Prologue

6.4K 62 2
                                        

DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Note:
Please be aware that this text may contain grammatical, typographical, and spacing errors. I kindly ask for your understanding and patience while reading through them.
Thank you for your understanding.

---
Five years ago~

Habang masayang kumakain ang mag-asawang Fennox, bigla silang nakarinig ng malakas na pagsabog na yumanig sa buong Equinox.

"Anong nangyari?" tanong ng reyna sa kanyang asawa.

Hindi pa man nakakasagot ang hari, isang kawal ang humahangos na pumasok, hingal na hingal na para bang tumakbo ng napakahaba.

"Kamahalan, sumabog po ang kweba ng Emmera," hingal na sabi nito.

Gulat na napatayo ang mag-asawa, hindi makapaniwala sa narinig.

"A-Anong sabi mo?!" halos pasigaw na tanong ng reyna, nanginginig ang boses.

Yumuko ang kawal. "May nagpasabog po nito," aniya.

"How about the Academy?" mabilis na tanong ng hari.

Mas lalo pang yumuko ang kawal. "Nadamay din po ang akademya sa malakas na pagsabog."

Nanginig ang buong katawan ng mag-asawa sa narinig. Nanginginig na kumapit ang reyna sa mesa bago buong lakas na tinanong ang kawal.

"A-Ang anak ko... nasaan ang anak ko?!" halos mawalan ng boses ang reyna sa sobrang takot.

Napaluhod ang kawal, lalong kinabahan ang reyna, ngunit kailangan niyang makasigurado sa kanyang kinatatakutan.

"Patawad po, Kamahalan... pero nasa loob po ang prinsesa kasama ang kanyang tagabantay nang sumabog ang kweba ng Emmera."

Tuluyang nanghina ang reyna. Napaupo siya at napahagulgol. Ramdam niya ang matinding sakit, parang pinipiga ang kanyang puso.

"No..." mahinang sambit niya.

Hindi na nag-aksaya ng oras ang hari. Agad siyang lumabas ng palasyo at sumakay ng kotse. Habang nasa biyahe papunta sa Emmera Cave, nanginginig ang kanyang mga kamay sa kaba at takot ,takot sa maaaring sinapit ng anak, at kaba sa maaaring pagkasira ng mga bagay sa loob ng kweba, na siyang nagpapanatili ng balanse sa limang bayan. Dahil oras na mawala o masira ang mga iyon, siguradong magkakagulo ang lahat.

Pagdating niya sa Emmera Cave, halos manlambot siya sa nakita. Halos wala nang natira, watak-watak at durog na ang buong kweba. Halos hindi mo na makikilala na dati itong Emmera Cave.

Bigla niyang naalala ang anak at ang Academy. Dahil malapit lamang ang Academy sa kweba, mabilis siyang tumakbo papunta roon. Lalong nanlambot ang kanyang tuhod nang makita ang nasusunog na gusali at ang mga taong nagkakagulo.

Hindi alintana ang apoy at panganib, pumasok siya sa gusali. Maraming tao ang sumubok pumigil sa kanya pero hindi siya nagpatinag.

Lumingon-lingon siya, desperadong hanapin ang anak, ngunit wala siyang makita. Maya-maya, isang lalaki ang humahangos na lumapit sa kanya. Agad niya itong hinawakan sa magkabilang balikat.

"Where’s my daughter, Garren? Where is she?" halos sigaw na tanong niya.

Napaluhod si Garren, magkahawak ang mga palad at nakayuko sa harap ng hari.

"I-I'm sorry, Y-Your Majesty... the p-princess... sh-she's..." nauutal at nanginginig ang boses nito.

Namumuo na ang luha sa mga mata ng hari. Kahit hindi pa tapos ang sasabihin ng kawal, ramdam na niya ang sagot. Patuloy siyang naghintay, umaasang mali ang kanyang iniisip.

Ngunit sa sandaling marinig niya ang sunod na salita ni Garren, tuluyan siyang napaluhod at napahagulgol.

"She's gone."

---

Additional Note:
I love having readers and followers, but whether people read my stories or not doesn't bother me much. My main goal is simply to create the stories I imagine.
It would be amazing to have a big audience, but I understand that it’s their choice if they want to read my work.
I won’t force anyone to read or like what I write. What matters most to me is being able to create and share the stories I love.

Equinox Academy of Royalties :The Lost Princess(Editing)Where stories live. Discover now