Chapter 32

52.3K 756 9

CHAPTER 32


JAMES

"Crystal!!" Sigaw ko.

Nasa labas ako ng bahay nila dahil walang magpapasok sakin. D*mn it! Crystal, lumabas ka naman pakiusap. Kailangan nating mag- usap.

"Crystal!! Alam ko nandiyan ka!! Please mag- usap naman tayo! Huwag mo namang gawin sakin 'to!" Sigaw ko ulit.

Bakit niya ba ako pinapahirapan ng ganito?! Hinayaan ko na siya kagabi dahil baka nabigla lang siya sa mga sinabi niya sakin kaya ngayon nandito ako para kausapin niya ng harapan pero nagagawa niya akong tiisin!

Maya- maya'y may papalapit sa kinaroroonan ko. Ang mommy ni Crystal.

"Umalis ka na James, pakiusap." Sabi ng mommy ni Crystal nung makalapit sakin.

"Ano po bang nangyari? Tita, nagmamahalan po kami ng anak niyo, alam niyo po 'yun. Hindi ko po siya hahayaang masaktan kaya pakiusap po, kailangan ko siyang makausap." Sabi ko.

"Ayaw ka na niyang makita James." Ang mommy ni Crystal.

"Ganun- ganun na lang ho? Hindi ho totoo 'yan. Hindi po ako naniniwala. " Sabi ko.

"Kilala mo naman siguro si Crystal, gagawin niya lahat para makita at makasama ka. James, nakikiusap ako, huwag mo ng pahirapan ang sarili mo dahil mas masasaktan ang anak ko kapag ipinilit mo pang maging kayo." Sabi ng mommy ni Crystal.

"Pero mag- asawa na ho kami." Sabi ko.

Hindi niya ako basta- basta mahihiwalayan.

"Maraming mag- asawa ang naghihiwalay James. Tanggapin mo na lang na baka hindi kayo para sa isa't isa." Ang mommy ni Crystal.

Masakit marinig pero hindi ko matanggap. Wala na ba talaga akong kakampi sa kanila?

"Naiintindihan ko po kayo pero hindi po ako susuko. Babalik po ako dito." Iyon lang ang nasabi ko at umalis na ako.

Hindi ako mapakali habang nagd- drive. Binilisan ko ang pagmamaneho pero naisipan ko ring itabi ang sasakyan ko at tumigil saglit. Nahampas ko ang manibela at sumubsob dito. Pucha ang bigat sa pakiramdam.

Maya- maya'y umalis na rin ako at dumiretso sa condo. Pagkapasok ko sa unit ko ay nagbukas agad ako ng isang latang sanmig. Hindi ako tumigil sa pag- inom hanggat hindi nawawala 'yung mabigat sa dibdib ko pero kahit yata sandamakmak na alak ang inumin ko eh hindi kayang mawala nito. F*ck! Ibinato ko sa dingding ang lata na may kaunti pang laman.

Nakaupo ako sa sahig sa baba ng sofa habang nakainom at nag- iisip pa rin. Bandang hapon, may araw pa sa labas. Kaninang umaga ako nagpunta kina Crystal. Hindi ko na alam ang naisipan ko nang bigla na lang akong umalis ng condo at nagpunta ulit kina Crystal. Medyo may tama na ako pero hindi ako lasing.

"Papasukin niyo ako, nasaan si Crystal? Crystal!" Sabi ko sa mga guwardiya pagkababa ko ng kotse.

"Sir, umalis na ho kayo bago pa kayo madatnan ni Sir George." Sabi ng guwardiya.

"Wala akong pakialam!" Sigaw ko sa mga guwardiya.

Maya- maya'y mayroong papasok na sasakyan. Ang daddy ni Crystal.

"Ano'ng kaguluhan 'to?" Sabi ng daddy ni Crystal nung tumigil ang kotse sa harapan ng gate atsaka bumaba at nakatingin sakin habang hawak ako ng mga guwardiya.

"Maawa po kayo sakin kailangan kong makausap si Crystal. Mahal ko po ang anak niyo. Kung kinakailangan ko pong lumuhod sa harapan niyo para makausap siya gagawin ko." Sabi ko atsaka lumuhod sa harapan ng daddy ni Crystal pero nakatingin lang siya sakin na parang walang pakialam. Akala ko ba tanggap na niya ako? Akala ko ba okay na sa kanila?

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!