Hindi no'n nakakalimutang umuwi roon kapag tapos na ang sem dahil kay Yee. Sinisigurado niyang makakapag-catch up silang dalawa dahil base sa k'wento niya, si Yee ang pinaka paborito at ka-close niyang pinsan sa lahat sakanila. Kaya heto, si Liham ang nag-aabala para sa akin dahil ibinilin daw ako ni Niquita sakaniya.

Akala mo naman akong bata kung tratuhin gayong ako nga ang pinaka matanda sa kanila, tss.

"Talaga? Salamat, ah? Ibabalik ko na lang sa'yo Liham—"

"Hindi na. Sa'yo 'yan, Bhea. Para sa'yo talaga 'yan.  Mag-enjoy kayo ni Amox do'n, ah?" I beamed a sincere smile at her. Mag-e-enjoy talaga kami, panigurado.

Inilapag ko ang dress na naka-hanger 'saka ako umupo sa kama para tupiin iyon habang tinatanong ko si Liham. "Hindi ba talaga kayo sasama?"

"Hindi na. May usapan si Kuya at si Iya na magkita sa isang museum. Kailangan kong sumama para bantayan ang kuya." Halata ang pag-aalala sa boses ni Liham, hindi niya itinatago sa amin na kapag nalalaman niyang may lakad si Dart na si Iya ang kasama, gumagawa talaga siya ng paraan na sumama sa dalawa kaya hindi ko naiwasang hindi siya tanuningin patungkol doon.

"Takot ka bang maiwan ang kuya mo kasama si Iya?" Mabilis na lumabas ang sakit at pait sa mata ni Liham pagkatanong ko no'n sakaniya, napapikit pa siya't umiwas nang tingin sa akin.

"Takot akong iwan ni Iya si Kuya... kung ikaw nga, isang araw hindi na lang niya kinakausap... si kuya pa kaya?" bulong niya na siyang ikinatigil ko sandali sa paghinga. I tried to utter but then no words came out from my mouth.

Dahil sa pagkabigla ko'y nakabawi na kaagad si Liham at muli nang ngumiti, "Oh, siya. Mag-picture kayo nang marami, ha? Ingat kayo." 'Yon na ang huli niyang ani, lumakad na siya palabas ng dorm space marahil siguro'y ayaw nang madagdagan ko pa ang mga tanong ko. Dito ako sa Dorm Space namin hanggang sa dumating na ang bago at ibang mga scholars ng ASSC. Titignan ulit ang mga grado namin 'saka pa lang pagdididsyunan kung may mag-iiba na sa ayos ng dorm room at space base sa mga scholar.

Itinuloy ko ang pag-aayos sa mga ibang gamit namin ni Amox.  Para akong loka-lokang nangingiti dahil naiisip ang mga maaari naming gawin sa Marlbory Hill Country haggang sa matapos ang mga araw na mayroon kami't kailangan na niyang mag-focus para mag-review sa board exam.

Saktong pagkasarado ko ng bag ay ang magkasunod na tunog naman ng cellphone ko sa dalawang mensahe galing sa magkaibang tao. Una kong binuksan ang mensahe ni Niqui.


From: Niquita

Please enjoy your days with Amox, Bhea. Take care always and stay safe forever, okay?!


Suminghal ako nang lubos. Punyatera talaga 'to. Akala mo namang mapapano ako ro'n! Hindi naman ako lampa, no. Sisiguraduhin kong hindi ako gugulong habang nag-ha-hike at nakakahiya iyon kay Amox.

Inirapan ko ang hangin bago ko ni-reply-an si Niqui.


To: Niquita

Ingat din ang mga tao r'yan sa'yo, Niqui. Huwag kang lalapit sa kanila. May virus kang dala.


Matapos ang ilang segundo nang ma-send ko ang reply sakaniya ay agad itong tumawag sa Facetime.

"How dare you, Bhea!" sabi niya na sinabayan ko dahil alam na alam kong iyon ang ibubungad niya sa akin. Nanlaki pa ang mata niya dahil sa ginawa ko, narinig kong may tumawa sa gilid niya at alam ko na agad na galing ang boses na iyon kay Yee.

"Advance Happy 3rd Year din sa'yo, Bruha ka."

"Tch, whatever! Sana makita pa kita one of these days para masabunutan kita."

The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1Where stories live. Discover now