Warning: You may have missed Chapter 27: Insurgency. Go back one chapter para di ka maguluhan sa chapter na ito. (editor)

Author's Note:

This chapter is inspired by One Republic Songs. I could see stories from nowhere just by listening to them. And people, vote for Mayu! I would really appreciate it.

+Siel Alstreim+


*********************************************************************************

Chapter 28: Mercy Falls

Today was finally the School Festival. Hindi ako napilit ni Mirden na magparticipate sa operation ng booth. Because seriously, I can't make coffee for others. I can't do Math. And I just couldn't give service to people. Mainly because I don't want to. But she had Jamie and Tyler as part of the service crew. And well, Jin Cast as my substitute. Para lang tigilan ako ni Mirden sa pangungulit ay itinaya ko ang buhay ni Jin, who wholeheartedly accepted.

Apparently, it was a busy School Festival for everybody while it was a NO CLASS day for me. Tanghali na akong gumising kung kaya naman wala na sina Mirden at Jamie sa kanilang higaan. I took my time preparing to go outside my dorm room. Nang lumabas ako ay nakita ko na mukhang abala ang lahat. There were also outsiders-- mainly from other schools na bumibisita sa Montello High. Hindi ko masasabing maraming tao sa campus dahil ang nakikita ko lang ay mukhang mga fan girls at yung iba naman ay tipong mga street gangsters. But what can you expect from Montello High? It would definitely take courage to enter this place.

Nagulat ako nang biglang may humawak sa braso ko mula sa likuran at kaladkarin ako. "What the hell! Let go!" Sigaw ko. Hindi ko alam kung matatakot ako o magagalit nang mapagsino ang lapastangang humawak sa akin. It was the devil. Ano bang kailangan niya? And why is he dragging me?

"Van Freniere! You freaking mushroom!" Sigaw ko sa kaniya. Nakakuha na kami ng atensiyon. The wide school ground was teeming with booths and visitors. At mukhang ang school ground ang tinatahak naming landas. Pinilit kong i-preno ang aking mga paa kahit sumakit pa ito dahil sa medyo malakas na pagkakahila sa akin ni Van. 

"Ow!" Daing ko nang mapaluhod ako dahil sa hindi niya pagtigil. Agad naman siyang huminto nang marinig ang daing ko atsaka lumingon sa paligid.

"Get up, Leondale," utos niya.

"What do you want?" Inis kong sabi subalit hindi pa rin ako tumatayo. Nanatili lang akong nakaluhod sa lupa. I didn't really want to get up. He might drag me again.

"Wag ka nang magtanong. Tumayo ka na riyan," marahan at seryoso niyang wika subalit naroon na rin ang panganib sa boses niya.

"No! You can't just drag me without--" Hindi ko na naituloy ang anumang sasabihin ko. In just a nano-second, he was able to lift me off the ground and carry me with my stomach on his shoulder and my head against his back. I wasn't able to speak beacuse the action just knocked my air way. Seriously! May ideya ba siya tungkol sa human rights?

Nang magsimula na siyang maglakad ay nagawa ko na ring mahanap ang boses ko. "Hey, Devil! You will pay for this," galit na sabi ko.

Montello High: School of Gangsters (Published under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!