Prologue

487K 17.8K 9.9K
                                    


JUST IN: Dior Kobe Gallardo's management is searching for a leading lady to star in the music videos for the five out of twelve tracks on the singer’s new album, “The Way You Treated Me Least.”
 
Ang kaninang dire-diretso kong pag-s-scroll sa Facebook ay natigil. Tumahip ang dibdib ko sa kaba kasabay ng panlalaki ng mga mata ko.
 
“Limang kanta?!” I gasped loudly.
 
“‘Wag kang maingay at nag-re-review ako,” ani Mari habang nagsusulat ng kung ano sa notebook niya.
 
“Seryoso ba ‘to?!” patuloy ko, hindi pa rin makapaniwala.
 
“Karsen!” suway niya ulit.
 
I ignored her. I clicked the article to scan the qualifications needed to apply. Nanginginig ang kamay ko sa labis na excitement.
 
All applicants must be 18 years old and above, at least 5'5" tall, and have modeling experience/s with a flexible schedule. We accept students, but only if you can work on your own timetable. The entire production will require four months to complete due to the buildup of chemistry, photoshoots, workshops, and shooting.
 
Naramdaman ko ang pagtama ng throw pillow sa braso ko kaya napatingin ako kay Mill na nasa dulo lang ng sofa. She was eyeing me with so much disbelief in her eyes. May hawak din siyang cellphone kaya alam kong nakita niya na ang dahilan kung bakit ako nag-iingay.
 
“‘Wag kang mag-apply. Full units ka ngayong sem,” aniya. “Isusumbong kita kay Kat.”
 
Napasimangot ako.
 
“Try lang, eh.”
 
“Siguradong mag-a-apply riyan ang mga sikat na model,” sabi niya. “Don’t waste your time. Malapit na ang midterms n’yo, ‘di ba?”
 
“Ano ba ‘yan?” tanong ni Mari habang nakatutok pa rin ang mata sa screen ng laptop.
 
“Naghahanap kasi ng leading lady sa music video ang management ni Kobe,” si Mill.
 
Humarap sa amin si Mari. “Oh, ano naman?”
 
Pabalang akong sumandal sa sofa. “Mag-a-apply ako.”
 
“Gaga ka. Hahanap ka lang ng pagkakagastusan.” She chuckled. “You just attended his concert three months ago. Kabibili mo lang din ng merch. Pati ba naman ‘to, papatulan mo?”
 
“Anything for my love,” I uttered as I sighed dreamingly.
 
Mula sa kusina ay lumabas si Ate Kat bitbit ang pitsel ng juice at baso. Kunot ang noo niyang ipinatong iyon sa center table bago tumabi sa akin.
 
“Ate-”
 
Umiling siya. “If this is about Kobe, no.”
 
Sumimangot ako. “Makakasama sa limang kanta si Kobe. Bonus pa na malalaman ‘yong hindi pa na-re-release na twelve tracks.”
 
Nagsalin siya ng juice sa baso at pagilid na tiningnan ako. “Libo ang sasali riyan.”
 
“But I’m qualified!” reklamo ko. “Isa pa, siguradong maganda ang sweldo rito. Four months lang naman.”
 
“Wow, sure na matatanggap, ah!” pang-aasar ni Mill.
 
“Paano ang mga klase mo?” tanong ni Ate Kat. “Monday to Friday ka, ah?”
 
“Hanggang 3pm lang naman!”
 
She chuckled. “5pm ang dismissal mo every Thursday.”
 
I bit my lower lip, not surrendering to her. “I can work on that!”
 
She glared at me. “Eh, ang trabaho mo sa guidance office?”
 
“Kapag napili ako, magpapaalam akong hindi ako makakapagtrabaho sa loob ng apat na buwan.” I pouted. “I mean, this is work!”
 
Halatang may sasabihin pa siya ngunit umiling na lang ako sa kanya.
 
“Ate, my ultimate dream is to see Kobe up close,” pagpapaawa ko. “Alam kong imposibleng mapili ako rito, but it’s the thought that counts! Siguradong nakapagpasa na rin ng form at portfolio ang ibang kasamahan ko sa club. Katuwaan lang naman.”
 
“Yeah, right!” pang-aasar na naman ni Mill. “Hindi ko alam kung bakit pinag-uusapan n’yo agad ang schedule na para bang mataas ang tsansa ni Karsen na mapili.”
 
Sinamaan ko siya ng tingin.
 
“Tapos na ba kayo? Can I review in peace now?” si Mari.
 
Tumango si Ate Kat at hindi na ako pinansin. I took that as a cue to start filling out my application form. Natatawang nakatingin lang sa akin si Mill, paniguradong nawiwirduhan na naman sa tibay ng paghanga ko kay Kobe.
 
“Ano?!” I hissed at her.
 
She smirked. “Tulungan kita sa portfolio mo. G?”
 
Napangisi na rin ako. She’s a journalism student and she knows her thing when it comes to writing and editing.
 
Napailing na lang si Ate Kat sa amin. Tumayo ako para lumipat sa tabi ni Mill na ngayon ay kinukuha na ang laptop sa kwarto namin. Nang makabalik siya ay sinimulan na niya ang pag-e-edit ng ilang pictures ko mula sa bilang sa daliring endorsements ko noon. Napangiti na lang ako dahil kahit siya ang nangungunang kontrabida sa pagtanggi sa hilig ko, sinusuportahan niya naman ako.
 
“Hindi ko alam kung anong nakita mo sa lalaking ‘to at humaling na humaling ka sa kaniya,” bulong niya habang nakatitig kami sa picture ni Kobe sa screen ng laptop niya. “Oo, gwapo... pero marami naman kasing gwapo. Sa school pa nga lang, panalo ka na.”
 
I narrowed my eyes on the screen. Kobe’s dark brown upturned eyes, thick black hair, and well shaped nose complemented his perfect moreno skin. Maganda ang built ng katawan at mukhang maangas. He’s the living definition of a tall, dark, handsome, and mysterious man.
 
“Siguro sampung araw bago nagawa ng Diyos ang mukha niya, ‘no?” wala sa hulog na sambit ko. “Tapos sampung araw ulit para sa katawan at sampung araw para sa talent.”
 
She scoffed before brushing her boy cut hair with her fingers. “Arte mo. Mas sasambahin mo yata ‘yan kaysa sa itim na nazareno.”
 
Hindi ko na siya pinansin. Kinuha ko ang cellphone at binuksan ang folder ng mga larawan ni Kobe sa gallery ko. Sa loob ng halos anim na taon kong pagiging fan niya, kahit isang beses ay hindi ako naka-attend ng meet and greet. Kapag naman nanonood ako ng concert, ang pinakamurang ticket ang inaabot ng budget ko.
 
Bibili sana ako kahit Upper Box A ticket no’ng mag-concert siya three months ago, ngunit saktong nagbayad ako para sa tour namin. Badtrip pa na kasama sa itinerary ang Manila Ocean Park! Ano kami elementary?! At ano namang connect ng BS Mathematics sa mga lamang dagat? Tuturuan ba namin ng calculus ang mga pawikan?!
 
I sighed. Ang hirap talagang maging fan girl kapag dukha ka. Mabuti talaga at may nakakapitan pa akong scholarship!
 
“I-su-submit ko na ‘to?” tanong ni Mill.
 
Walang tinging tumango ako. Mari, Mill, and Ate Kat are my childhood friends. Kasama ko silang lumaki sa Bahay Tuluyan, at nang mag-18 si Ate Kat ay sabay-sabay na kaming umalis sa orphanage. I was only 16 that time, Mari and Mill were 17, but we chose to survive on our own.

In the Midst of the Crowd (Loser #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon