" Tayo? Nagpapatawa ka ba? " inikot nya ang paningin sa klase. " Baka nakakalimutan nyo, kayong lahat, ang sabi nyo noon, kami ang bagay, NERD sa kapwa NERD! Tapos ikaw, sasabihin mo tayo ang bagay. You're sick! Wag nga kayong plastic! Wag nyo akong pakitaan ng maganda porke't nagbago na ang itsura ko! Mga echusera kayo! " seryosong sabi nya. Lalong tumahimik ang klase dahil dun sa sinabi nya. " HAHA. Kayo naman ang seseryoso ng mga mukha nyo.. >:) Joke lang yun! Sasali kasi ako sa Theatre Club kaya kinakabisado ko na mga lines ko. ^_____^ " nakita ko namang kiming ngumiti ang ilan na parang nabigla sa pinakita ni Courtney.

Maya maya, nagsaiupo na sila nang dumating ang prof. namin. Habang nagkakaklase, lihim ko syang minasdan. Sana lang.. Sa mga gagawin nya, di sya masaktan sa huli.. Natatakot kasi ako sa magiging mangyari o resulta sa mga ginagawa nya. Baka sya ang masaktan sa huli.

" Bakit? "

" Uh! " iniwas ko bigla ang tingin ko sa kanya. " Wala.. Hehe. :) "

*Courtney's Pov*

" Pasensya ka na kanina ha? Dinamay pa kita.. " sabi ko habang sinusubo ang kanin.

" Okey lang yun.. " lunch time nun. Ayaw ko kasing sumama sa lalaking nagyaya ng lunch sa akin kanina sa Soc. Sci kaya si Blue ang sinabi kong kasama ko na. Since sya ang dinahilan ko, niyaya ko na sya ng tuluyan.

Minsan talaga may mga plastic na tao. Di porke nagbago na ako, kakalimutan ko na din mga pinaggawa nila sa akin at mga pinagsasabi.

" Sama ka mamaya, Blue? " tanong ko maya maya sa kanya.

" Saan? " umangat ang tingin nya sa pagkakayuko. Nagtama ang mga mata namin. Meron sa mga mata nya na di ko alam kung ano yun.

" A-Ah. Sa gig namin mamayang gabi. May nagyaya kasi sa amin na kumanta sa isang resto bar dyan sa kalapit ng school. "

" Uh! Kasi.. "

" Sige na.. Minsan lang akong magyaya, sige ka! Magtatampo ako! >.< "

Pumayag sya kaya laking tuwa ko naman.

Nung gumabi na, nagkita na kaming magkagrupo dun sa resto bar. At di ko talaga inaasahang makikita ko dun si, sino pa nga ba? Eh di si Enzo. Di ko alam kung nanadya ba sya o ang tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para magkita kami? He's with girl na naman. Parang underwear lang na papalit palit ng syota, ka-fling at ka-flirt!

" Ayan pala ex mo? Infairness, cute sya.. Mukhang elementary nga lang. :D " komento ni Nicole.

" Ano cute dyan? Eh mukhang palito! Tss. " singit ni Lourenz. " kaya nga di nakapalag yan sa akin ng sinapak ko at sinipa eh. "

" Ang tapang nitong si Lourenz! " sabi naman ni Khim.

" Tama na nga yan! Wag na nating pag-usapan ang Casanova na yun! Baka masira lang ang gabi ko. " reklamo ko sa tatlo. " Pumasok na tayo sa dressing room ng makapagpalit na tayo. "

" Asuuuu! Si Ney oh? Mukhang bitter pa? Hihi. " tudyo ni Nicole.

" Ay naku! Ang bitter, panlasa. Lasa kapag kinakain ang ampalaya. Hindi nararamdaman! "

" Naks! " aysus! Pang asar talaga tong si Nicole. Sa tatlo, sya ang malakas mang asar. Napailing na lang ako.

Tapos bigla na lang kumanta si Nicole at Khim.

" Lahat tayo'y alam ang pag

at dahil sayo

natutunan ko

lahat tayo'y mayroong

kalungkutan

at dahil sayo

naranasan ko

ikaw yung una, pero huli

na..

nang iyong sabihin na 'wala

na talaga'

akong pag-asa sa iyo

kahit

lumuha pa ako

lumuha pa ako...

salamat sa pananakit mo

(ohhwhooo)

salamat at sinaktan mo ako

(ohwhooo)

dahil ako'y babangon at

ipapakita ko

na kaya ko kahit wala ka na

sa piling ko

salamat at sinaktan mo

ako... "

" Mga pasaway talaga kayo! Tama na ngang kanta yan! " mga to talaga! Patama e. Patama talaga noh! Pinagtawanan pa talaga nila ako sa reaksyon ko.

Itutuloy..

Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)Where stories live. Discover now