Queenie

Nakaramdam ako ng sobrang lamig.  Mukhang napalakas ang bukas ko sa aircon.  Hinila ko na lang ang kumot upang ibalot sa hubad kong katawan.

Teka sandali, wait a minute?  Bakit ako nakahubad? 

Ay, oo nga pala naalala ko na.

*Flashback*

"Ang init."  Bigkas ni Queenie kasabay ng paghuhubad niya ng suot na t-shirt.  Nahirapan siyang hubarin ang damit dahil nakadagan sa kanya si Francis.  "Ano ba hubarin mo nga!" 

Walang salita na sinunod ni Francis ang sinabi ni Queenie at siya na mismo ang naghubad ng pang-itaas nito. 

Dito ay tumambad sa paningin ni Francis ang hubad na katawan ni Queenie.  Nakaramdam siya ng matinding init sa katawan kaya hinalikan niya ang mga labi nito.

Dahil kapwa lasing sina Francis at Queenie ay higit pa sa halikan ang nagawa nila.

*End*

Ah, okay so may nangyari pala sa amin ni Francis kagabi.

MAY NANGYARI SA AMIN NI FRANCIS!

"AAAAAAAAAAH!"



Francis

Sirena ba ng abulansya o bumbero yung ingay na naririnig ko?

"HAYOP KA FRANCIS GUMISING KA DIYAN!"  Ah okay, boses pala ni wife.  Bakit parang galit siya sa'kin, anong kasalanan ko?  Kahit inaantok pa ay napilitan na lang akong bumangon.

Samantala...

"Nasan?  Nasan na ang mga akyat-bahay?"  Sabi ni Ate Veronica na bigla na lamang pumasok dito sa kuwarto at iwinawasiwas ang walis tambong hawak, ready to fight lang eh.

"Ate relax wala pong magnanakaw.  Naalimpungatan lang yata 'tong si Queenie."  Sabi ko naman na pumupungas-pungas pa. 

"Anong naalimpungatan?!"  Tinginan ako ni Queenie ng masama na parang gusto akong kainin ng buhay.  "Anong ginawa mo sa'kin ha?!  Hayop ka!  Manyakis!  Rapist!" 

At paulit-ulit niyang sinasabi yan habang hinahampas ako.  Anong manyakis at rapist ba ang pinagsasabi nitong si Queenie? 

Ay, oo nga pala naalala ko na.

*Flashback*

Habang mainit na nagpapalitan ng halik ang dalawa ay abala na si Francis sa pag-tanggal ng bra na suot ni Queenie.

Inangat ni Queenie ang likod at inayos ang kanyang pagkakahiga upang tulungan si Francis sa ginagawa nitong pagtatanggal sa kanyang bra.

Matapos hubarin ang bra ni Queenie ay hinubad naman ni Francis ang pangibaba nito pagkatapos ay siya naman ang nag-hubo't hubad.

Dahil kapwa lasing sina Francis at Queenie ay higit pa sa halikan ang nagawa nila.

*End*

Ah, okay so may nangyari pala sa amin ni Queenie kagabi.

MAY NANGYARI SA AMIN NI QUEENIE!

"ANO BA QUEENIE TAMA NA!"  Sabi ko habang sinasangga ang mga hampas niya.  "I'm sorry, hindi ko sinasadya, I was drunk last night."

"Ang sabihin mo, manyakis ka lang talaga!  Rapist ka!  Idedemanda kita!"  Galit na galit pa rin siya.  Paano ko ba siya mapapakalma?

"Queenie, magsabi ka nga ng totoo, nagda-drugs ka ba?"  Tanong ni Ate Veronica na nagpatigil kay Queenie sa pagwawala, hay salamat.  "Sabog ka ba?  Bakit mo tinatawag na rapist ang asawa mo?"  Pareho kami ni wife na hindi nakaimik.  "Ang akala ko kaya ka nagsisigaw ay dahil pinasok na ng magnanakaw itong kuwarto niyo, yun pala nagfi-feeling virgin ka lang diyan.  Hay nako Queenie, tigil-tigilan mo 'ko."  Napa-roll eyes si Ate.  "Francis, nabitin ata yang asawa mo, bigyan mo pa nga ng isa."

"ATE!"  Kung makasigaw naman si wife, parang ayaw na ayaw niya yung idea ni Ate.  Ako gusto ko eh.

"Hay nako, diyan na nga kayo."  Sabi ni Ate saka lumabas ng kuwarto.

Kami na lang ulit ni Queenie dito sa kuwarto at may sinabi siya.  "Ito na ang una't-huling beses na may mangyayari sa'tin.  Nakaisa ka, pero isinusumpa kong hindi na 'to mauulit."

"Oo nakaisa ko, pero nakaisa ka rin naman ah."  Ngumisi ako ng malapad.

"Bastos!"  Sabi niya saka ako binatukan ng malakas.  Napaka-brutal naman ni Queenie, but I like it.  Langya, masokista na ata ako ah.



Dahil sa nangyari sa amin ni Queenie kagabi, ewan ko ba pero ganadong-ganado akong mag-trabaho.

"Sir, ang ganda ng ngiti niyo ah."  Nandito pala si Alice sa office ko, hindi ko napansin.  "Can you please sign this?"

"Sure."  At pinirmahan ko na ang mga dokumentong inabot sa akin ni Alice, hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi ko.

"You look so happy Sir Francis, dahil ba yan sa happily married life niyo?"  Sambit ni Alice pero hindi ko siya binigyang pansin sapagkat nakatuon ako sa mga dokumento.  "Bantayan niyo ang asawa niyo Sir, If I were you.  Because George might steal her."

"Sir, break na kami ni George, niloko niya 'ko.  Nalaman kong mahal pa pala ni George ang asawa niya.  Nagsisisi na daw siya na hiniwalayan niya yon, at gusto niyang makipagbalikan don.  Ang sama nila Sir, ang sama nila!"

All of a sudden ay naalala ko ang mga sinabi dati ni Alice. 

And before I forget, si Queenie nga pala ang dating asawa ni Geroge.

Wala akong naging tugon sa mga sinabi ni Alice.  Tahimik kong ibinalik sa kanya ang mga napirmahan ko nang dokumento saka siya lumabas ng aking opisina.



"Sir, ito na po ang Personal Data Sheet ni Mr. George Legazpi."  Sabi ng female HR personnel na pinakiusapan ko sa PDS ni George.  Well, I just want to know his contact number.

"Thank you."  I thanked the staff saka siya lumabas ng office.  I picked up my phone to call George.

[Hello?]

"This is Francis Fontanilla, is this George Legazpi?"

[Yes Sir.]

"Would you mind meeting me after office hours?  I just want to discuss some personal things with you."  Binigyang diin ko pa yung salitang 'personal'.
[It's alright with me Sir.  Actually tamang-tama po ang pagtawag niyo.  May sasabihin din talaga 'ko sa inyo.]

"Ah talaga, may sasabihin ka rin sa'kin?  Pwedeng malaman kung tungkol saan, para may idea naman ako kahit paano."

[Tungkol kay Queenie.]

"Oh, about my wife."  Binigyang diin ko naman ngayon ang salitang 'my wife', kasabay ng madiing pagsara ng aking kamao.  "Well then, I'll text you the place kung saan tayo magkikita.  Let's meet there at seven."

Revised: Aug 20, 2017

A Marriage To RememberBasahin ang storyang ito ng LIBRE!