W-William?

"Hi." He smiled and waved at me.

Nginitian ko rin siya,"Hi William!"

May dala siyang siomai. Umupo siya sa harap ko.

"So bakit ka nga pala nandito?" tanong ko.

"Bumili lang ako ng siomai. Favorite ko kasi." Pinakita niya ang killer smile niya. Bakit may kuryente akong nararamdaman?!

"Ako rin! Favorite ko ang siomai. ^^"

"Parehas pala tayo. ^^ Sino nga pala kasama mo dito? Ikaw lang mag-isa?"

"Ah, hindi. Actually, kasama ko si ----"

"Jenny."

Napatingin ako doon sa taong nagsalita.

"Oh, Gerald! Si William napadaan." ^^ sabi ko.

"Napadaan o sadyang dumaan?" sabi ni Gerald. Ha?

Tinignan ko silang dalawa. Parang nagla-laserbeam sila sa isa't-isa. Katakot! >3<

Tumabi si Gerald kay William.

"Napadaan lang talaga ako. Manonood sana kasi ako ng movie. Kaso kumain muna ako." Sagot niyang nakatingin sakin.

"Kami rin. Dumaan muna dito para kumain. ^^" Sabi ko.

Sumubo ako ng siomai. Naubos ko na! T.T

"Ay, ubos na.." Bulong ko sa sarili ko.

"Meron akong dala. Gusto mo pa?" Sabi ni Gerald at tinusok ang isang siomai.

"Ako rin. Gusto mo? May extra sauce 'to." ^^ Sabi ni William.

Ha? Wait. Bakit biglang may subuan ng siomai dito?!

"Ako ang magpapakain kay Jenny, William."

"Asa ka pang kukunin niya yan." Sabi ni William.

"Siyempre galing sakin, kukunin niya. Hindi tulad sa ibang taong di niya lubos kilala."

"Pwede pa naman kaming makipagkilala ng lubos." sagot ni William.

"Di na kailangan, kasi meron na siyang nakilala na alam niyang hindi siya iiwan." Sabi ni Gerald.

Okay. Ang weird na ng atmosphere dito. -.-"

"Pwes, may kikilalanin pa siyang taong tapat at hindi mangaagaw ng ibang babae na may nobyo."

"Yung nakilala niya, hindi naman talaga nang-agaw. Sadyang nilapitan siya at kinausap. Kinilala nila isa't-isa pero hanggang doon lang, no promises. Kahit kailan hindi siya nagtaksil kahit sa pinsan niya pa. Tapat siya kung makikilala mo."

Ang sasama ng tinginan nila.

Help, people. -.-"

Natahimik si William at tinignan ako ni Gerald. "Let's go?"

Nginitian niya ako at tumayo na.

Nag-nod ako at nagpaalam kay William, "Bye William! See you around!"

Hinatak na ako ni Gerald.

"Bye. See you around." Sabi niya with a smile. Okay, medyo creepy.

Nagwave nalang ako sa kanya.

***

Nasa pilahan na kami sa bilihan ng popcorn.

"Parang mainit yung usapan niyo ni William doon kanina ah?" tanong ko.

"Sinabi ko lang yung mga dapat sabihin ko sa kanya nung matagal pa." Sabi niya na hindi nakatingin sa akin, nakasuksok yung kamay niya sa pockets niya.

K- HighBasahin ang storyang ito ng LIBRE!