Dumiretso si Papa sa pangalawang palapag. He is probably going to his office. For sure, he'll drink again until he's not sane anymore to forget about this. He couldn't accept that his plan to announce to everyone that I would marry the man he chose for me was ruined.

"Kamusta ka? Anong nangyari? May napakilala sayong lalaki? Ipinagkasundo ka na ba huh?" sunod sunod na tanong ni Mama. Hinuli ang pisngi ko dahil nakatingin ako kay Papa na nagmamartsa.

She look at me, worried while waiting for my answer. Umiling ako. Naglalakbay pa rin ang isip kaya hindi masyadong makapag salita. Iniisip ko kung ano ang susunod na hakbang ni Papa pagkatapos nito.

Alam kong hindi siya titigil. Nabigo man ngayon alam kong may susunod pa siyang hakbang. O maghanap pa ng panibagong lalaki na ipagkakasundo sa akin.

"Wala siyang pinakilala?" si Mama sa gulat na tinig. Tumango ako. Kanina nakahinga ako ng maluwag roon, ngayong may iniisip parang unti-unti na nawawala iyon.

"Hindi po sumipot iyong lalaki na ipapakilala niya."

"The man back down?" Mama asks, sighing in relief. Tumango ako.

"Thank god! I really had a bad feeling about this. Hindi ako makakapayag na ipagkasundo ka ng Papa mo sa kahit sino lang!" Mama said, her voice is still laced with panic. Humupa lang ng bahagya nang marinig ang sagot ko.

"Ayoko rin na makasal... agad Mama." mabagal ang sambit ko. Nawawalan na naman ng pag-asa na makakatas pa sa mga gusto ni Papa. Hindi ko alam kung bakit ganoon, siguro sa panghihina, pagod at antok ko kaya nawalan na naman ng lakas ng loob.

"Magpapahinga na po ako. Bukas na lang natin pag-usapan." sabi ko kay Mama. Lumambot ang mga mata niya at tumingin sa akin. She nodded her head.

"Mabuti pa nga hija. You need to rest now."

Mahaba ang araw na iyon at marami ang bumabagabag sa isip ko. Mabuti na lang rin at pagkatapos maglinis ng sarili ay nakatulog na agad ako pagkahiga sa kama.

Kinaumagahan, tahimik ang bahay na sumalubong sa akin. Wala raw si Papa at abala na naman sa inaasikaso niya. Hindi pa sumisikat ang araw, umalis na raw. Jhomer is with him and some of his men. Isa iyong magandang balita para sa amin.

Tatlo kami nila Mama at Ryker sa hapag para mag-umagahan. Tinaas ni Mama ang kamay sa mga kasamabahay para sabihin na iwan na lang kami roon pagkatapos nilang ihain ang lahat ng pagkain sa hapag. Hindi na kailangan na serbisyohan pa kami, kaya na namin na kami lang.

Tumango ang mga kasambahay at nagmartsa paalis. Kapag wala si Papa, malaya kaming nakakilos. Katulad ngayong araw, prente ang mga galaw ko. Ganoon rin sa kapatid. Lahat ng tao rito sa bahay malaya ang pagkilos kapag wala si Papa. Kalmado ang mga kasambahay.

Hindi kami tensiyonado at robot na may limitasyon ang mga galaw. We are free to do everything we want.

Tuwing wala si Papa, doon lang kami nakaka-kain ng maayos sa matiwasay na paligid.

I am munching my food. Mama is assisting Ryker. Tumingin siya sa akin habang ngumunguya ang kapatid. Masagana ang kain ko dahil nagugutom talaga.

"Raiven." tawag ni Mama sa akin. Mahinahon iyon at seryoso. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Marahan siyang ngumiti sa akin. Hindi ko alam kung bakit biglang kumalabog ang puso ko roon. Hindi nagugustuhan ang tono ng pagtawag niya ngayon.

"K-Kung sakali na makahanap ulit ang Papa mo ng lalaki na ipagkakasundo sayo at kapag nagtagumpay siya na mapag-sangayon na ipakasal sayo... umalis ka na rito sa mansiyon at isama mo ang kapatid." halos mapatulala ako sa sinabi niya. She look at me with that concern on her eyes.

Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora