SC-11

1.2K 104 27
                                    

Bihis na bihis ako ngayon habang kasama si Brandon at Ryoga. The three of us are a the back of Rockwell's Event Center hiding in the dark. Para kaming mga tanga. Actually they dragged me here while I was sleeping and resting. Kailangan na kasing magpaalam nitong si Ryoga dahil aalis na siya kasama si Brandon at Red. And of course we have to do the plan.

"Para tayong ewan dito." Inis na sabi ni Brandon habang naninigarilyo sa gilid. Mukha siyang kapre actually.

"Ryoga, sure ka na ba? Na aalis ka na?" Tanong ko.

Hindi ko maiwasang malungkot dahil syempre aalis nanaman siya, kasama si Red at ang mahirap pa ay hindi namin alam kung kailan ba sila babalik. Sanay naman na akong hindi ko sila kasama pero nasanay na rin ako ngayon na nakikita ko sila parati.

"Oo. I won't go back yet."

"E 'yung plano? Sure na ba? Mapapahiya si Reginy."

Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang gawin 'yon. In fact, baka mabuko kami? Ako pa man din ang magsisilbing witness na si Daliah ang may gawa. Sakaniya ko isisisi ang lahat which is good for me, but still baka ako ang mabulilyaso in the end.

"Nakaset up na sa stage ang lahat. Kung 'di ko gagawin 'yon, alam kong susundan niya ako. I have to give her a big blow para makalimutan niya ang mga sasabihin ko. Atsaka isa pa, ganti mo na rin 'to kay Daliah 'di ba."

"Daliah? 'Yung bagong bebe ni Luther?" Singit ni Brandon at gusto kong patayin sa mismong mata niya ang upos ng sigarilyo nito.

"Oo. Saka sa mangyayari na 'to Ritsumi, magigising ka. Makikita mo na ayaw na talaga sa'yo ni Luther. I'm helping you to move on."

"Why? Nagmu-move on naman na 'ko ah!"

"Weh?" Sabay na sabi nila and I just rolled my eyes.

Nagkwentuhan pa kami nang kung ano ano. Nilalamok na ako at buti na lamang may dala si Ryoga na mini fan na binigay niya sa akin. I am sweating! Baka mamaya kapag inagaw ko si Axel kay Reginy ay amoy mabaho na ako.

"Let's go inside Sumi. Man, maiwan ka muna rito."

"Ge lang."

Ryoga and I went inside of the hall. Agad naman kaming pinapasok dahil alam naman ng nagbabantay na papasok kami. We sat on the chairs at the back habang pinagmamasdan ang mga tao na nagsasayawan.

"Ritsumi." Tawag sa akin ni Ryoga saka ko siya binalingan ng tingin.

"Oh?"

Nilapit niya ang upuan niya sa akin at idinikit ang bibig niya sa tenga ko. The sound is too loud so we won't hear each other properly.

"Basta ang sasabihin mo si Daliah ang may gawa. That someone saw her and she told it to you kaya nandirito ka. Na nakita mo mismo sa may cctv na siya ang nagseset-up. Nagpunta ka rito para sabihin kay Axel but unfortunately you two will be late and it will happen during the awarding. Potangina, kawawa tuloy niyan ang bebe ko." Habilin niya nanaman. Noong nakaraan pa namin plano 'to pero heto nanaman siya sa at pagpapa alala. Hindi ko naman makakalimutan e.

"Siguraduhin mong hindi titiklop 'yang ituturo kong witness ah."

"Hindi 'yan. Takot sa'kin 'yon."

"Kamukhang kamukha talaga ni Daliah 'yung hinire mo ah."

I already watched the video  at the cctv area kanina noong nagpunta kami and I was really amazed dahil sa anggulo ng vid ay parang si Daliah talaga. Ryoga really works perfectly!

"Syempre ako pa ba? Just enjoy this thing. Bagay niya lang 'yan. She messed up with the wrong woman."

"Thank you."

Stupid CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon