Chapter 22: Lucy is back

680 41 0
                                                  

×LUCY×

Di pa ako nakakapasok ng klase. Bakit? Simple lang, nasaktan ako sa lahat ng narinig ko. Bukod pa duon, may inaasikaso ako,dati akong president ng student org, pero di na ngayon dahil nagback out na ako.Pero mabilis rin naman napalitan e.

"Ano Lucs? Kelan mo na balak pumasok?" tanong sakin ni Mama. (Lucs, pronounced as Look-s)

Nagkibit balikat ako sa tinanong sakin ni Mama saka binalik ang tingin ko sa computer ko, asa kwarto kasi ako ngayon e, nagco-computer. Ano bang ginagawa sa computer? Pch.

Lumapit sakin si Mama, at tinapik tapik yung balikat ko. "May problema ba sa school? Di ko alam bakit hinahayaan kitang umabsent...Pero...Lucs, mali yang ganyan ha? Alam mo namang pag naka 40 absents ka, wala na. Kick out ka na."

Oo nga pala, ilang linggo na akong absent, pag umabsent pa ako ng ilang araw. Baka makick out na nga ako nito. Ayaw ko naman ng ganon. Ako buhay pa, sila nahihirapan na, nasasaktan na nung killer.

Tinignan ko si Mama ng nakangiti. "O, sige po. Bukas papasok na po ako. Dahil ilang araw na lang pag umabsent pa po ko, e baka nga...Makick-out na po ako."

Napangiti ko dun si Mama. Tapos sabi nya luluto lang sya ng lunch kaya magisa na uli ako sa kwarto. Mukhang nagtataka kayo bakit parang wala akong problema sa pamily noh?

Well meron naman, pero bakit ko pa poproblemahin? Di naman sakin yung problema. Tutulong lang ako pag kailangan nila.

[Bakit ang tagal mong absent? Tapos online ka pa? Di mo ko icha-chat?] bigla na lang naglabas sa screen e, nakakagulat.

[Bukas papasok na ko. At baka makick-out ako.] sent.

Patricia is typing.... Tapos biglang nawala tapos, Patricia is typing... Uli. Hanggang sa ayun, nagsend na sakin yung message nya.

[Hoy, medyo nagaalala nasayo si Andy. Magbati na kayo at may Christmas Party pa! Mr. and Ms. IV-Humility sina Mirae at Andy. Bukod pa don, nahimatay si Mirae kanina.]

Nahimatay si Mirae?

[Asan sya ngayon? Kamusta na sya? Pasabi kay Andy congrats pero, si Mirae ano, gising na?] nagaalala kong tinanong.

Kung kelan kailangan na ng reply saka pa ba talaga babagal ang type?

[Kanina nasa clinic lang, pero kanina pa sya di nagigising e, kaya inospital na namin, sa St. Anne Hospital sya. Room 123.]

[Kanina pa ba kayo dyan?]

Pero ilang minutes pa bago sya magreply. Ano ba yan! Ang bagal magreply.

[Huy! Reply naman.] sent.

[Mabagal net, sensya na. Medyo kanina pa dito. Pupunta ka ba? Di ako maka-connect ng ayos, punta ka na lang dito. Mahina wifi.]

Then naglog-out na sya. Sige, pupunta pala ako duon.

×PATRICIA×

"Oh? Ano sabi ni Lucy?" tanong ni Wendell sakin.

Saglit akong napatingin kay Andy na nakatingin lang sa bintana, saka ko binalik tingin ko kay Wendell. "Pupunta daw sya dito. Muhang alalang alala nga si LUCY e."

Hanggang sa nakita ko si Andy na nakatingin sakin, parang may kaba sa mukha. "Oh?" sabay iwas ko na ng tingin.

Nagpipigil ako ng tawa sa reaksyon nitong si Andy. Haha!

"Ano bang nanyari dito kay Mirae? Bigla na lang namutla." Tanong ni Warren habang nakatingin na nakatingin sa tulog na Mirae.

"Hoy Warren walang makakasagot sa tanong mo, kaya wag ka na lang magtanong." sabi ko sa kanya, kaya bigla nya akong sinamaan ng tingin saka sya tumingin kay Mirae uli.

Nung isang araw ko pa nakikitang naka-on tong si Lucy sa FB. Bakit kaya ngayon ko lang naisipang i-chat? Ewan ko.

"Mirae?" nagulat kaming dalawa sa biglang pagpasok nung babae at sa pagbukas nung pinto, kaya sabay sabay kaming nagsilingunan.

Si Hailey, okay na pala sya?

"Hails, okay ka na?" tanong ni Warren kay Hailey habang nakahawak sa braso nito at tinitingnan yung buong katawan ni Hailey saka nya niyakap.

May pagasa na kaya si Hailey kay Warren? O Mirella parin ang puso ni Warren? Si Warren lang makakasagot dyan e.

"Okay na ako Warren, malakas lakas na." sagot ni Hailey. Nagbitawan na sila sa yakapan at saka si Hailey lumapit at umupo ss tabi ni Mirae.

Nakita ko naman si Mirella na napatayo sa tabi ni Mirae. Grabe, love triangle. Sa magbabarkada sila lang ang in-love dito...Ay hindi pala sila lang. Si Wendell pa pala, at Matthew.

"Andito na ako." at sabay sabay uli kami napalingon sa nagsalita.

Andyan na pala si Lucy.

Hallway (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon