baGAYto #11: "A Sweet Mango Attack"

Magsimula sa umpisa

Nagising na rin si mama at tito ambet, pati na rin si oreo na parang tinatamad pa. Kaylangan na niyang gumising’ maya-maya kase liliwanag na rin tong kalupaan, Magpapakita narin si haring aldaw.

Pagkatapos kong kumain ay naligo ako agad.

Pagkataas ko naman ay plinatsa ko na rin yung aking uniporme, uulitin ko nalang yung pantalon ko na di ko naman nagamit ng husto. Pero yung polo ay may reserbe naman akong usad.

Muli kong kinuha yung isang band-aid na tinago ko kahapon sa bag, kasama ng binile ni Oreo ang pirasong yun. Itinapal ko ulit ito sa sugat na dahan-dahan narin namang nahihilom.

Alas sais sakto ng matapos ako sa pag-aayos. Nagpa-alam na rin ako sa mga tao sa bahay na nakangiti, binigyan na rin ako ni mama ng aking baong pera. Di ko alam kung bakit ang saya ko, ang alam ko excited akong pumasok at lumikha ng bagong kwento sa aking buhay.

Wala pang tao halos sa daan, ang sarap maglakad habang puno ng ngiti ang aking mga labi.

“Uda iskwela boy.. adko baga seminar mga teacher sa  ibang iskwelahan. Di mu ise?”—Ako lang tapos yung nagbabantay na tao ng eskwelahan ang nag-uusap sa gate.

Wala kang madidinig na ribok, mga nagdadalagan na istudyante o nagtatambay na mga tawo dine sa luwas.

WALA PALANG PASOK!!

Ines bakit ba hindi kase ako nagtatanong tanong? Malay ko bang may seminar daw lahat ng teacher sa ibang ekwelahan sa kabilang distrito ng Albay.

“Sige po kuya, salamat tabe sa pagsabi.. Pan-uu di ako nagsulod kagahapon sa eskwelahan kaya di ko ise. Di ko man din na-unga mga kaklase ko’t kabarkada. Uda man rin sila sinasabi kanako”

“Aaa geh boy. Di magkara-absent.. mang’nun mo. Uda ika ka-aram-aram”

“Amo po, di na ko mig-absent”—Dun na naputol ang aming pag-uusap. Para matipid ang perang baon ay nagbaktas nalang ako ulit, pabalik sa bahay. Lakad.. Lakad..

Pawisan na ako ng makarating ako sa bungad ng aming baryo. Nagpahinga na muna ako dun sa gilid ng kalsada, sa may puno ng bayabas. Malapit yun sa greenfield kung saan nakatambay ang mga kalabaw, baka’t kambing na masayang kumakain ng mga damo.

Hindi naman ako nagtagal sa pagtambay dun, nakakahiya na kase dun sa mga dumaraang mga tao. Mga taga ibang lugar ata na may pakay dito sa aming baryo.

Unti-unti ko ng nakikita ang kabahayan sa paligid. Napahinto naman ako ng makita ko siya. Habang nakatayo siya sa harapan ng motorsiklong may nakakabit na dalawang malalaking orocan na drum.

Nagbebenta ng mainit na pandesal at iba pang tinapay ang nakamotorsiklong yun, Si kuya jevy.

baGAYto [SPG/ X-RATED/ BOYxBOY]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!