Chapter Twenty Eight

52.5K 749 3

CHAPTER TWENTY EIGHT

Paano nga ba kami makakaalis sa bingit ng kamatayan?

Bigla ko na lang naramdaman na nag- vibrate ang cellphone ko. Naka- silent ito. Matagal bago tumigil ang pag- vibrate nito kaya nakasisiguro akong may tumatawag sakin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Napansin siguro ng tunay kong ina na hindi ako mapakali dahil napatitig siya sakin.

Maya- maya, tumigil na ang pag- vibrate ng cellphone ko. Sino kaya 'yung tumatawag? Nakakainis! Hindi ko alam kung paano makuha ang cellphone ko! Gusto ko ng mawalan ng pag- asa.

"Hi mother and daughter!" Napalingon kami sa nagsalita.

Dumating na sina Cynthia at may mga bitbit.

Napansin ko na naman ang pagpupumiglas ni Lucy Flores.

"Tanggalin niyo na 'yung mga tape sa bibig ng mga 'yan. Gusto kong marinig muna ang sweet goodbyes nila." Humahalakhak na utos ni Cynthia sa mga tauhan niya at parang bruhang tumatawa.

"Hayup ka talagang babae ka! Humanda ka sakin kapag nakawala ako dito!" Sigaw ni Lucy Flores pagkatanggal ng tape sa bibig.

Narinig ko na naman ang tawa ni Cynthia.

"I am so sure na hindi mangyayari ang gusto mo!" Sabi ni Cynthia.

Nanatili na lang akong tahimik. She's impossible! Magsasayang lang ako ng laway kung makikiusap sa kanyang pakawalan kame! Dahil alam kong hindi na magbabago ang isip niya. Galit na galit siya samin.

"Napakasama mo talagang babae ka! Kaya pati sarili mong asawa nagsasawa na sa ugali mo!" Sigaw ni Lucy.

"Shut up!" Galit na sigaw naman ni Cynthia.

"Pakawalan mo na ang anak ko! Ako na lang ang patayin mo!" Sigaw ng tunay kong ina.

Hindi ko na maintindihan 'yung nararamdaman ko. Gusto ng lumambot ng puso ko at tanggapin na lang ang katotohanang siya talaga ang tunay kong ina. Bakit ba magulo ang pakiramdam ko?

"Magpaalam na kayo sa isa't isa dahil maya- maya lang magiging abo na kayo!" Sabi ni Cynthia.

Napatingin ako sa mga bitbit nila kanina. Gasolina pala ang laman ng mga iyon.

"Anak, huwag kang mag- alala, makakatakas tayo dito." Sabi ng tunay kong ina.

Tumingin lang ako sa kanya. Ano bang tingin niya sakin, bata? Hindi niya na ako kailangang paniwalaing makakatakas pa kami dito dahil tanggap ko ng hindi na kami makakalabas ng buhay dito.

Sinimulan na nilang ibuhos ang gasolina sa paligid namin.

"Ano? Wala na ba kayong ibang sasabihin pa? Ako naman ang magpapaalam kung ganoon. Bye.. Go to hell....." Sabi ni Cynthia habang tumatawa at tuluyan na niya kaming iniwan.

Naiwan ang dalawang tauhan na nagbubuhos pa rin ng gasolina sa paligid namin.

"Maawa kayo samin. Pakawalan niyo na kami." Hindi ko na napigilang makiusap sa mga tauhan ni Cynthia.

Baka sa dalawang ito'y may pag- asa pa kami.

"Hindi puwede. Papatayin kami ni Mam Cynthia." Sabi nung isang tauhan.

"Mabubulok kayong lahat sa bilangguan!" Sigaw ng tunay kong ina. Ngumisi lang ang dalawang lalake.

Matapos kaming buhusan ng gasolina ay lumayo sila pareho at dumukot ang isa ng lighter.

Pero bago niya iyon masindihan ay may sumipa agad na lalaki sa may hawak ng lighter. Kasunod nito ay mga pulis.

"Jack!" Si Jack ang sumipa sa lalaking may hawak na lighter.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!