Chapter 23: Hailey, ano?

704 38 3
                                              

×SOMEONE×

"Hinding hindi ko papalampasin to. Mamamatay pa ang Hailey na yan..." napakamot ako sa buhok ko ng inis. "Bakit ba kasi hindi ko kagad sya pinatay sa Hospital?! Ayan nakaabot pang buhay, sa harap ng mga kaibigan nya!"

Nakita ko ang pagtawa ng mahina nung lalaking mokong na to, kaya lumapit ako sa kanya nakita ko ang niluluto nya, pero masama lang tingin ko sa kanya. "Bakit ka natatawa?"

Umiling iling sya. Magsasalita pa sana ako ng maunahan nya ako e. "Sino nga pala kausap mo nung isang isang isang araw?"

Natahimik naman ako bigla. Hindi ko muna sasabihin sa kanya kung sino. Sa araw na lang kung kelan ako magpapakilala kay Mirae.

Umiling iling ako sa kanya saka sumagot habang palayong naglakad ng nakatalikod. "Wala. Iba na yun."

"Pero baka mapatay ko rin sya."

×ANDY×

Buti't naisipan na nyang magpakita, masyado kasi syang nagpapamiss porket alam nyang may makakamiss sa kanya at si Patricia yun.

Kwentuhang kwentuhan silang lahat dun, panay naman minsan ang pagtingin tingin sakin ni Lucy, kaya iwas din ako ng iwas ng tingin. At minsan naman magpaparinig sila samin na 'Magpansinan na kasi, nagkakailangan tuloy.' pero lagi ko namang di pinapansin.

Hanggang sa naisip kong bumili kanina sa labas, pero bigla namang tinulak tulak si Lucy sakin, kaya sobrang tahimik nung nagpunta at bumalik kami galing tindahan.

Medyo masakit pa kasi sa nararamdaman ko e. Mahirap pa kasing tanggapin.

"Andy! Huy!" nabalik ako sa realidad nung may napansin ko ang kamay na nawagayway sa mukha ko, kaya agad kong tinabig at tiningnan ng masama si Matthew.

"Sinong iniisip?"

"Hindi Sino.." sagot ko sa kanya.

"Ediiii..Ano?"

Nagiling lang ako hanggang sa nagtama ang masama kong tingin sa nakakaawang tingin sakin ni Lucy. Alam kong gusto nyang magsorry, pero wag muna. Hindi ko pa kasi sya mapapatawad.

"Edi magtitigan na lang kayo.."pagpaparinig ni Matthew habang pabalik sa upuan nya. Kaya agad akong napaiwas ng tingin. Nagtititigan pala kami.

"A-An-Andy..."

"Okay sige magusap tayo." tumayo na ako at hawak na yung doorknob. Nilingon ko sya na nanlalaki ang mata yung iba rin. "Bakit? hindi ba maguusap?"

×LUCY×

"Ah, hinde. Gusto ko ngang ano--"

"Tara." at nauna na syang lumabas ng kwarto.

Nilingon ko mga kasama ko. "Hala ka.." sabi nila with actions. Patay, pag labas ko ng kwarto sya na nagsara nung pinto kaya nabigla ako sa lakas ng pagkakasara nuon.

Hanggang sa nagkasabay kami ng pagbuntong hininga. This is it. Maguusap na kami.

"Andy / Lucy"

"Okay you first /Okay you first"

"Okay ako /Okay ako"

"Hey / Hey" okay? Pano kami nito makakapagusap kung nagkakasabay lagi?

×MIRAE×

"Nakaka 7hours na tong tulog ah, gusto pa ba nitong gumising?"

"Hapon na di pa to gising."

"Wag naman sanang umabot ng gabi, yari ako kay Mama."

San galing yung boses? Teka, ako ba yung tulog na di pa gumigising?

"Oh, gising na sya!"

"Mirae!"

"Gising ka na!"

Sabay sabay nila akong binati at nilapitan sa kama. Halatang alalang alala aila sakin. Bakit? Ano bang nangyari? Masama bang matulog ng ilang oras?

"Bakit ang tagal mong magising?" tanong sakin ni Wendell, na hawak hawak ang kamay ko. Bakit? Iniintay ba nila ako?

"May lakad b-ba tayo?" tanong ko habang hirap imulat ng maayos ang mata ko.

Umiling iling sila, at saka inagaw ni Matthew kay Wendell yung kamay ko. "Hindi Mirae. I mean, wala. Nasa Hospital ka okay?"

Nasa hospital ako? Ba't kaya? Ano bang nanyari?

"Nahimatay ka sa canteen nung papunta ka sanang CR."

Nabasa ni Warren isip ko! Hala ang galing. Isa pa nga. Bakit ako nahimatay?

"Putlang putla ka non, tinanong pa nga ni Wendell kung okay ka lang daw ba. Sabi mo Oo." hala! Nababasa nga nya. Galing!

"ba't ka nakangiti Mirae?" hindi ko napansing nakangiti pala ko, buti na lang tinanong ni Tory sakin, kaya nawala rin kagad yung ngiti ko.

Hanggang sa napatingin ako kay Hailey at napangiti. "Okay ka na Hailey?"

Tumango sya, at inalis ko na yung pagkakahawak ni Matthew sa kamay ko at inabot ko yun kay Hailey na agad nyang tinanggap saka tumabi sa may ulunan ko.

"I missed you so much Mirae. Mamimiss kita." Ano daw? Mamimiss nya ako?

"Hailey, ano?"

"Ano?"tanong di nang iba.

Hallway (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon