*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

KC's POV

1 week. 1 week na ang nakakalipas. At bukas na bukas, aalis na kami. Sa mga oras na 'to, hindi ko na alam ang gagawin ko. Kailangan ko ng mag-paalam kay DJ.

Ayoko man siyang saktan... Pero kailangan.

"Kaya mo ba Kath?" Kasama ko ngayon si Julia, ang best ever supporting best friend ko. 

I nodded. Pero deep inside, hindi ko talaga kaya. 

 

"Iiwan na muna kita dito. Mag-ingat ka ha." Sambit niya. Andito kasi kami sa isang cafeteria. Sabi ko kasi kay DJ, mag-meet kami. 

Pero anong oras na wala parin siya.

Umorder na lang muna ako ng makakain ko, nagugutom na rin kasi ako.

Nagulat ako ng biglang nag-vibrate yung cellphone ko.

Akala ko si DJ..

Si JC pala. 

From: JC.

-Kath, hindi mo naman kailangan gawin kung hindi mo kaya.

Hindi ko alam ang i-rereply ko. Si JC ang naging dahilan kung bat kinailangan kong umalis, pero wala eh, kailangan ko tlga. Kailangan kong tulungan si JC.

Ibinulsa ko na lang ang cellphone ko, tapos nagbasa na lang ako.

Nagpa-dropped na rin kami ni JC sa school pero lihim lang. Si Tita Karla? Wala parin alam. 

Napayuko na ako dahil wala na akong maisip na pwede kong gawin.

Pero biglang napaangat yung ulo ko sa narinig ko...

His Blind Heart [KathNiel]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!