Francis

Halos paliparin ko ang kotse makarating lang agad sa ospital.

"What happened?"  Tanong ko nang makita ang may bendang noo ni Queenie.

"Francis ikaw pala, bakit ka nandito?"  Tanong nito.

"What do you mean bakit nandito ako?  Ang tanong ko ang sagutin mo, anong nangyari sa'yo?"  Nag-aalala ulit kong tanong.

"Heto, nasubsob sa ako gutter."  Nakangusong sagot niya.  "Buwisit kasing snatcher 'yon eh.  Ang laki-laki ng katawan, hindi mag-trabaho!"

"Snatcher?"  Kunot ang noo kong sabi.

"Oo.  Hay nako ha, kung alam mo lang kung gaano kalayo yung tinakbo ko mahabol lang ang mandarambong na 'yon.  Kung di lang ako nabangga ng motor eh di sana nahabol ko 'yon."  Inis na inis siya habang nagku-kuwento.

"My God Queenie!"  Nagkandailing ako.  "Bakit naman kasi hinabol mo pa!  Look what happened to you?!  Sana hinayaan mo na lang 'yung bag."

"Actually bayaw, hindi kay Queenie yung bag."  Singit sa usapan ni Ate Veronica.

"What?!"  Nagulat ako at pagkatapos ay naiinis na tumingin kay Queenie.

"Gusto ko lang tulungan yung babae, kawawa naman eh."  Katuwiran niya.

"Wow!"  Usal ko sa napipikong tono.  "Naawa ka doon sa babae, pero sa sarili mo hindi ka naawa?  Hindi ka ba marunong mag-isip Queenie?!"

Tumaas naman agad yung kilay niya.  "Siyempre marunong akong mag-isip!  Anong gusto pabayaan ko yung babae?!  Pilay siya at hindi makatakbo!  So anong gagawin ko, tutunganga habang tinatangay yung bag niya?!  Kung ikaw siguro 'yon wala kang gagawin?!"

"Talagang wala!"  Pasinghal akong sumagot.  "Bakit ko isusugal ang sarili kong kaligtasan para lang habulin ang snatcher na hindi naman ako yung ninakawan!  At kahit ako pa yung ninakawan hindi ko na lang din hahabulin!"

"Yeah ofcourse."  Sarkastikong aniya.  "Mayaman ka kasi eh!  Kaya bakit mo nga naman pag-aakasyahan ng oras na manghabol ng snatcher!  Kung in the first place ay marami ka namang perang pwedeng ipalit doon sa nanakaw!  Pero, naisip mo bang hindi lahat ng tao ay kagaya mong mayaman?  Tulad na lang non ni Ate kanina, halos maglupasay siya doon sa kalsada nong manakaw ang bag niya dahil naroon daw ang lahat ng pera niya na pangastos nilang mang-anak."

"Ah ganon, so kaya nagpaka-hero ka!  Eh anong nangyari?  Ikaw yung nasaktan!  Ikaw yung napahamak!  Paano kung malala yung pagka-aksidente mo?  Paano kung napahamak ka?  Paano kung namatay ka?!  Hindi mo man lang ba 'yon naisip?!"  Magkakasunod kong litanya.

"Pwede ba, huwag kang O.A!"  Singhal niya.

"Hindi ako nagpapaka-O.A!  NAG-AALALA 'KO!"

"Sino ba kasi may sabi sa'yong mag-alala ka?"  Mainit ang ulong saad ni Queenie. 

"Ano?"  Nadidismayang wika ko.

"Wala!"  Umismid siya, sabay roll eyes.

D*mn it!  Ito pa ba ang mapapala ko sa pag-aalala kay Queenie?

Sa inis ay padabog akong lumabas ng kuwarto at ibinagsak ang pinto.

Hanggang sa makauwi kami ng bahay ay hindi ako kumibo. 

Kahit noong nakahiga na kami sa kama ay hindi ko pa rin kinausap si Queenie, hanggang sa nauna na itong nakatulog.

Hindi ako dalawin ng antok kaya bumaba ako sa kusina upang uminom.  Nadatnan ko doon si Ate Veronica.

"Okay ka lang ba?"  Tanong sa akin ni Ate.

"Nai-stress po ako sa kapatid niyo."  Tonong pabiro ngunit seryoso ako.

