Chapter 39 : Magic Circle

Magsimula sa umpisa
                                                  

" Masusunod, Pinuno. " agad itong nawala sa aking paningin.

" Mukhang mapapalaban na tayo! " sabi ni Takeo...

" hmp. Dapat sa kanila ay inililibing... -_- " may ibat iba talaga silang ugali. Si Eron ang nagsabi niyan.

" Tara na... " pahayag ni Hwajae na seryosong seryoso ang mukha. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Napalingon muli ako sa paligid at tiningnan ang nangyayari. Kabi-kabila ang naririnig kong pagsabog. Sanay maayos lang ang kalagayan ng aking mga kauri.

" Teka! Nasaan si Christle?! " agad ko namang naalala ang dalaga dahil sa sinabi ni Carswell. Ipinatawag ko kaagad si Valerie.

" Bakit pinatawag niyo ko, Pinuno? "

" Sunduin mo si Christle at dalhin sa ligtas na lugar. "

" Masusunod. "

Agad akong pumunta doon sa lugar ng mga pagsabog kasunod ang apat na binata.

Third Person POV

Si Christle naman ay payapang natutulog at hindi napapansin ang paggalaw ng lupa at ang mga pagsabog. Mabilis na nakarating si Valerie sa silid ng dalaga pero hindi siya makapasok.

" Christle! Gumising ka, Christle! Si Valerie ito! "

Nakahawi ang kurtina at nakikita ni Valerie ang dalaga na mahimbing na natutulog. Hindi siya makapasok dahil may nakaharang.

Master! Gumising ka! - sabay sabay na sabi nila Erie, Shui at Rav

Naalimpungatan naman si Christle at biglang nagulat ng makarinig ng ibang ibang tunog.

" Anong nangyayari?! "

" Christle! Gising ka na! "

Agad naman siyang napalingon sa may pintuan at nakita si Valerie na pilit sinisira ang harang.

" vanish. " nawala naman ang harang kaya nakapasok na si Valerie.

" Tara na. Kailangan kitang dalhin sa ligtas na lugar! Sumusugod ang mga kalaban! "

" oh? ( ̄. ̄) " tanging nasabi lang ng dalaga saka tumayo. Agad naman siyang hinila ni Valerie.

" Kailangan nating mag-ingat. Marami sila at malalakas! "

" Teka lang. " awat ni Christle kaya napahinto sila. Nagtataka naman si Valerie kung bakit pero hindi na siya nagtanong. Kinuha naman ng dalaga si Broost (remember the broomstick )

" Kaya ko na. " sabi ni Christle sabay upo sa broomstick niya.

" witch ka? " tanong ni Valerie pero umiling lang ang dalaga.

" Tara na. " Mabilis na tumakbo si Valerie at sumunod naman sa kanya ang dalaga pero maya maya lang ay lumihis ito ng lipad.

" Kailangan kong tumulong... "

Naisip kasi ng dalaga na kahit man lang kaunting tulong ang maibigay niya para naman malaman ng elemento na hindi lang siya isang pabigat kundi may kakayahan din siyang tumulong. Sisimulan niya yon sa itim na buwan na yan.

Meron bang paraan para maalis ko ang itim na harang na yan?

Meron, master. Kailangan mo lang gawin ay ma-absorb mo ang itim na harang - Shui

Sa anong paraan?

Magic Circle - Shui

Sa kabilang banda...

Walang tigil sa pakikipaglaban ang ibang bampira, ang elemento at si Argon.

" Oxygen discharge! " Takeo.

***Magical World*** (Slow Update^__^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon