"I...I'm sorry, Samantha, hindi ko alam ang sasabihin ko dahil pati ako ay hindi makapaniwala na nagsinungaling siya sa atin para mapasakan'ya si Mateo. Napakamakasarili niya!"

Tumahimik ako dahil ayaw kung magsalita pa.

"I'm sorry again, Samantha. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko, alam kung sobra kang nasasaktan ngayon. Lalo na't ikakasal na silang dalawa. Pero nagkita na ba kayo ni Mateo?"

"Nakasalubungan ko siya pero hindi ko alam kung nakila niya ba ako."

"Paano kung nagkita ulit kayo? Alam naman natin na umuwi silang dalawa. Kaya sa tingin ko ay anumang oras ay magkikita at magkikita kayo."

"Hindi ko alam ang gagawin ko pag nagkita ulit kami, kung hindi niya pa rin ako maalala ay okay lang, mas maganda iyon dahil ikakasal naman na silang dalawa."

Rinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. "Tila naulit ang nangyari noon, akala ko ay tapos na, akala ko ay mababaon na iyon sa limot pero sa nangyari ngayon ay tila muli iyon bumalik. Heto ka ulit ngayon nasasaktan, kailangan mo talaga siyang kalimutan, mahahanap mo rin iyong lalaking para sa'yo at hindi iyon si Mateo."

Sandaling katahimikan sa linya niya at hindi ko na mabilang kung ilang beses na siyang nagmura dahil sa nalaman niya.

"Huwag ka ng umiyak, babalik ako ng Pilipinas pag naaprobahan na yung leave ko. Gusto ko andyan ako ngayon sa tabi mo para yakapin ka sa tuwing nasasaktan ka," pagpapatuloy niya.

Pinunasan ko ang basang pisngi ko dahil sa luha at umiling iling sa sarili. "Huwag na Angel, magiging okay din ako."

"Hindi para sa akin Samantha. Alam kung gaano mo kamahal si Mateo at ngayon ay nalaman mong ikakasal na sila ay ramdam ko ang sakit sa boses mo habang kinukwento mo sa akin lahat. Ramdam ko na nagsisisi ka dahil pinaraya mo siya kay Klea, dahilan kung bakit mas lalo kang nasasaktan ngayon. Pero wala na tayong magagawa pa dahil nangyari na at huli na ang lahat para bawiin ang nakaraan."

Halos tulala pa rin ako habang nakikinig sa lahat ng mga sinasabi niya. Tanging nasa isip ko lang ay ang kasal nila. Hanggang sa hindi ko namalayan na muli akong nakatulog  at nagising na lamang dahil sa init ng sinag ng araw na dumapo sa aking mukha. Napabangon ako dahil sa pagkakatanda ko ay nakasarado lahat ng kurtina sa bintana.

Napatingin ako sa pinto ng may marinig na kung ano sa sala, dali dali akong tumayo dahil sa tingin ko ay may pumasok sa Condo ko.

Napatigil lamang ako sa paglalakad nang makita si Jacob na nasa kusina at abala sa pagluluto.

Inayos ko ang buhok ko bago lumapit sa kan'ya, ngayon lang pumasok sa isip ko na alam niya pala ang passcode nang Condo dahil sa tuwing lasing ako ay hindi ko maalala ang passcode ko kaya siya mismo ang nagbubukas nito para makapasok ako.

"Jacob," tawag ko na dahilan nang pagkatigil niya sa paghalo nang kung ano sa kawali.

Saglit siyang napatitig sa akin kaya agad kung iniharang ang kamay ko sa aking mata dahil ngayon ko lang naalala na mugto ang mga mata ko.

Kita ko ang pag igting ng kan'yang panga at tinanggal ang suot na apron.

"I'm sorry and I went in. Sabel told me that you didn't come in today so I went straight here and I've been knocking but you didn't answer. I also cooked your meals because I think you haven’t eaten yet."

"Sa..salamat, wala ka bang trabaho ngayon?"

Umiling siya at mas lalong lumapit sa akin at tinanggal ang kamay na nakaharang sa mukha ko.

"And I know that you are not okay. So, I came here."

Napaiwas ako ng tingin at umupo sa high stool chair. Bumalik rin siya sa kan'yang pagluluto at matapos ay inilapag iyon sa lamesa.

I Wish It Was Me (Book 1)Where stories live. Discover now