Natawa naman si Ate.  "I can see na hindi pa rin siya nagbabago.  Gawain pa rin pala niyang makialam sa problema ng iba."  Naupo kaming dalawa ni Ate at dito'y nagsimula siyang magkuwento.  "Naalala ko pa nong nagkasunog sa lugar namin, sumuong siya sa nasusunog na bahay para lang iligtas ang lumang letrato ng Lola ng kaibigan niya."  Nailing si Ate.  "Can you imagine that?"

"Yeah, she's always like that."  Ako naman ang nagkuwento.  "Alam niyo bang muntik na siyang makipag-away sa palengke maipagtanggol lang ang babaeng sinisingil ng isang loan shark?  Kung hindi ko pa siya inawat noon ay baka siya na ang binalingan nong sangganong 'yon."

"Yan na nga ang mahirap, sa pagtatangka niyang tumulong sa kapwa, bandang huli ay siya 'tong nalalagay sa panganib.  Tulad na lang sa nangyari kanina, kung hindi niya hinabol ang snatcher eh di wala sana siyang bukol sa noo.  Sakit niya sa bangs 'no?"  Bakas na rin kay Ate ang pagkadismaya kay Queenie.

"Kaya nga po ako naiinis eh."  Giit ko.

Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Ate.  "You really love your wife, do you Francis?"

"I do Ate, very much."  Kaya nga siguro ako nagkakaganito ay dahil sa pagmamahal ko kay Queenie, ang sakit sa bangs!



Queenie

"Galit ka ba?!"  Tanong ko kay Francis na noong isang araw pa mainit ang ulo.  Bukod sa hindi niya 'ko kinakausap ay panay pa ang pagdadabog, kukuha lang ng damit sa closet kailangan pang ibalibag ang pagsara ng pinto noon.  Sakit sa bangs!

"Wow, ngayon mo lang nalaman?!"  Aniya habang nagsusuot ng polo.  Tss!  Pinakita na naman niya yung abs niyang pamatay! 

"At bakit?  Anong kasalanan ko?"  Pinamaywangan ko siya. 

Tumingin naman siya sa akin.  "Yang noo mo."

"Ha?"  Pagtataka ko.

"Okay na ba yang noo mo?"  Kanina ay galit siya, ngayon naman ay puno nang pag-aalala ang mukha niya.  Don't tell me, ikinagagalit pa rin niya yung pagkaka-aksidente ko the other day?

"Okay naman, pero pinababalik ako ng doktor ngayong araw para sa check up." 

"Anong oras?"

"Ngayong umaga."  Sagot ko.  "Kaya bilisan mo diyan, pasabay ako hanggang sa labasan ah." 



Hindi natupad ang plano kong magpagsabay lang kay Francis hanggang sa labasan.  Nagprisinta kasi itong samahan na 'ko sa aking check-up.

Tahimik lang siya habang nasa biyahe kami.  Lalaking 'to talaga, may attitude din eh!  Ganyan pala siya mapikon?  Nang matapos ang check up ay kinompronta ko siya.

"Francis!"  Tawag ko rito at huminto naman sa paglalakad sa hallway.  "Hindi naman ako napahamak eh, kaya sana huwag ka nang magalit."

"Hindi yan ang gusto kong marinig."  Sabi niya, eh ano pala ang gusto niya!  Ang labo!  "Ang gusto ko, mangako ka...  You have to promise me na hindi mo na uulitin yon.  Na hindi mo na ilalagay ang sarili mo sa alanganin para lang makatulong sa iba.  Alam ko mabuti ang tumulong sa kapwa pero sana naman..."

"Oo na sige na, promise hindi ko na yon uulitin.  Kaya huwag ka nang magalit diyan okay."  Sabi ko nang sa gayon ay matapos na ang gulo at para hindi na siya magalit.

"Thank you."  Pasasalamat niya na para bang nabunutan ng tinik sa dibdib, niyakap niya 'ko pagkatapos.

Gusto ko rin sana siyang yakapin kaya itinaas ko ang aking dalawang kamay pero nagbago ang isip ko. 

Hindi ka pwedeng bumigay Queenie, hindi pwede.

Nov 3, 2017

A Marriage To RememberBasahin ang storyang ito ng LIBRE!