Katulad nito, napapangiti niya ako kahit wala pa siyang ginagawa. He's just walking calmly towards his team but then, his effects on me is overflowing. Na hanggang ngayon, tinatanong ko sa sarili ko kung maganda ba itong nararamdaman ko o Hindi. I mean, yes it was good feeling, I feel a ticklish sensation in my belly, but at the same time I'm scared of this because of my situation. I have a heart diseases at sabi sakin ni Ate Cathy na hanggat maaari huwag akong maiinlove dahil kapag nasaktan ako hindi kakayanin ng puso ko.

Pero isa lang alam ko ngayon, aminin ko man o hindi, may palagay akong lumalalim na ang paghanga ko sa kanya at kailangan ko itong pigilan.

"Okay ka lang po ba ate?" Tanong ng katabi kong lalaki na bukod tanging hindi nag-iingay.

"Huh! Ako ba?" Sabay turo ko sa sarili.

Nahihiya siyang tumango kaya napatawa na lang ako at tumango.

Napahawak na lang siya sa may batok niya, mukhang nahihiya siya ng sobra Kay nginitian ko na lang siya bago iniwas ang tingin.

Nagfocus na rin ako sa panunuod. Tinitipon na sila ng coach nila ngayon habang puro sigawan naman ang naririnig ko.

Hinanap ng mga mata ko si Knight. Nang makita ko siya hindi ko maiwasang humanga sa kanya. Seryoso at tahimik lang siyang nakikinig sa sinasabi ng coach nila. Hindi ko maiwasang hindi ngumiti lalo na nakikita ko sa kanya na determinasyon sa ekspresyon niya.

Hanggang sa marinig ko ang pito ng referee, hudyat na magsisimula na ang laro. Wala paring tigil sa hiyawan ang mga estudyante, medyo nasanay na rin ako kaya hindi na ako nabibingi masyado.

Then the game started. Ang unang bola na kay Kuya Jeydon, nakakamangha kong paano maglaro si Kuya Jeydon hindi ko kasi alam na soccer player sila, ngayon ko lang din sila mapapanuod. I didn't know that Kuya Jeydon could be this serious playing this game. Pinasa niya kay Kuya Marcus at pinasa din ni Kuya Marcus kay Kuya Clyde at pinasa din ni Kuya Clyde kay Kuya Marky. Nang malapit na sa goal, pinasa ni Kuya Marky kay Knight. Nilaro laro na muna niya ang bola. Nang makahanap ng tamang tiyempo, walang pag aalinlangan niyang sinipa iyon hanggang sa pumasok ang bola sa net na hindi nahahawakan ng goal keeper.

Napatayo ako sa upuan at sumabay sa sigawan ng mga tao.

"Go Knight?"malakas kong sigaw.

Nakita ko ang pagtingin niya sa taas. Mukhang hinahanap niya yata ako agad kong winagayway ang kamay ko.

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya at nakita ko din ang pagtingin sakin nila Kuya, pero agad ko din binalik kay Knight ang tingin ko. Biglang nagtangis ang panga niya at sumimangot. I'm sure but I think I just saw the disappointment in him.

Bigla akong nawalan ng lakas kaya agad kong binaba ang kamay ko. Umupo na lang ulit ako at pati ang mukha ko, pinagbagsakan na rin ng lang it at lupa.

Alam kong madalas niyang gawin sakin iyon sa tuwing nakikita niya ako. Pero hindi ba talaga ako welcome sa kanya? Ayaw ba talaga niya akong maging kaibigan? Hindi ko alam pero parang nanliliit ako sa sarili ko.

Napabugtong hininga na lang ako habang umiling-iling sa sarili ko. Hindi ko na rin magawang panuorin sila lalo kinakabahan ako sa mga tingin ng apat kong Kuya sakin kanina and he doesn't want me here. I can see that on him. Hanggang sa naisip ko na hindi ako susuko hanggang sa maging kaibigan ko siya, bahala na kung magalit siya o sila Kuya sakin. Basta ako manunuod ako para sa kanila at wala na silang magagawa.

Tumingin ako sa score sa Kay score board. Subalit labis akong nagtaka ng tambak na ang score nila.

Hindi ko maintindihan, kung paanong nakalamang ang mga kalaban nila ng ganun kabilis? I'm just in the midst of thinking pero sa isang iglap malaki na agad ang lamang ng kalaban nila.

The Woman Who Doesn't Believe In Love (Lee Siblings Series#1)Where stories live. Discover now