Queenie

Bukas pa ang birthday ni Francis pero gabi pa lang ay nandito na kami sa Palawan.  Isang kuwarto lang ang kinuha namin dahil sayang naman ang pera kung magtig-isang kuwarto pa kami. 

Mabuti na lang at pumayag si Francis na matulog sa sofa.  Siya pa nga mismo ang nag-prisinta dahil baka daw mailang ako na matulog ng magkatabi kami sa kama.  Nakahanda raw siyang maghintay hanggang sa ako mismo ang humiling na may mangyari sa'min.  Akala naman niya bibigay ako porke naka-boxer shorts lang siya, psh!

Dahil maaga kaming natulog kagabi ay maaga rin kaming nagising ngayon.  Ito na ang mismong araw ng birthday ni Francis.

"Francis halika."  Bago ang lahat ay babatiin ko muna ang may birthday.  "Happy birthday!"

"Thanks wife."  Nakangiting reply niya.  Jusko, ang guwapo.

"Tingnan mo 'to."  Iniabot ko sa kanya ang isang listahan.  "Yan ang mga gagawin natin ngayong araw."

"Snorkling, kayaking, eat tamilok, zip line!"  Pagbasa niya sa mga nakasulat sa listahan.  "Wow Queenie hindi mo naman masyadong pinag-handaan ang birthday ko niyan ah"

Napangiti na lang ako.  Kung malalaman lang niya, si Sofie talaga ang naghanda niyan.

*Flashback*

"I've got an idea."  Makaraan ang ilang minutong pananahimik ay nagsalita na ulit ni Sofie.  Ano kaya ang idea na na naiisip niya.  Kumuha siya ng kapirasong papel sa loob ng kanyang bag saka nagsulat dito.  Ibinigay niya sa akin ang papel matapos magsulat.

"Snorkling, kayaking, eat tamilok, zip line!"  Pagbasa ko sa mga nakasulat sa papel.

"Queenie makikisuyo sana 'ko sa'yo.  Malapit na ang birthday ni Francis, pwede mo ba siyang ayain sa Palawan at doon kayo mag-celebrate ng birthday niya at gawin niyo ang mga nakasulat diyan."  Huminga siya ng malalim saka seryosong itinuloy ang kanyang sinasabi.  "Sa ganyang paraan namin sinelebrate ang unang birthday niya as a couple."

"Tapos?  Hindi ko ma-gets, bakit kailangan kong gawin ang sinasabi mo?"

"Para tulungan si Francis na makaalala."  Sagot niya.  "Kung gagawin niyo yung mga dati naming ginawa, kung pupuntahan niyo yung mga lugar na memorable sa aming dalawa baka makaalala siya.  Di ba ganon yung mga napapanood sa mga drama sa TV?"

Hindi ko mapigilang matawa.  "Sure ka?  Sofie, ano bang palagay mo sa sitwasyon na 'to, drama sa TV?"

"Napakahirap ba ng hinihiling ko?  Or baka naman ayaw mo lang talaga na makaalala si Francis?  Gusto mo yata may amnesia na lang siya habang buhay eh."  May katarayang saad niya.  Hindi ko gustong pagisipan niya 'ko ng hindi maganda kaya pumayag na lang din ako.

*End*

Inilabas ko ang damit na isusuot namin ni Francis para sa araw na ito, isang couples' shirt.  Kulay pink ito na may naka-imprint na 'HE'S MINE' at 'SHE'S MINE'.  Galing kay Sofie itong mga damit at ito rin daw ang isinuot nila dati.

"Queenie ikaw ha, hindi mo talaga pinaghandaan 'tong birthday ko."  Ani Francis habang tuwang-tuwa na isinusuot yung 'SHE'S MINE' na shirt.

"Ano ba yan, para naman akong teenager nito."  Hay nako!  Kung hindi lang dahil sa pakiusap ni Sofie ay hindi ko isusuot ang 'HE'S MINE' shirt na 'to, nakakahiya.



Francis

Sinumulan namin ni Queenie ang araw sa pag-snorkling.  Nang suot na niya ang snorkling outfit ay bigla akong namalik-mata.  Sa isang iglap ay nakita ko ang mukha ni Sofie kay Queenie, ang weird.

Ganoon din ang nangyari nang mag-tour kami sa underground river at nung kumain kami nang mga exotic food tulad ng tamilok.  Palagi akong namamalik mata.  Si Queenie ang nasa harap ko pero mukha Sofie ang aking nakikita.  Ang wierd na talaga.



Zip line na ang susunod naming gagawin.

"Pwede po kayo mag-zip line nang sabay maam, sir."  Sabi ng attendant.

