Chapter 25: Christmas Party

669 37 0
                                                  

×HAILEY×

Ngayon lang ako na-late sa school kaya natatakot na ako. At sa pag-akyat ko sa 3rd floor, may dugong medyo nakakalat..Natigil ako sa paglalakad dahil sa nakita ko.

 
"Yung killer.." bulong ko sa sarili ko, pero may biglang humawak sa balikat ko at bigla bigla akong hinarap sa kanya...

 
"A--" naputol ang pagsigaw ko dahil sa biglang pagtakip nya ng tape sa bibig ko. "HMMM!" pilit pilit kong sumigaw pero alam kong walang makakarinig.

 
"Hahaha." tahimik lang ang pagtawa nya. At tinulak ako sa dugong nakakalat. At lumuhod sya, pinakita sakin yung kutsilyo nya. Pilit kong sumigaw, pero halos walang makarinig.

 
Panay lang ang hiwa nya sa braso ko, at nung puno na ang hiwa, tinusok na nya yung kutsilyo sa malapit sa dibdib ko, saka hinila pabalik yung kutsilyo.

 
"Sorry Hailey. . . hahaha! Gumaganti lang ako kay Mirae."

 
"AAAHHH! MIRAE!!!"

 
Nakita ko pang napatingin yung killer sa lalaking lumabas ng classroom, akala ko sina Mirae na, hindi pala. Sina Matthew lang pala at Wendell.

 
"Hoy! killer bumalik ka dito!" habol habol ni Matthew yung killer pero nakababa na yung killer kaya tumigil rin sya.

 
Alam kong papatayin nya si Mirae..

 
×MIRAE×

Christmas Party..

 
"Oh ayan, ang ganda ganda mo na." pambobola pa ni Patricia sakin.

 
"Masyado mo naman akong minake up-an, e hindi naman to contest."

 
"Okay lang yan. Minsan ka nga lang makitang nakamake-up ngayon pa ba hindi kakaririn? Haha." Nagtawanan lang kami sa sinabi nya.

 
"Uy, ang tagal nyo naman si Andy nakaready--Mirae?" nilingon ko yung bumanggit sa pangalan ko, si Matthew lang pala.

"Oh, Hi Matthew." sabay wave ko sa kanya.

Si Warren, medyo gulat na gulat pa sa nanyari nung last last week. Pero ang sabi ko naman kay Warren, hindi mawawala sa tabi nya si Hailey kasi alam kong babantayan kami ni Hailey.

 
At ngayon, feeling ko hindi aattend si Warren sa Christmas Party namin.

 
"Huy! Ano ba, sabi ko tawagin mo lang--Hi Mirae...."

 
"Hi Wendell. O ano? Tara na?" nagtanguhan sila kaya lumabas na kami sa bahay ni Patricia, nakita ko si Andy na naka-ready na nga.

 
***
"Oh, dahil maganda ang inyong presentation samin, isasali na namin kayo sa contest para sa ibang school." sabi samin ni Miss.

"Po?!" nagkasabay pa kami ni Andy ng sabi, kaya nagkaiwasan kami ng tingin.

"Yes, and no more buts. Now, let's enjoy!"

 
At nageenjoy na nga kami, pero may pumasok sa classroom namin, si Warren. Mabuti naman at umattend na sya. Kaya lumapit ako sa kanya at nginitian sya.

 
"Buti umattend ka, Warren." nginitian lang nya ako. "Tara kain na tayo." aya ko sa kanya at tumango sya, habang kumakain kaming magkakaibigan ay tawanang tawanan lang kami.

 
*BZZT* *BZZZT*

"Wait may nag-text." sabay kuha ni Mirella nung phone nya sa bulsa. "Uy, si Lucy pala yung nag-text."

"Ano sabi? Aattend ba?" tanong ni Patricia.

 
"Sabi oh.." sabay turo sa phone nya. "Mirella, aattend ako ng Christmas Party. Sana umabot ako. Dahil may importante akong sasabihin sainyo. Mahirap i-type dahil nagmamadali nga ako."

Nagtanguhan lang kami maliban kay Patricia at Andy.

 
"May problema yan.."

"Huh?" nagkasabay sabay kami ng reaction maliban kay Andy na nakatingin lang sa nagsalitang si Pat.

"Huy, sa mga last year ng kaibigan si Lucy. Nung nagsabi si Lucy satin na may importante raw syang sasabihin, ay ayun--"

"Naaksidente pala yung daddy nya." pagputol ni Andy.

"So?" tanong ni Mirella.

"So, may problema.." sagot ni Patricia.

"Uh, eh, enjoy lang muna tayo ngayon." sabi samin ni Tory at nagsi-agree naman kaming lahat.

 
Magsisitayuan sana kami ng magpatayan ang ilaw, actually dapat kahit konti may nakikita pa kami kaso parang may nagtakip ng bintana e, napasigaw yung iba habang kami napahawak sa isa't isa.

"Bakit wala akong makita? Asan ang bintana?" nanginginig na tanong ni Patricia.

 
"HAHAHAHAHA"

 
"Ahhh!" napasigaw kaming mga babae sa mga tumatawa na yun. At maya maya bumukas ang pinto siguro lumabas na sila, pero hindi nila binuksan yung ilaw.

Lalapit na saan si Warren na nakaakbay sa balikat ko para sya ang magbukas nung ilaw pero hinarang ko yung braso ko sa kanya.

 
"Warren, nakakaamoy ak-ako ng dugo." sabi ko.

"Kaya nga bubuksan ang ilaw para malaman e--" may nagbukas ng ilaw. Kaming mga babae puro nakapikit, pero bigla bigla namang may yumakap at parang hinarang yung harapan. Kaya nung nagmulat ako, wala ako masyadong makita dahil niyakap ako ni Matthew patalikod.

Pero may nasilip ako, at may nakita akong ulo sa sahig.. Ulong parang malapit ng maputol. Hawak hawak ni Matthew yung ulo ko, habang nanlalaki yung mata ko.

 
"Ah! Matthew! Matthew! May-May ulo! Ulo!" tiningnan ni Matthew yung sinasabi ko, pero tinakpan lang nya mata ko.

 
Napaupo ako sa takot habang nakatakip ang kamay ko sa bibig. "Matthew..." humahagulgol na ako sa takot.

"Warren, Wendell, Andy ilabas muna natin sila para hindi nila makita to."

 
***
Iyak kami ng iyak, walang tigil. Nasa may clinic lang kami.. Himas himas nina Andy ang braso namin, pilit kaming pinapatahan pero lahat kaming mga babae gulat na gulat. Takot na takot.

 
*BZZT* *BZZT*

 "Ako na." prisinta ni Warren at sya na ang tumingin sa text ko.

 Napatingin samin si Warren saka binalik ang tingin sa phone.

 "Kilala mo ako...Miraena." sabay tingin niya sa akin. "Text nung 09985304354"

 "Sino?"

Hallway (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon