"Hindi ka ba niya nilandi?"tanong ni Amber.

"Well-"naputol ang sasabihin ko ng bigla niya binatukan si Kaizer, mukhang alam na ni Amber.

"Ang sama mo talaga, Kaizer. Pati pinsan ko nilandi mo!"sabi niya at sinusuntok si Kaizer sa dibdib at dahil nasasaktan na ito ay hinuli ni Kiazer ang kanyang kamay at pinigilan na suntukin ang kanyang dibdib.

"I was being friendly-wait cousins?" His eyes widened as she gazed at the both of us.

"Yes Kaizer, we're cousins."ngising sabi ko at nagulat ako ng bigla itong ngumiti at nagsimulang pumalakpak.

What's wrong with him?

"Ahh! So, magkapamilya din tayo?"masayang niyang sabi at napatingin kami sa kanya ng hindi makapaniwala.

"Anong pinagsasabi mo diyan?" kunot noong tanong ni Amber pero hindi ito pinansin ni Kaizer at tumingin lang sa akin at ngumisi.

"Cousin-in-law."ngisi niyang sabi at umiling naman ako.

"Paano mo masabi na magkatuluyan tayo?"tanong ni Amber at ngumuso naman si Kaizer. Mahina kaming tumawa.

"Alam ko lang."sabi niya at umiling naman ako. Hindi nagtagal ay nagsimula ng maging sweet ang lahat. Si Kaizer at Amber, Si Sappphire at blue shirt guy, at si Natasha and black hoodie guy.

"Nilanggam na ako dito, sa pagiging sweet niyong lahat."sabi ko at ngumiwi at tumawa naman sina Amber, Natasha, at Sapphire, habang ang mga lalaki ay nakatingin sa akin na nagtataka.

"You don't have a boyfriend?"tanong ni Kaizer.

"No."sagot ko at nagulat ako ng bigla ito ngumisi. May binubulong ito pero hindi ko ito narinig, narinig ito ni Amber at siniko si Kaizer. Kumunot ang aking noo at iniisip kung ano ang binubulong ni Kaizer. "Do you have someone in mind?"

"Meron si-Oh, there he is!"sabi niya at tinuro ang lalaki. Napatingin ako don at nagulat ako ng makita si "Jace!"

Oh no!

Tumingin si Jace ng marinig niya na may tumawag sa kanya at kumunot ang kanyang noo ng magtagpo ang mga mata namin. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kaya na tumingin sa kanya. He's still wearing his cold demeanor. And by seeing it, I continue to recall what he whispered in my ears.

"I changed my mind."sabi ko at yumuko. Bigla nalang umalis si Kaizer, mukhang pinuntahan ang kaibigan niyang mas cold pa sa yelo.

"So you must be Jewel?"Napatingin ako at nakita ko ang dalawang lalaki na kasama kanina ni Kaizer. Ngumiti ako sa kanila at tumango. Hindi naman sila kagaya ni Kaizer na malandi at isa pa may girlfriend na sila.

"Rigel, by the way."sabi ni blue shirt at naglahad ng kamay at tinanggap ko naman ito.

"August."sabi ni black hoodie at naglahad din ng kamay at kagaya din kay Rigel ay tinanggap ko ito.

"You are really brave to sit beside Jace." he chuckled and my brows furrowed.

"Bakit?Wala pang umupo don?"takang tanong ko.

"No, takot sila, eh."sabi ni Rigel at tumawa.

"Nakamangha na hindi ka takot sa kanya."sabi ni August at ngumiti. Tumingin si August sa kanyang gilid kaya napatingin din ako doon. Nagkatinginan sila ni Jace at tumango naman si August. Are they having a conversation by using their eyes?

"Aalis na kami, tinatawag na kami ni Jace."sabi ni August at tumango naman si Rigel."Bye babe."sabi niya at hinalikan sa pisngi si Natasha.

"Bye sweetie."sabi ni Rigel at humalik sa pisngi ni Sapphire.

Red Strings Entanglementحيث تعيش القصص. اكتشف الآن