"Ayoko siya lang ang sasakay."  Pagtanggi ni Queenie.

"Teka bakit ako lang?" 

"Takot ako sa heights eh ikaw na lang kaya mo yan."

"Ma'am huwag po kayong mag-alala safe na safe po kayo dito.  Sige na ma'am  ang lungkot naman kung si Sir lang.  Dapat magkasama kayo palagi."  Habang kino-convince ng attendant si Queenie ay muli ko na namang nakita ang mukha ni Sofie na para bang ito ang nakikipag-usap sa attendant.  Hindi tulad nang mga nauna medyo matagal ang tila aparisyon na ito.

"Umalis ka diyan."  Mahinang sabi ko pero nakikita ko pa rin ang mukha ni Sofie.  Sh*t ano ba 'tong nangyayari sa'kin.  "Sinabi nang umalis ka diyan!"

Nagulat si Queenie at ang attendant sa biglaan kong pagsigaw.

"Ano?!  Pinapaalis mo 'ko?!"  Sa wakas, si Queenie na ulit ang nakikita ko.  "Grabe ka naman Francis, eh sa takot nga ako sa heights eh.  Kailangan mo ba 'kong sigawan."

Na-misunderstand ni Queenie yung pagsigaw ko at sa inis ay bigla siyang nag-walk out.  Sumunod ako ngunit mababilis siyang nakalayo. Ngunit hindi ako sumuko, hinanap ko siya ng hinanap para paliwanagang hindi ko naman talaga siya gustong sigawan.  Hanggang sa makita ko na rin siya at niyakap.

"Francis."  Wait, bakit parang nag-iba yung boses ni wife.  Bumitaw ako upang tingnan kung sino ba itong kayakap ko.

"Sofie?"  Gulantang kong bigkas when I saw her wearing the same shirt as my wife.  "Ikaw ba yan?"

"Yes Francis ako 'to."  Tila maluha-luha siya.  "Niyakap mo 'ko.  Naaalala mo na ba 'ko?"

"I'm sorry hindi pa, ang akala ko kasi..."  Napakamot na lang ako ng ulo.  Hindi ko inakalang siya na pala ang totoong Sofie.  Ang akala ko imagination lang since buong araw kong nakikita ang mukha niya habang kasama ko si Queenie.

"Sofie?"  Sa wakas at nagpakita rin si wife.  "Nandito ka pala?"

"Yeah, actually kanina ko pa kayo sinusundan." 

"Since nandito ka na rin lang, bakit hindi na lang kayong dalawa ni Francis ang mag-zipline."  Suhgestion ni Queenie.

"What?"  Sabi ko.

"Sorry Francis ah, may ipagtatapat ako sa'yo.  Ang totoo niyan, ang pagpunta natin dito sa Palawan, ang lahat ng mga pinag-gagawa natin ngayong araw ay idea lahat ni Sofie.  Even wearing this shirt ay idea niya.  Ginawa namin ito para tulungan kang makaalala."  Pahayag ni Queenie na hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa.  Kaya pala may mga vision akong hindi maipaliwanag kanina.  Ginawa na pala namin noon ni Sofie ang mga ginawa namin ni Queenie ngayon.  "Isang bagay na lang ang kailangang gawin, yun ay ang pagsakay sa zipline.  Bakit hindi niyo gawing dalawa."

"Queenie ano bang pinagsasabi mo diyan?"  Nag-uumpisa na akong mainis dito.

"Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko Francis?  Ang sabi ko sumama ka kay Sofie at mag-zipline kayong dalawa.  Malay mo, baka habang nasa ere ka ay bigla mong maalala ang lahat, eh di tapos ang problema nating tatlo."  Sabi ni Queenie na para bang ganon lang kadali ang lahat. 

"So problema pala 'ko sa'yo?"  Sambit ko kay Queenie sa dismayadong tono, saka napailing.  "Okay, yan ba talaga ang gusto mo?"

"Oo."

"Fine, then okay lang din sa'yo if I spend the whole night with her."

"Okay lang."  Mabilis niyang sagot. 

Sa puntong ito ay nakaramdam ako ng matinding pagkabigo at sakit.  Ang tanga ko para umasang hindi siya papayag.  Mas pinipili talaga ni Queenie na ipagtulakan ako palapit kay Sofie.  Kung ganito rin lang, then I have no choice.

"Okay."  Matigas na sabi ko sabay hawak sa isang kamay ni Sofie.  "Sofie, let's go."

Revised: Aug 10, 2017

A Marriage To RememberBasahin ang storyang ito ng LIBRE!