Chapter 19 - Sweetheart

Začít od začátku
                                    

At si Pretzhel ang nag-alala sa bra na suot nito. Baka bumigay. Dangan ba naman kasi na magsuot ng bra na pupusta siyang one size smaller. Samantalang siya, ang gustong bra ay iyong sakop na sakop ang boobs niya. Iyong mga non-wire bra ang gusto niya. Mas komportable siyang ganoon ang suot. Mas nakakakilos siya nang maayos.

"These lots have breathtaking view of the ocean and the forest. Just what you requested, Clifford," masuyong salita nito. Nakatutok ang mga mata sa lalaki.

At hindi niya alam kung matatawa o maawa sa babae dahil ang lalaking pinagpapapansinan ay sa mapa nakatutok ang paningin.

At nang waring hindi na makatiis ay hinaplos nito ang nakatukod na braso ni Clifford sa trunk. Pinipigilan kasi nitong tangayin ng hangin ang mapang tinitingnan. "Let me show you the actual lots, Cliff. Para makapamili ka."

Humarap ito sa babae. "Actually, hindi ako ang dapat na papiliin mo," ani Clifford na bumitaw sa mapa. Ang isang braso nito ay umikot sa bewang niya. Masuyo itong tumingin sa kanya. "Itong sweetheart ko ang mamimili."

At kitang-kita ni Pretzhel kung paanong nabura ang matamis na ngiti sa mga labi ni Brigitte. Habang sa labi naman niya gumuhit ang naaaliw na ngiti.

"Oh, yeah. I almost forgot. Ako nga pala ang mamimili ng loteng pagtatayuan ng bahay natin," Pretzhel said nonchalantly.

Ilang saglit na tumitig sa kanya si Clifford bago unti-unting ngumiti. Kung kanina ay isang braso lang ang nakaikot sa bewang niya, ngayon ay dalawa na. At hindi pa roon nagkasya ang binata. Hinapit pa siyang talaga. "Bahay natin? Payag ka na, sweetheart?"

Iniikot niya ang dalawang braso sa batok nito. Mas inilapit ang katawan sa binata. Nilukot niya ang ilong saka sumagot sa tonong wari mo'y napipilitan, "May choice ba ako?"

Humalakhak ni Clifford. At maging si Pretzhel ay napangiti rin.

Nang tumigil sa pagtawa si Clifford ay tumitig ito sa kanya. Nasa mga mata nito ang saya. Yumuko ito at idinikit ang noo sa kanya. "Wala, sweetheart. Akin ka na."

"Hep! Mamaya na!" ani Pretzhel na kaagad naiatras ang mukha nang makitang hahalikan siya ng binata. Pinalo niya ito sa dibdib, saka kumawala sa pagkakayapos nito.

Pero imbes na lumayo ay bumulong ito sa kanya. "Panghahawakan ko iyong 'mamaya' na sinabi mo, sweetheart."

The warmth of his breath brought wild fire in her blood stream. Kinagat niya ang labi at walang salitang tumango. Clifford grinned. His face was overflowing with excitement.

Nang tumingin sila kay Brigitte ay salubong ang mga kilay nito. Nagpapabalik-balik ang tingin nito sa kanya at kay Clifford.

Pretzhel cleared her throat but failed to keep a straight face. Huge smile still on her lips. "Okay. First question, how much is the lot here?"

Naaaliw na tumawa si Clifford. Muling pumulupot ang isang braso sa bewang niya. "Next question na, sweetheart. I told you, cost is out of the question. Just choose a lot, Pretty."

Pinaikot niya ang mga mata. "We're talking about our permanent residence here, Cliff. Hindi ba dapat alam ko kung magkano ang gastos?"

"Oh, boy. Here we go." Clifford chuckled once more. Bumaling ito kay Brigitte. "You've got a frugal buyer, Brigitte. You have to convince her because my sweetheart is your actual market. Sa kanya ka mag-sales pitch."

Naglapat nang mariin ang labi ng babae. Ang pambabalewala sa mga mata nito kanina ay napalitan ng talim.

But Pretzhel was not bothered. Not even a bit.

Bahagyang ikiniling ni Pret ang ulo. Kung sales pitch din lang, hindi naman talaga kailangan. Gusto niya ang lugar na ito. Ilang beses na siyang nakapunta rito at kailan may ay hindi siya nagsasawa. In fact, just the prospect that she'll live here brought her extreme excitement.

Pero susubukan na rin niya kung gaano kagaling mangumbinsi ng buyer si Brigitte. "Other developers were selling lots as well, so convince me why would I choose to spend Clifford's money, and were talking about several millions, here?"

Clifford chuckled. "That would be our money later, sweetheart."

"Still yours. We're not yet married."

Cliff laughed. "Soon, sweetheart," he murmured and kissed the side of her head.

Humugot nang malalim na hininga si Brigitte. Makalipas ang ilang segundo ay muling gumuhit ang aral na ngiti sa mga labi ng babae. "Anvaya is one of a kind. It's very rare that you got a place where every member of the family have a place where they can enjoy themselves. We have golf course, beautiful beach cove with calm water, and of course, all the world class amenities you could possibly want in a country club. We have restaurants that offered a variety of delicious meals, gyms, spa, kids play area, game rooms, water sports, and many more, all in one place.

And not only that, Anvaya have a firm commitment to our environment. In fact, out of the six hundred and thirty hectares,  the plan, as of this date, is to develop just fifteen percent of the property and leave the rest to mother nature. We're working with environmentalists to ensure that the birds that live in this area and the turtles, the pawikan, I mean, that lay their eggs in the beach will thrive and be protected."

Tumango-tango si Pretzhel. She have to give it to the girl. Magaling mag-pitch.

"Convinced, sweetheart?" Clifford asked, his eyes twinkling.

Pretzhel grinned, "Yes, sweetheart."

Lalong lumapad ang ngiti ni Clifford. At hindi nakaiwas si Pretzhel nang bigyan siya nito nang mabilis na halik sa labi. Ang tanging nagawa niya ay paluin ito sa dibdib. "Clifford Sales! Behave!"

"Sorry. I got carried away, sweetheart," he answered, still grinning from ear to ear.

Naiiling na bumaling siya kay Brigitte. "Check na natin ang mga loteng pagpipilian ko." 

"This way," malamig na salita nito na naunang lumakad sa kanila.

At nang makatalikod ang babae ay muli siyang ninakawan ng halik ni Clifford sa gilid ng labi.

Humarap siya at pinandilatan ito. "I said behave, Sales!"

Ngumisi ang binata. "What did you call me again earlier?"

"Sales. Clifford Sales," nanunudyong sagot niya.

Clifford groaned. "Before that, sweetheart. Please, let he hear it one more time." And even his eyes were pleading.

Pretzhel smiled and gave in. "Sweetheart."

"Fuck!" Walang babalang sinapo nito ang likod ng ulo niya. Hindi naglipat sandali at bihag na nito ang mga labi niya. Mabuti na lang at saglit na saglit lang din iyon. "Let's go! Mamili ka na ng lote para makaalis na tayo rito," anito saka siya inalalayan pasunod kay Brigitte.

They checked three locations and all of them were good locations. Kita ang kakahuyan, tanaw rin maging ang dagat. Nauna na niyang naitanong kay Brigitte kanina kung ilang minuto mula rito bago makarating sa beach cove. Brigitte said its more or less ten minutes ride.

Nang makabalik sa area kung saan naka-park ang kotse nila ay saka siya nagtanong kay Brigitte. "Alin sa mga loteng unang napili ni Clifford ang pinaka mura?"

"Hey! Kanina ko pa sinasabi na pumili ka ng lote na gusto mo, sweetheart. Kalimutan mo ang presyo."

Inirapan niya ito. Muli siyang bumaling kay Brigitte, "Alin na lang sa mga loteng iyon ang pinakamahal? Iyon ang pipiliin ko."

MISSION 3: Claiming YouKde žijí příběhy. Začni objevovat