Lumingon siya sa aking direksyon. Nang makita niya na ako ang pumasok ay agad siyang tumayo at dinaluhan. Nagbow siya sa akin. "Binabati ko po ang nag-iisang prinsesa ng Cyan. Ano po pala ang sadya ninyo, kmahal na prinsesa?"

"Gusto ko lang ipaalam na lalabas muna ako ng Palasyo. Hindi na kailangan na samahan ninyo ako ni Caldwell, tutal naman ay makakasama ko sa labas si Houstin." nakangiti kong sambit.

"Ah, gagawan ko po kayo ng portal para madali kayo makarating---" hindi niya maituloy ang susunod niyang sasabihin dahil muli ako nagsalita.

"Hindi na, Ceola. Gagamitin namin ang sikretong daaan na ginagamit ko noong bata palang ako." saka bumungisngis ako.

Itinagilid niya ang kaniyang ulo. Sa hitsura niya ay parang nanibago siya. Madalas kasi ginagamit namin ang portal niya para makaalis o makatakas kami noong bata palang kami pero ngayon, sa unang pagkakataon ay tinanggihan ko ito. Unti-unti nagbabago ang ekspresyon ng kaniyang mukha na tila may napagtanto siya. Napasinghap siyang tumingin sa akin, kasabay na lumipad ang kaniyang palad sa kaniyang bibig. "Naiitindihan ko na po, mahal na prinsesa. Kung ganoon man ay hindi po ako mang-iistorbo... Gagawa nalang po ako ng palusot kung sakaling magtanong si Ginoo Caldwell o hindi kaya ang mga kapatid ninyo."

Bahagyang kumunot ang aking noo. Wait, hindi kaya iniisip niya magdedate kami ni Houstin? Binigyan ko siya ng namumungay na tingin. "Mali ang iniisip mo, Ceola. Hindi 'yon. Pupunta kami sa Kapitolyo upang ipagupit ang kaniyang buhok para hindi ito maging sagabal habang nasa lugar na tayo ng labanan."

Inikot niya ang kaniyang mga mata, she looks guilty for what she's thinking. Ngumiwi siya nang ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin. "Ganoon po ba, kamahalan? Sige po... Kung iyan ang ibig ninyo ipahiwatig..."

Haaa... Grabe ka, Ceola. Ilang beses ko na bang sinasabi na wala sa listahan ng prayoridad ko ang makipagnobyo? Kahit ang pag-aasawa?

"Siya, aalis na ako. Babalik din kami agad." kumaway ako sa kaniya saka nilisan ko na ang kaniyang silid.

**

Galing sa aking kuwarto, medyo binilisan ko ang paglalakad ko upang marating ko ang lugar kung saan kami magkikita ni Houstin. Nakapagpalit na din ako ng damit, simple at hindi mahahalata na residente ako ng Palasyo, para malaya na din ako makapagpasyal sa labas. Nadatnan ko na nakatayo siya at tahimik siyang nakatayo. Mukhang hinihintay niya ang aking pagdating. Sa halos isang buwan na nanatili siya sa Palasyo ay unti-unti na nagbabago ang kaniyang hitsura, lalo na ang kaniyang pangangatawan at balat. Hindi na siya namumulta noong unang kita ko sa kaniya dahil ako mismo ang nag-uutos sa mga maid at butler na bigyan siya ng sapat na pagkain sa araw-araw dahil ako ang personal na inatasan siya na maging kawani ko. Ako din ang nagsponsor ng mga susuotin niya. Kahit ang sweldo niya ay sagot ko na.

Sumilay ang aking ngiti. Humakbang na ako palapit sa kaniya habang nasa likuran ko ang mga kamay ko. Dahil nasa likuran niya ako. Medyo yumuko ako. "Houstin," tawag ko sa kaniya.

Halos matalon siya sa gulat nang tawagin ko siya. Agad siyang bumaling sa akin. "M-Mahal na Prinsesa..." tawag niya sa akin.

Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi nang tingnan ko siya. "Kanina ka pa ba naghihintay?" malumanay kong tanong.

Tumayo siya nang tuwid, bumabawi siya mula sa pagkagulat niya kanina. Napakamot siya sa kaniyang batok. Ibinaling niya sa ibang direksyon ang kaniyang tingin. "H-hindi naman po..." mahina at may bakas na pagkahiya niyang sagot.

I chuckled. Tumayo na din ako ng tuwid. Nauna na akong maglakad sa halamanan pero huminto ako nang tinawag niya ako.

"K-kamahalan..."

I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3) Where stories live. Discover now