"Ikaw lang 'yon,"sagot ni Harvey at tinuro ang nasa likod ko. "Titig na titig ba naman? Sinong hindi maiilang?"

Lumingon ako sa likod ko pero wala namang nakatingin sa akin. Busy silang lahat sa pag-aayos ng kung ano. Pero si Finn ay halatang inaasar si Phoenix kaya salubong ang kilay habang panay ang salita. Tumitingin-tingin si Finn sa akin at may binubulong-bulong sa hangin nakatanggap siya ng batok kay Phoenix bago umalis at pumasok sa loob. Agad naman siyang lumabas.

"Wala naman, ah?" Binalik ko ang tingin kay Harvey.

"Ay, hindi ka sigurado diyan." Tawa niya.

Umayos na lang ako ng upo.

"Ipapanood ko 'to sa iba 'kala mo, ah." Kinuha ni Harvey ang cellphone.

Inaasar kasi siya ni Rafael.

"Okay lang. Mayroon pa rin naman kaming video ni Darlene, 'yong sumubsob siya." Ngumisi si Rafael at may pinakita sa akin.

Aba, mayroon pa nga silang video! Akala ko na-delete na! Hayop na 'yan! Ginawa talagang remembrance ng mga hayop na 'to.

"Pakyu ka, Ellis! Burahin mo 'yan! Putang ina naman, e," mura ko nang hindi niya gawin.

Tinawanan niya lang ako. "Mas malala sa 'yo..."

Kinuha ko ang tsinelas ko at binato sa kaniya. "Pakyu."

"Darlene, ayos lang 'yan. Kumain ka na lang ng gulay," sabi ni Harvey na kakarating lang.

Tangina nito, kanina lang kaming dalawa magkasamang tumatawa tapos ngayon sila na? Traydor! Dapat sa mga traydor tinutulak sa pool. Kinuha ko na lang ang plato ko at sumandok sa kutsara ng hindi tinitingnan dahil ang paningin ko ay nasa dalawang hayop na nilalang na nasa harapan ko.

"Traydor!" Sabi ko kay Harvey at sinubo ang kutsara pero agad rin niluwa. "Yuck, sipon!"

Tumawa si Rafael. "Kadiri..."

Hindi ko na lang siya sinagot at kumain. Pagkatapos kong kumain nilagay ko ang pinagkainan sa loob ng kusina. Nag-paalam ako na aakyat muna sa taas para puntahan ang anak ko.

Nakarinig ako ng tahol ng aso kaya nagbaba ako ng tingin at nakita ko si Lucy. Binuhat ko siya at hinalikan sa noo. "Ang bango-bango mo!" Nanggigil na sabi ako at nag-lakad papunta sa taas. "Gutom ka na ba?" Tanong ko sa kaniya. "Kukuha kita ng dog food."

Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang pagkain niya. Pinakain ko rin sina Ziggy at Kissy baka gutom na rin sila. Nilapag ko sila sa sahig at tinapatan ng electric fan. Hindi naman sila hina-hunting ni Lucy, naglalaro pa nga silang tatlo.

"Sana magka-baby ka, Lucy." Biro ko at hinaplos siya pero agad napatigil nang mapansing malaki ang tiyan niya. "Puta! Lucy, buntis ka?!" Kinapa ko ang tiyan niya. "Lucy! Bata ka pa! Hindi ka pa pwedeng mag-anak!"

Bigla niya akong tinahulan.

"Aba, sumasagot ka pa?" Parang tanga na sabi ko at tumahol na naman siya. "Halika, papacheck-up kita!" Binalik ko sa maliit na cage sina Ziggy at Kissy at binitbit gano'n rin kay Lucy.

"Ikaw, bata ka pa para mabuntis. Hindi pa ako handa maging lola. Umayos ka Lucy." Sabi ko habang pababa. "Sino ang ama niyan, ah? Lucy, sino ang ama at napaka-walang kwenta naman. Hindi ka man lang pinanagutan."

"Sinong kausap mo?" Lumingon ako sa nag-salita, si Owen at may patingin-tingin pa sa paligid.

"Ito kasi! Buntis!" Nguso ko kay Lucy. "Papa! Dalhin natin si Lucy sa hospital!" Sigaw ko at lumabas kung nasaan sila. Tumingin sila sa akin. "Papa! Buntis si Lucy! Ayoko pa maging Lola!"

Biglang tumawa sila Harvey at ang iba dahil sa sinabi ko. Inirapan ko sila. Lumapit ako kay Papa. "Papa, dalhin natin siya sa Hospital. Tignan mo, o! Ang laki-laki ng tiyan ni Lucy, buntis siya, pa. Ayoko pa maging Lola."

The Girl in Worst Section (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora