Chapter Twenty Nine

52.2K 756 11

CHAPTER TWENTY NINE

Handa na akong makilala ang tunay kong ama pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan.

Nandito kami sa mansyon kung saan ito nakatira.

"Ahm.. Nandiyan ba si Mauricio?" Tanong ni Mama sa security guard.

"Sino po kayo?" Tanong ng security guard.

Hindi ito 'yung security guard na napagtanungan ko dati nung nagpunta ako dito para puntahan si Cynthia.

"Ahm, k- kaibigan niya. Gusto lang namin siyang kamustahin?" Sabi ni Mama.

Parang nag- aalangan pang papasukin kami ng guwardiya. Gusto ko sanang sabihin na anak ako ng amo niya pero hinayaan ko na lang si Mama. Nae- excite lang siguro ako, kinakabahan at the same time..

"K- kahit itanong mo ako sa kanya. Kilala niya ako. Lucy Florez kamo." Pagpapakilala ni Mama.

"Hindi rin naman ho siya makakasagot. Sige pumasok na ho kayo." Sabi nung guard.

Ano'ng hindi makakasagot? Napa- huh? na lang si Mama at tuluyan na kaming pumasok sa loob.

Nag- door bell na kami nung makarating kami sa front door. Isang kasambahay ang nagbukas ng pinto.

"Sino po sila?" Tanong ng halos kasing edad ko lang na kasambahay.

"Nandiyan ba si Mauricio? Pakisabi ako si Lucy. Lucy Florez." Pagpapakilala ni Mama.

"Tuloy na po kayo. Maupo muna po kayo." Sabi ng kasambahay..

Nakahinga naman ako ng maluwag pero may nagbabadya pa ring kaba. Makikilala ko na ang tunay kong ama.

"Hay.. Napakaraming taon ang nakalipas.... Ikaw sana ang nagtatamasa ng karangyaang ito Zayl anak." Bigla na lang nagsalita si Mama at napatingin sa paligid.

Magsasalita pa sana ako ng biglang may dumating. Lumabas galing sa kwarto dito malapit sa sala.

"Mauricio?" Nagtatakang sabi ni Mama sa lumabas na tao.

Isang matandang nakaupo sa wheel chair na tulak- tulak ng isang nurse.

"Papa.." Bigla ko na lang nabanggit.

Marahil nagtaka ang nurse. Nakita ko ang reaksyon ng matandang nakaupo sa wheel chair. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi siya makapagsalita.

"Ano'ng nangyari sa kanya? Bakit siya naka- wheel chair?" Tanong ni Mama sa nurse.

"Nahulog po siya sa hagdan at naapektuhan po ang pagsasalita niya and obviously, he can't walk. Ako po ang kinuha ng asawa niyang mag- alaga kay sir." Paliwanag ng nurse na sa tantiya ko'y nasa late thirtees.

"Diyos ko.. Puwede bang iwan mo muna kami? Siguro naman maririnig niya lahat ng sasabihin ko. Maaari ba?" Sabi ni Mama.

"Alam na po ba niyang nakakulong ang asawa niya?" Bigla ko na lang naitanong.

"Ah si Madam? Opo alam na ni Sir. Sa katunayan, may mga pulis na nagpunta dito para i- balita 'yun." Paliwanag ng nurse.

Kung ganoon, ano kayang naging reaksyon ni Papa sa nangyari? Tutulungan niya bang makalaya ang babaeng 'yun? Ni hindi nga siya makapagsalita.

"Maiwan ko muna po kayo. Ah oo nga pala, minsan nakakapagsulat siya. Madali nga lang po kasing mapagod. Pero subukan niyo po kung may mga itatanong kayo." Sabi nung nurse.

Sumaya ang pakiramdam ko at kitang- kita ko rin ang saya ni Mama.

"Salamat po kung ganoon." Sabi ko.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!