"Kasama ko po ang mga kaibigan ko mom. Huwag po kayong mag alala makakauwi po ako bago dumating si daddy." Ngumiti siya sa akin at niyakap ako ulit.

" O sya sige mag iingat ka ha. Pasensya ka na anak at wala akong magawa para ipagtanggol ka sa daddy mo." Naluluha na nitong sabi. Naawa sya sa kanyang mommy dahil para din itong preso sa mansyon na hindi nakakalabas kung hindi kasama si daddy.

"Cge po mommy magpapalit lang po ako saglit." Paalam niya at pumanhik na sa kanyang kwarto. Nagpalit sya ng damit. Pinili niyang isuot ang simple pero seksi na bestida niya. Minsan lang sya magsuot ng ganito dahil laging pormal attire ang suot nia papasok sa opisina. Nagretouch din sya ng kanyang manipis na make up dahil naging haggard ang itsura niya dahil sa pag iyak.

Pagkatapos magbihis ay tinawagan na niya ang kanyang mga kaibigan at tinanong kung saan sila magkikita kita. Ngayon lang sya lumabas sa kanyang lungga dahil sa kahigpitan nang tatay niya kaya ngayin pagbibigyan niya ang kanyang sarili na magliwaliw dahil ni minsan ay hindi niya ito nagawa. Lagi nalang trabaho ang laman ng utak nia at wala syang panahon para sa kanyang sarili.

Minutes past and she's now inside her car at binabagtas ang daan patungo sa lugar kung nasaan ang mga kaibigan niya. Hindi na sya nagulat na isang club ang pinasukan niya dahil mahilig naman talaga sa party ang mga kaibigan niya. Nagtambay lang sila doon dahil maaga pa naman at ang kapatid pala ng Rhea ang isa sa mga may ari ng club. Si Rhea ang isa sa mga kaibigan niya mula College. Mabait at mahinhin.

Ayon kay Rhea apat ang magkakaibigan na may ari sa club na yon kasama na ang kanyang kuya. At ngayon nga raw ay kompleto ang apat na magkakaibigan dahil umuwi na nang bansa yong isa na matagal na namalagi sa U.S.

Nagkwentuhan lang sila ng kanyang mga kaibigan. Actually lima silang magkakaibigan.

"Ahm. Jhane buti naman at nakasama ka ngayon. Nauntog ka ba ha? Saan ang masakit?" Tanong ni Anna na sinilip silip pa ang ibang bahagi ng kanyang ulo.
Si Anna ay transfere noon sa kanilang University. Nakilala nia ito ng minsang nag cr sya at nadatnan niyang binubully ito ng mga higher level na studyante sa loob ng comfort room. Hindi ito lumalaban kaya sya ang lumaban para dito. Nadala sa counselor's office ang mga nambully at mula noon ay kabilang na ito sa mga kaibigan niya.

Ngumiti lang ako sa kanya dahil ayaw kong pag usapan ang mga personal kong problema. Pero hindi ako nakaligtas sa isang katabi ko. "May problema ka ba Jhane?" tanong ni Irene. Sya ang pinakamatured sa aming lima at sa kanya din kami humihingi ng advice noon tungkol sa mga love life nmen....love life pala nila dahil kahit minsan ay hind naman ako nagkaroon ng love kife.

Inulit niya ang kanyang tanong hanggang sa mapunta lahat ng atensyon nila sa akin. Napayuko nalang ako dahil ayaw kong kaawaan nila ang sitwasyon ko. Gusto kong magpanggap pero inunahan na ako ng mga mata ko. Hindi ko na napigilan ang mapaluha ng maalala ko ang tunay na dahilan kung bakit sumama ako sa kanila.

"Girl, you can open up you're problems with us. Hindi man namin maipangakong matutulungan ka namen sa problema mong yan pero atleast gagaan ang pakiramdam mo kung nailabas mo yan." Pang aalo pa ni Irene.

" I just don't know what to do anymore." Humihikbing sagot niya.
Hinayaan lang sya ng mga ito na iiyak ang sama ng loob niya at nang mahimasmasan ay kinuwento niya sa mga kaibigan ang kanyang sitwasyon. Ni isa sa kanila ay walang nakapagsalita, walang kumibo dahil nakikisimpatya sa kanya ang lahat.

"Gosh! Hindi ko akalain na pati magiging asawa mo ay ang daddy mo pa din ang pipili para sayo." Sambit ni Charl. Napasulyap ako sa kanya dahil nag iba ang boses niya. Ibang iba sa seksi at laging my poise na tono nito. Si Charl kc ang escort sana nila pero mas gusto daw nitong maging muse. Sa madaling salita transgender si Charl.

"I'm Sorry" Donde viven las historias. Descúbrelo ahora