Alice

Hindi ako pumasok sa office ngayon.  According kasi sa schedule ni Sir Francis ay ngayong araw siya makikipag-meeting sa isang German Investor.

So I've decided na isali ang sarili ko sa meeting na iyon na magaganap sa isang high end restaurant.  Ako pa nga ang mas nauna kaysa kay Sir Francis eh.  Narito na rin ang German na ka-meeting niya kasama ang secretary nito.

"I'm sorry.  I just got..."  Humahangos na sambit ni Sir Francis.  He's one hour late to be honest. 

Tumayo na ako at in-introduce si Sir sa mga investors.  "This is my boss Francis Fontanilla."

"Good afternoon I'm sorry I..."   Pagso-sorry ulit ni Francis.

"Is your daughter alright?  Your secretary here said that your daughter got into an accident?"  Sabi ng German investor.  Naisip ko lang na gumawa ng kaunting kasinungalingan para pagtakpan ang pagka-late si Sir.  I'm sure na-traffic 'to kaya na-late.

"Yeah she's fine now.  Thanks for the concern and I’m sorry for being late."  Nag-smile si Sir na wari ay nagpapasalamat siya sa ginawa 'ko.  Ang cute talaga niya.

"No problem.  Shall we begin the discussion?"



Successful naman ang kinalabasan ng meeting, salamat sa kagandahan at katalinuhan ko.  Haha!

"I don't know what to say.  I mean kung wala ka siguro nilayasan na ako ng mga investors dahil sobrang late na 'ko kanina.  Thank you so much Alice."  Abot langit na pasasalamat sa akin ni Sir pagka-alis ng investor

"Wala yon Sir."  Nakangiti kong tugon.

"By the way bakit ka nandito?  Hindi ka pumasok sa office?"

"Yeah I just got my check-up lang.  Lately kasi hindi ako makatulog ewan my insomia na yata ako.  Kaya nagpa-check up lang ako.  Tapos napadaan ako dito.  Narinig ko lang kasi yung about sa meeting niyo here so i checked out.  Pero wala ka pa kaya nilapitan ko sila.  Then kinuwentuhan ko na lang sila habang naghihintay.  Ginamit ko ang charm ko para hindi sila mainip."  Kumindat ako kay Sir after magpaliwanag.

"You're a life saver i owe you one."

"Talaga anong premyo ko Sir?"  Sabi ko sa nang-aakit na tono.  "Okay na sa akin ang dinner."

"Sure, I'll treat you dinner.  Madali pala siyang kausap eh. 



Pagkatapos namin mag-dinner ni Sir ay inihatid niya 'ko sa amin.  Tulad dati ay ibinaba niya ako rito sa may kanto.

"Thanks again Alice."  Pasasalamat ulit ni Sir mula sa bintana ng kotse.

"Ate!"  Pagtawag sa akin ni Arriane.  Lumapit siya sa'kin.  Napatingin siya kay Francis.  "Hello po, kaibigan kayo ni Ate?"

"Ano ka ba, boss ko yan."  Sabay siko ko kay Arriane.  "Kapatid ko pala Sir."

"Hello po, I'm Arriane."

"Hi, I'm Francis."  Bati ni Sir kay Arriane.  "Sige, una na 'ko Alice bye."

Pinaandar na ni Sir ang sasakyan.

"Siya yung dati na naghatid sa'yo dati di ba 'te?  Alam ba ni Kuya Goerge na may ibang naghahatid sa'yo?"  Kuwestiyon sa akin ni Arriane na bahagyang nagtaas ng kilay.

"Hinde."  Mataray na tugon ko.  "At hindi ka magsasalita dahil kakalbuhin kita kapag nalaman niya 'to, maliwanag ba?"



"May problema ba tayo?"  Tanong ni George dahilan upang maudlot ang pagsubo ko ng pagkain.  Nandito kami ngayon sa restaurant.

"What?"  Bahagyang napataas ang kilay ko.

"Napansin ko lang kasi na parang ang layo mo na sa'kin.  Bihira mo nang sagutin ang mga tawag ko.  Bihira na tayong lumabas.  Kundi ko pa sinabi na ipagsa-shopping kita, hindi ka pa sasama na lumabas ngayon.  At hindi mo sinabi sa'kin na nag-absent ka nong isang araw.  Saan ka nagpunta non?"  Sunod-sunod na kuwestiyon sa akin ni George, hindi na tuloy ako nakasubo ng pagkain kakasalita niya.

"Nagpa-check up ako non ng insomia ko."

"Bakit hindi ka nagsabi sa'kin?"

"Kailangan pa ba yon?"

"Ano?"  Tonong pikon siya.

"Hindi ko gustong mag-worry ka, kaya hindi ko sinabi."  Buwelta ko at kapwa kami nanahimik sandali.  Naghihinala na siya kaya nilambing ko.  "Hon, huwag ka ngang mag-isip ng kung ano."  Sinubuan ko siya ng steak.  "Hindi ako malayo sa'yo okay, you're just imagining things, love kaya kita."



George

Kahit sinabi ni Alice na walang problema ay hindi ko pa rin maiwasang mag-isip.  Hindi ako tanga, may naaamoy talaga akong mali.

Sabado ngayon at walang pasok, niyaya kong lumabas si Alice pero hindi daw siya pwede at masama raw ang pakiramdam.  I knew for some reason na nagdadahilan na naman siya.  Kaya nag-decide akong pagpunta sa bahay nila.

"Walang hiya ka!  Ang kapal ng mukha mo!  Hindi kita pinag-aaral para lang magpabuntis sa Jojo na yon na isang hampas lupa!"  Nandito pa lang ako sa pinto ay ang malakas na boses ni Alice kaagad ang narinig ko,

"Ate pwede ba huwag mong insultuhin si Jojo!  Ano ngayon kung hampas lupa siya, at least binata naman."  Tila pinariringgan ni Arriane ang Ate Alice niya.  "At handa niya 'kong pakasalan!"

"Wala akong pakialam kung binata siya!  Ipapalaglag mo ang batang yan at hindi ka magpapakasal sa Jojo na yon!"

"Pwede ba Ate, huwag mo 'kong pakialaman sa buhay ko!"  Palabang sagot ni Arriane.  Sa ngayon ay nandito pa rin ako sa labas at nakikinig lang.  "Isisisilang ko ang batang 'to at magpapakasal ako kay Jojo!"

"Ah ganon, ayaw mong pakialaman kita?  Oh sige ngayon din lumayas ka na dito sa bahay!  Bahala ka na sa buhay mo!  Malandi ka!"

"Mas malandi ka!  Pumatol ka nga sa may asawa eh!  Nasira pa pamilya ni Kuya George dahil sa'yo!  Oh by the way, alam na ba ni Kuya George na nilalandi mo ang boss mo?  Ano nga yung pangalan non, Francis?"  Wika ni Arriane dahilan upang maalarma ako ng husto.  Ito na siguro ang mali na naamoy ko.  "Palibhasa mukha kang pera kaya kung sino yung mas mayaman doon ka naglalandi."

"Walang hiya ka talaga, pasagot-sagot ka pa!  Lumayas ka rito!  Ngayon din lumayas ka rito!"

"Talaga lalayas ako!"  Pagkasabi noon ay bigla nang lumabas ng bahay si Arriane.  Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako pagbukas niya ng pinto.  Tumingin siya sa'kin saglit tapos lumakad na.  Doon na ako pumasok sa loob ng bahay.

"Alice, can we talk?"

A Marriage To RememberBasahin ang storyang ito ng LIBRE!