Chapter Thirty Four -- I know it's not too late.... But Happy Birthday! ^^

12K 115 30

ayan na po.... hihi... VOTE NA!!! ^^

______________________________________________________________________________

CHAPTER 34

A:“Oh? Bakit? Nasusuka ka?”

Z:“Sira! Hindi. Tara maupo ka muna saglit dito.” Hello… Gutom na ko… Ai! Wala nga pala akong ganang kumain. Ano nanaman kayang iniisip nitong lalaking ‘to?

A:“Ano ka ba? Nakita mo ba? Malayo na sila oh… maiiwan na tayo.”

Z:“Wag kang mag-alala… Alam ko naman yung pabalik, hindi tayo maliligaw…” Aba’t nginitian lang ako…

“Bakit ba kasi? Di ka pa ba nagugutom? Tara na…”

“Aalis din tayo, pero pikit ka muna… Blindfold na lang pala.” Di pa ba to nagsawa sa blindfold? Kasi ako, utang-uta na eh…

“Nanaman?”

“Eto na nga. Akin na yang kamay mo.”

Hinawakan nya yung wrist ko tapos may kinabit na bracelet.

“Wag mong iwawala yan ah. Bigay sakin yan ng isa sa pinaka-mamahal kong babae sa buong mundo.”

“Galing sa mom mo?”

“Nope.” Eh kung sa ex nya galing to, bakit naman nya ibibigay sakin? Importante pala eh… “Kung iniisip mong galing yan sa mga babaeng umaaligid sakin, uhm… pwede na rin… But she’s the most annoying.”

“Sama naman nito…” Hinawakan na naman nya yung ulo ko…

“Totoo naman eh. Galing yan kay Mae. I mean, Ate Mae. That bratzy girl.” Oo nga noh? Di ko naisip si Ate Mae. Wow naman… kahit ganyan siya mang-asar, sobrang mahal nya yung ate nya. Description pa lang… “pinaka-mamahal kong babae sa buong mundo” pamatay na. kaso ibang klase pa rin siyang mang-asar eh… pamatay rin… ^^

“Oh? Eh bakit mo binibigay sakin to? May sentimental value pala to eh.”

“Kaya ko nga binigay sayo yan eh, kasi alam kong iingatan mo yan. Happy Birthday nga pala Babe…^^” Grabe! Teka… pano ba ko mag-tha-thank you?

“This is so much for a gift. Di mo na man kailangan na--” Nilagay nya yung finger nya sa bibig ko para patahimikin akong magsalita…

“Sssh… Sinong may sabing regalo yan? Sinangla ko yan ah… sinangla ko yan sayo… kapalit ng puso mo…” Sabay halik sa kamay ko… My Ghawd!!! Teka! Ano raw? I really didn’t heard that clearly the last part kasi parang napuno ng hangin yung tenga ko eh… “Biro lang! Gift ko talaga yan kaya ingatan mo. Tara na nga at bumalik na tayo dun.” Ginulo na naman nya yung buhok ko sabay umakbay sakin.

In Search (It All Starts Here) - PUBLISHED under LIB CreativesBasahin ang storyang ito ng LIBRE!