LAMPAS na sa alas-onse na nang maalimpungatan si Cindy. Nagising siya sa sigawan at hiyawan na nagmumula sa labas. May dumagdag pa na takbuhan at tsismisan.
Bumangon siya sa kanyang higaan.Sumasakit pa ang kanyang ulo dala ng hangover.Tumungo siya sa kanyang tokador at kinuha ang aspirin at ito ay kanyang isinubo na di na kailangan ng tubig. Pagkatapos pumunta siya sa banyo at pumasok, sumalubong sa kanya ang sarili niyang itsura.Nakita niya ang halos hubad na katawan. Sobrang payat na niya, hapis ang kanyang pisngi at kanyang mga mata nanlulumata parang 'di na niya makilala ang kanyang sarili dagdag pa buto't balat na siya. Bumalik siya sa kwarto at nagsuot ng maluwag na T-shirt at maigsing short.
Nang bumaba ay tumango siya sa kusina. Nakita niya ang note ni Tita Claire niya sa bukasan ng refrigerator. Nagsabi ito na gagabihin siya ng uwi at mag padeliver na lang siya ng pagkain.
Si Tita Claire ay nagtatrabaho bilang isang secretary sa isang malaking kompanya. Bunsong kapatid ito ng kanyang ina. Nang magtrabaho ang kanyang ina sa ibang bansa sa Milan, iniwan siya nito sa mga kamag-anak. Sa murang edad namulat na siya sa palipat-lipat ng tinutuluyan. Hindi niya nakagisnan ang kanyang ama dahil siya ang anak lamang sa labas at hindi naman siya kinikilala nito.
Ngayon tatlong taon na siyang nakatira sa bahay ng kanyang tiyahin.
Nagpapadala na lamang ang kanyang ina ng pera para sa kanyang sustento dahil may iba narin itong pamilya sa Milan.
Narinig ni Cindy ang tunog ng doorbell. Pinuntahan niya iyon. Isang grupo ng kabataan ang nakatayo at naghihintay sa labas ng gate nila."Magandang umaga, Miss," bati ng isang lalaking nakasalamin. Kami po ay grupo sa tumutulong sa mga out-of-school youth at mga naliligaw na landas ng mga kabataan. Nandito kami para magbigay sana ng solicitation letter upang humingi lang ng tulong." Inilusot nito ang kamay aa gate upang iabot ang sobre.
Kinuha iyon ni Cindy at pinasadahan ng basa ang sulat na nasa loob niyon.
"Ang misyon ng grupo namin ay ----- "Natigilan ang lalaki na magsalita dahil itinaas niya ang kamay tanda na tumigil muna siya sa pagsasalita.
" Nagbabasa ako," sabi niya.
" Sorry po,"hinging-paumanhin nito.Hindi na tinapos ni Cindy ang pagbabasa dahil hindi rin naman niya maunawaan ang nilalaman niyon.
Lumulutang parin ang kanyang diwa. Pumasok siya sa bahay dala ang sobre. Pumunta siya sa kwarto at kumuha siya ng limandaang piso sa knyang pitaka at ito'y kanyang nilagay sa sobre. Lumabas na siya para ibigay iyon sa lalaki. Hindi pa natatapos na magpasalamat ang lalaki ay tinalikuran na niya ito at pumasok na sa bahay.

BINABASA MO ANG
You Changed Me
RomanceDapat bang ibigin ni Cindy si Lester Cervantes? dahil ang isang tulad niya ay walang direksiyon sa buhay at hindi nababagay sa tulad ng binata na gwapo at higit sa lahat galing sa mayamang angkan.Ngunit sadyang makapangyarihan ang pag-ibig kahit mah...