Queenie

"Ano?  Dito ka titira?  Mga ilang araw naman Ate?"  Tanong ko sa aking nag-iisang kapatid na si Ate Veronica na bigla na lang sumulpot dito sa aming bahay.

"Isang buwan."  Sagot ni Ate habang nakapamewang.

"Isang buwan?"  Gulantang to the max ako doon.  "Bakit ang tagal?  Alam ba 'to ni Kuya Gary, ng mga anak mo?  Bakit ka ba kasi biglang nauwi dito sa Pinas?  Sure kang one month ka dito?  Hindi pwede Ate, bumalik ka na sa States." 

Hindi naman halatang miss na miss ko ang Ate ko 'no?  Nga pala, sa America na naka-base si Ate kasama ang asawang si Kuya Gary at tatlo niyang mga anak na lahat ay may mga asawa na.

"Kararating ko lang puuwiin mo na 'ko agad?  Ang bait mo namang kapatid Queenie, ni hindi ka pa nga nagki-kiss kay Ate eh."  Ibinuka ni Ate yung mga kamay niya.  "Come on sis, come to Ate and give me a kiss."

"Ayoko nga."  Nakangiwing sabi ko, maniwala akong kiss ang matatanggap ko kapag lumapit ako sa kanya.

"Lalapit ka o ako ang lalapit?"  Nilakihan niya ako ng mata.

"Oo heto na."  Nilapitan ko na lang si Ate para walang gulo.  Pero imbis na kiss ay isang pingot sa tenga ang ginawa niya sa'kin, sabi na nga ba eh.  "Ate masakit!"

"Ah talaga masakit?"  Hindi pa din niya binitiwan ang tenga ko.  "Paano mo nagawa 'to Queenie, nakipaghiwalay ka na pala kay George at nag-asawa ka na ulit ni hindi ko man lang alam.  Pagkagaling ko ng airport ay doon ako sa bahay niyo ni George dumeretso at yung mga kapit-bahay niyo pa doon ang nagbalita sa'kin ng lahat." 

"Ate, mag-eexplain ako yun ay kung bibitiwan mo tenga ko."  Sabi ko at agad-agad namang bumitaw si Ate saka kami parehong napatingin kay Francis.

"Hello po, my name is Francis."  Pagpapakilala ni Francis sa sarili.  "I'm Queenie's husband."

"Totoo?"  Hindi Ate, joke lang 'to.

"Opo."

"Hindi nga?"

"Ate?!"  Tinaasan ko si Ate ng kilay. 

"Hi Francis, I'm Veronica Ate ako ni Queenie."  Nagkamay silang dalawa.  "May nakapag-sabi nga sa'kin na bata pa at ubod ng guwapo mo raw, pero hindi ko naisip na ganito ka ka-guwapo."

"Thanks Ate nice to meet you po."

"You're welcome.  You two look tired, actually ako rin eh pagod na, so saan ba ang magiging kuwarto ko?"  Tanong ni Ate na bigla kong ikinabahala.  May tatlong kuwarto lang sa bahay na ito.  Yung tig-isang kuwarto namin ni Francis at yung kay Trisha.  Saan ko papu-puwestuhin si Ate?  "Hoy, sumagot kayo!  Saan ang magiging kuwarto ko?"

Wala akong choice kundi ang ipagamit kay Ate Veronica ang sarili kong kuwarto.  Ibig sabihin lang non ay wala ulit akong choice kundi ang maki-share ng kuwarto kay Francis. 

Hindi namin sinabi kay Ate ang tungkol sa kontrata.  I know my sister at alam kong hindi lang pingot ang matatanggap ko rito sa oras na malaman niya ang totoong dahilan ng pagpapakasal ko kay Francis.



Francis

Ang swerte ko naman, hulog ng langit ang pagdating ni Ate Veronica dito sa bahay namin.  Ibig sabihin lang kasi non ay makakasama kong matulog sa isang kuwarto si wife for a month? 

Sabi kasi ni Ate ay isang buwan siya titira dito sa bahay, pero sana mag-extend siya para masaya.  Haha.



Kinagabihan ay nagyaya si Ate na makipag-inuman.  After namin kumain ng hapunan ay nagpabili siya ng mga alak at uminom kami sa may garden.

"Alam mo ba Francis nong mga bata pa kami ni Queenie, ang hirap ng buhay namin.  Isang kahig isang tuka lang kami noon.  Maaga kasi kami iniwan ng Tatay namin eh."  At nagsimula na si Ate na magkuwento ng childhood nilang magkapatid.  "Naalala ko pa, para makapag-aral kami nagtitinda kami ng basahan, nagbobote diyaryo, habang ang Nanay namin ay naglalabandera."     

"Di ba Ate, pumasok na rin tayo sa peryahan, naalala mo?  Pinapatong sa ulo natin yung mansanas tapos babatuhin ng kutsilyo ng magician."  Uminom si Queenie ng alak.  "Hay, ang hirap talaga kapag ipinanganak kang maralita.  Kaya nga nagsikap tayo di ba 'te?  Hindi tayo nakuntento sa ganong buhay, nag-aral tayo habang nagta-trabaho at awa ng Diyos ay pareho tayong naka-graduate ng college at nagkaroon ng magandang trabaho."

"Sayang nga lang at hindi na yon inabot ni Nanay."  Maluha-luhang sambit ni Ate sabay inom ng alak.  "Nakilala ko si Gary tapos isinama niya 'ko sa States.  At ikaw naman Queenie..."

"Ako?  Nagpakasal ako kay George at sampung taon kaming nagsama pero ipinagpalit din niya ako sa ibang babae."  Uminom ulit ng alak si Queenie.  "Mga taksil kasi sila eh!"

"Yaan mo na mga yon sis, di ba may bago ka nang asawa?  Mas pogi pa."  Kinindatan ako ni Ate.  "Di ba bayaw?"

"Oo naman Ate."  Uminom din ako ng alak.

Mahaba-habang inuman ang naganap.  Hanggang ngayon ay panay pa rin ang kuwento ni Ate Veronica sa love story naman nila ng asawang si Kuya Gary. 

Sa totoo lang ay wala na akong naiintindihan sa mga pinagsasabi niya.  Umiikot na ng husto ang paningin ko.



Third Person

Samantala ay tumayo na si Queenie.  "Yoko na, antok na 'ko!  Bala kayo diyan mag-ushap na dalawa." 

"Antok na ba wife ko, sige tara tulog na tayo."  Wala sa wisyong sambit ni Francis na nakaalalay kay Queenie kahit maging siya parang tutumba na sa kalasingan. 

Pasuray-suray na naglakad ang dalawa patungo sa kanilang kuwarto at nang makarating ay sabay sila na bumagsak sa kama.

Nasa ilalim si Queenie habang nasa ibabaw naman si Francis.

"Ang init."  Bigkas ni Queenie kasabay ng paghuhubad niya ng suot na t-shirt.  Nahirapan siyang hubarin ang damit dahil nakadagan sa kanya si Francis.  "Ano ba hubarin mo nga!" 

Walang salita na sinunod ni Francis ang sinabi ni Queenie at siya na mismo ang naghubad ng pang-itaas nito. 

Dito ay tumambad sa paningin ni Francis ang hubad na katawan ni Queenie.  Nakaramdam siya ng matinding init sa katawan kaya hinalikan niya ang mga labi nito.

Mabilis naman na tumugon si Queenie sa halik ni Francis, sa katunayan ay ikinawit niya ang mga kamay sa leeg nito.

Habang mainit na nagpapalitan ng halik ang dalawa ay abala na si Francis sa pag-tanggal ng bra na suot ni Queenie.

Inangat ni Queenie ang likod at inayos ang kanyang pagkakahiga upang tulungan si Francis sa ginagawa nitong pagtatanggal sa kanyang bra.

Matapos hubarin ang bra ni Queenie ay hinubad naman ni Francis ang pangibaba nito pagkatapos ay siya naman ang nag-hubo't hubad.

Dahil kapwa lasing sina Francis at Queenie ay higit pa sa halikan ang nagawa nila.

A Marriage To RememberBasahin ang storyang ito ng LIBRE!