Monster ♂ Chapter 34

Saturn's POV

“Saan mo ba ako balak dalhin?!” singhal niya sa akin. “Wala ka nang ginawa kundi ang kulitin ako nang kulitin. Ano ba talagang kailangan mo sa akin? Alin ba sa ‘hindi kita maalala’ ang hindi mo maintindihan?!”

Hindi ko siya sinagot. Patuloy lang ako sa pagmamaneho. Wala din namang patutunguhan kung sasagutin ko siya. Ayaw din naman niyang maniwala sa mga sasabihin ko. Ni ayaw niyang maniwala na boyfriend  niya ako at ako lang ang hindi niya maalala. Teka, saan ko nga ba siya dadalhin? Wala naman akong plano, eh, pero sa palagay ko ay alam ko na kung saan.

Ipinarada ko ang kotse ko tsaka ko siya pinagbuksan ng pinto. Bumaba naman siya kaagad. Nakasimangot pa nga siya, eh. Napangiti na lang ako ng mapait. Masakit, eh. Sino bang gugustuhin na makalimutan ka ng babaeng pinakamamahal mo? Sa lahat ng makakalimutan niya, ako pa. Nag-iba din ang pakikitungo niya sa akin. Mas gusto ka pa nga noong una kaming nagkakilala. Palagi kaming nag-aaway at nagbabangayan. Pero kahit ganun, naging panatag kami sa isa’t-isa. Ngayon, kung tingnan niya ako, para akong isang balakid sa buhay niya.

“Park?” hindi makapaniwalang sabi niya. “Cheap. Kaya kong pumunta dito kahit anong oras ko gusto. You’re surely making fun of me.” She crossed her arms and rolled her eyes at me.

Kung sa kanya ay simpleng park lang ito, para sa akin ay hindi. Ito kasi ‘yung park kung saan kami unang nagkita. Nung nakaagawan ko siya ng 1000 pesos? Dito ‘yon.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papunta doon sa same spot kung saan kami nag-agawan ng 1000 pesos. Napangiti na lang ako nang maalala ko ang panahong iyon. Kung hindi nangyari ‘yon, hindi ko siya makikilala at mamahalin nang ganito.

“Dito tayo unang nagkita.”

Tumingin ako sa kanya. Napansin kong nakatulala lang siya sa spot kung saan namin nakitang nakalapag ‘yung 1000 pesos noon.

Bigla niyang iniiwas ang kanyang tingin nang mapansin ko ang pagkatulala niya. “D-Dito? ‘D-‘Di ba sabi ko naman sa’yo na wala akong maalala? Wag mo nang ipilit ang mga bagay na wala ng pag-asa. Hindi talaga kita maalala.” Bawat salitang binitawan niya ay may diin. Ni hindi ko na makapa ang pagmamahal na mayroon siya para sa akin kagaya noon. Gaya ng alaala niya, nabura na din yata pati ang pamamahal niya. Napatungo na lang ako. Walang palya, lahat ng salitang sinasabi niya ay palaging tagusan sa puso. ‘Yung tipong gusto kong maiyak pero pinipigilan ko. 

“H-Hindi pa rin ako susuko hanggang sa maalala mo ako.” determinadong sabi ko. “Gaya nang sinabi ko kanina, dito tayo unang nagkita. Nag-away tayo dahil sa isang libong piso na nakita nating nahulog sa lupa. Dahil sa pag-aaway natin, nakuha ito nung matanda tapos pareho natin siyang hinabol. Umutang pa nga ako sa’yo ng barya kasi wala akong pamasahe kasi nawala ang wallet ko. Simula noon, hindi na ulit kita nakita hanggang sa magkita muli tayo sa school na pinaglipatan ko.” 

Hindi siya nagsalita. Kapag wala siyang binibigay na reaksyon sa lahat ng sinasabi ko, unti-unti akong nawawalan ng pag-asa pero ayokong sumuko. Dadating din ang araw na maalala din niya ako.

“Aba! Mga apo! Kayo ‘yung dalawang kabataan na nag-aagawan at nag-aaway dahil sa isang libong puso noon, ah?!” 

Sabay kaming napalingon ni Chloe. Noong una ay hindi ko siya nakilala dahil medyo kumuba na ang likod niya at madami na din siyang puting buhok pero hinding-hindi ko malilimutan ‘yung ngiti niya lalo na nung kinuha niya ‘yung 1000 pesos sa kamay naming dalawa ni Chloe.

“L-Lola! Ikaw ‘yung kumuha ng 1000 pesos noon!” gulat na sabi ko sa kanya.

Tumawa naman siya habang nakahawak pa sa kanyang bibig. “Ako nga! Pasensya na. Gipit ako noong araw na ‘yun pero aminin mo, hindi kayo magkakakilala nang dahil sa akin!” Muli na naman siyang tumawa pagtapos. Ang energetic niya talaga para sa isang lola. 

He's a MonsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!