Ano ba 'yan! Pinagtataguan ba nila akong dalawa? Naglalaro ba silang tagu-taguan?

"Nasaan po sila Kuya?" Tanong ko sa isang helper.

"Ay, hindi po ba sinabi? Nauna na po sila. May meeting po si Sir. Drake ngayon pero uuwi rin daw mamaya. At si Sir Darius naman po ay nagmamadali rin dahil ipinapatawag daw po siya ng stockholders," sagot niya. "Ito raw ho ang allowance niyo sa buong linggo." Binigay niya ang five thousand sa akin at tinanggap ko naman. "Saka nga po pala, tumawag po ang Papa niyo. Narito na raw po si Ma'am Serine at kinakalumusta po kayong tatlo nila Sir. Drake."

Ang galing! Nakabisado niya lahat ng sinabi sa kaniya? Wow!

Tumango ako. "Salamat po. Kayo na lang po ang kumain ng breakfast sa school na lang po ako kakain. Pakainin niyo na rin po sila." Turo ko sa mga men in black sa labas. "Baka hindi pa po sila nagbe-breakfast. Kain po kayo, ah?"

"Kumain rin raw po kayo sabi ni Sir. Drake."

"Hindi na po! Sa School na po ako kakain! Bye po!" Dumekwat ako ng bubble gum bago lumabas ako ng bahay.

Kinuha ko ang cellphone ko baka sakaling may text si Kuya at Darius. Mayroon nga silang text. Hindi na raw sila nakapag-paalam dahil nag-mamadali sila at nag-sorry rin sila dahil iniwan nila ako. Sinabi rin nila na mag-pahatid ako sa mga men-in-black na naghihintay sa labas.

Nag-reply lang ako bago tinago na ang cellphone. Dumiretso na ako sa sasakyan para madaling makapunta sa school.

"Good Morning, Darlene." Tumingin ako sa driver seat at si Alexis ang sumalubong. "Tagal nating hindi nagkita, ah?"

"Syempre, busy ka." Marami yatang pinapagawa si Papa sa kaniya kaya ngayon ko na lang niya nakita. Lumipat ako sa passenger seat para makadaldalan siya.

"Ibang klase namin kasi ang Scythe na 'yon lakas ng loob gumawa ng away kaya sila nalalagasan," umiling-iling siya.

Lumingon ako sa kaniya. "Scythe? Ano 'yon?"

"Hindi mo alam?" Umiling naman ako. "Ah, wala pala 'yon. Huwag mo nang isipin 'yon. Mag-aral ka na lang at mag-enjoy sa buhay."

"Eh, paano ako mag-e-enjoy kung may gustong pumatay sa akin?" Ngumiwi ako.

Mahina ang tawa niya bago paandarin ang sasakyan. Nakikipagkwentuhan siya sa akin habang nagmamaneho. Nagpapatulong siya kay Gianna pero sinabi kong hindi siya type no'n at lesbian si Gianna, well iyon ang alam ko. Pero sa nakikita ko minsan, pinipilit naman niyang maging babae talaga. Siguro dahil nasanay siya na puro lalaki ang kasama niya kaya ganoon? Hay, hindi ko na alam.

"Sayang ang ganda pa naman ng babaeng 'yon tapos sa maganda rin may gusto."

"Doon kasi siya masaya!" Sagot ko.

"Mali yata ng pinana si kupido at sa babaeng 'yon pa ako pinana." Umiling siya. "Minsan na nga lang mainlove sa Lesbiana pa."

Tumawa ako sa sinabi niya. "Tinamaan ka talaga sa kaniya?!" Tanong ko at kinain ang bubble gum.

"Nakakahiya mang-sabihin sa 'yo pero, oo. Ang dami-dami namang iba diyan bakit siya pa?" Mas lalong lumakas ang tawa ko sa sinabi niya. "Sinubukan ko nga siya gawing straight, e. Inaya ko siyang makipag-date sa akin. Nangyari naman pero wala rin. Lagi akong binabara."

Kawawang Alexis! Hindi umubra sa katulad ni Gianna dahil sa estado niya! Sinisi pa nga si Kupido.

"Hayaan mo na! Malay mo makahanap ka pa ng iba, 'di ba?"

"Hindi rin," bumuntong hininga siya.

Natigil lang siya sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone ko. Pati siya napatingin sa cellphone ko pero tinakpan ko kaso matalas yata talaga ang mata niya dahil nakita niya. Tumikhim siya bago ituon ang paningin sa daan.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now