Chapter 31

52.8K 751 1

CHAPTER 31

JAMES

"Naiintindihan ko po kayo sa desisyon niyo. Pasensiya na ho ulit sa nangyari." Sabi ko sa daddy ni Crystal.

Sinubukan kong kausapin ang daddy ni Crystal ng kami lang dalawa at pumayag naman ito. Nandito kami sa bahay nila sa may maliit na bar at may mga hawak kami na baso ng alak.

"Ayoko ng maulit ang nangyari." Sabi ng daddy ni Crystal.

"Sinisiguro ko pong hindi na mauulit ang nangyari. Gusto ko rin po sanang sabihin sa inyo na nagpapa- salamat ako sa pagtanggap niyo sa akin sa kompanya niyo, pero naisip ko pong mas mabuti ho sigurong umalis na muna doon para makaiwas sa gulo. Patawarin niyo ho ako kung sinayang ko 'yung ibinigay niyo saking pagkakataon para makapag- trabaho pero iyon lang po sa ngayon ang nakikita kong paraan para maiwasan na ang gulong nililikha ng pamilya ko. Pangako, kung hindi man ho ulit ako tanggapin ni Papa, gagawa ho ako ng paraan para patunayan na kaya kong buhayin ang anak niyo." Sabi ko.

"Naiintindihan ko. Ang nais ko lang ay protektahan mo ang anak ko laban sa pamilya mo dahil kapag naulit ulit 'yung nangyari, ilalayo ko na ang anak ko sayo." Sabi ng daddy ni Crystal.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng takot.

CRYSTAL

Kaaalis lang ni James. Hinintay kong matapos ang pag- u- usap nila ni Daddy bago ako naman ang lumapit kay daddy. Ayon naman kay James ay sinabi lang niya ang planong pag- alis sa kompanya namin.

"Dad, alam ko pong kasalanan ko lahat 'to kaya umabot sa ganito. Patawad po." Sabi ko habang lumalagok si Daddy ng alak.

"Crystal, huwag mo ng sisihin ang sarili mo. Noon pa ma'y galit na sila samin ng Mommy mo." Si Daddy.

"Dad, huwag niyo na hong i- report sa pulis ang nangyari. Baka lumala lang ho ang sitwasyon at isa pa, ina siya ng asawa ko, dad." Sabi ko at tumingin si Daddy sakin.

"Crystal, wala ka ba talagang pakialam samin ng mommy mo? Palagi na lang 'yung asawa mo ang iniisip mo. Paano naman kaming mga magulang mo? Ilang beses ka na naming pinagbigyan. Naglayas ka dahil hindi napagbigyan ang gusto mo, nagtangka kang magpakamatay dahil sa lalaking 'yun, nung pinakiusap mong tanggapin ko siya sa kompanya kahit alam kong pagmumulan lang ng sari- saring usapan dahil nandun siya at wala sa ama niya ay sinubukan ko pa ring tanggapin siya, pinayagan ko kayong magsama kahit saan kayo pumunta dahil sayo, dahil sa anak ko, dahil hindi kita kayang tiisin! Kahit masakit samin ng Mommy mo, wala kaming magawa dahil mahal ka namin. Ang pinakamasakit sa lahat Crystal alam mo, iyong hindi mo kayang isakripisyo ang pagmamahal mo sa lalaking 'yun para saming mga magulang mo!" Si Daddy.

Wala na akong makita dahil sa luha sa mga mata ko. Bawat binibitiwan niyang salita ay parang may tumutusok sa dibdib ko. Panay ang pag- agos ng mga luha ko ngayon sa pisngi ko. Hindi ko na mapigilan ang mapahikbi. Ngayon ko lang narinig kay daddy 'to. Alam kong nagawa ko silang saktan at pahirapan pero hindi ko alam na ganito kasobra. Hindi ako makapag- salita. Wala akong mai- katwiran sa mga sinabi niya dahil tama siya. Siguro nga napakasama ko ng anak.

"Nagkulang ba kami sayo ng mommy mo ha, Crystal?" Si Daddy na hindi naman galit pero sobrang sakit sa pakiramdam kapag naririnig mo.

Naiwan akong iyak ng iyak. Hindi ko na namalayan na umalis si Daddy. Alam kong nagpipigil si Daddy ng pag- luha, alam ko kung gaano siya nahirapang makitang umiiyak ako sa harapan niya pero alam ko sinabi niya 'yun kasi sobra ko na rin silang pinapahirapan.

Hindi ako nakatulog kaiisip pero sa huli'y may nabuo rin akong desisyon. Mahal ko ang mga magulang ko. Gusto kong patunayan sa kanila.

Kumakain kami ng almusal. Si Mommy, si Daddy at ako. Nagpunas ako ng bibig gamit ang isang tela pagkatapos kumain. Kumakain pa rin sina Mommy ng magsalita ako.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!