head before she shook my Mama's hand and let go of it.

"It's a pleasure to meet you Mrs. Howard." Pero ang mukha nito ay hindi naman natutuwa.

"Likewise Miss Knutson."

Natawa si Miss Fin. "Mrs. na po siya Mrs. Howard."

"My bad." Natatawang wika ni Mama.

"Pero ang ganda niyo po at batang bata pang tignan. No wonder kung bakit maganda si Dominique. May pinagmahanan."

Napailing si Mama habang napapangiti. "I'm flattered pero kapag nakita mo ang asawa ko. Mas maganda iyon kesa sa akin." Saka ito tumawa na ikinatahimik ni Miss Fin.

"As a matter of fact. Dominique almost look like her Mom. Iyong panganay ko kasi ang boy version ko." Inakbayan din ako nito. "Mas lamang nga lang ito dahil may pan-"

Tinakpan ko kaagad ang bibig nito at nanlaki ang mga mata ko of what she's about to say!

"Mama!" Hindi ko mapigilang mamula. "Tara na nga." Bumaling ako kina Miss Fin na nagpipigil ng tawa at si Mrs. Knutson na seryoso ang mukha. "Aalis na po kami." Ngumiti ako ng alanganin. "Darating po ako bukas Miss Fin. Bye po." Saka ko na hinila si Mama at natatawa itong nagpaalam sa dalawa. Pinagbuksan ko pa si Mama ng pintuan para hindi na ito umangal.

When I was about to ride ay nakita kong nakatingin sa akin si Mrs. Knutson ng seryoso habang nakaupo na ito sa sasakyan nito ganun din si Miss Fin.

Ano na naman kaya ang problema ng Propesorang ito?

Pero hindi ako nakapaghanda ng makita ang bahagyang pagngisi nito sa akin. Saglit lang pero hindi ako pwedeng magkamali. Nginisihan ako ni Mrs. Knutson.

At ako?

Heto, nagimbal na naman ang mundo ko.

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon