Cole (16)

17K 667 889
                                    

Tapos na akong mag-ayos ng mga gamit ko. Nang sulyapan ko si Orianna, nakaupo pa rin siya at mukhang walang balak umalis.  Biyernes na naman ngayon and she's supposed to come with me para maihatid siya sa Atrium kung saan sila magkikita ulit ng Papa niya. Wala naman kaming usapan pero nakasanayan na nga namin ngayong two grading quarter na kaming magkaklase.

Nakasilip siya sa loob ng blackhole niyang desk at mukhang may kinukuha na naman doon. Pagkatuwid niya ng upo, may hawak na siyang isang supot ng fish cracker na nabibili sa canteen. Kailan niya kaya 'yon nabili?  Magkasama naman kami kaninang lunch pero hindi ko napansing may bitbit siyang snack mula sa canteen noong bumalik kami ng classroom.

Sabagay, hindi ko naman siya masyadong nabantayan kanina dahil ang dami na naman naming kasamang mga batchmates na makukulit at palagi siyang napapadpad sa malayong dulo ng kumpol namin. Absent pa si Theo ngayong araw kaya walang isa pang pares ng mata na nakabantay sa kanya. Sa mga ganitong pagkakataon, natutukso na akong hablutin ang braso niya at hilahin siya sa tabi ko pero nagpipigil lang ako. I'm supposed to be interested with Hazel. 

Naaalala ko na ngayon ang pangalan at mukha ng roommate ni Orianna. Halos araw-araw akong tinutukso sa kanya, eh. Panay kantiyaw rin ng mga batchmate at guro namin sa aming dalawa sa tuwing nakikita kaming magkasama sa hallway o kaya sa canteen. 

I earned an unwanted loveteam that I don't know how to get rid of without hurting the girl. And Kiska practically threatened me to not hurt her roommate. I don't want to do that, too.  Hazel seems to be a nice girl.  I'm just not interested in here that way. 

My hands are tied for now. Gotta bid my time. Not an issue for a Sokolov like me. I was trained in patience.

Pinanood ko pa ang pakikipagbuno ni Orianna sa plastic wrapper ng fish cracker niya. Hindi niya na naman iyon mabuksan. Sa inis, naitampal niya iyon sa ibabaw ng mesa. Then, she started slapping the thing with her palm. Speaking of someone who has zero patience. 

Napabuntong-hiningang isinukbit ko na ang backpack ko at lumapit sa kanya. Naupo ako sa bakanteng upuan ni Theo na nasa tabi niya. Ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin at ipinagpatuloy lang ang gigil na gigil na pananampal sa wrapper na ayaw magpabukas.

Kinuha ko na ang kinakainisan niya. "You're going to hurt your hand."

Inabot ko ang kamay niyang ginamit pangpalo ng fish cracker at sinipat ang palad niya. Namumula na iyon kaya mahina kong minasamasahe to bring the blood circulation back. When the reddening subsided, binitiwan ko ang kamay niya para buksan na ang kinakainisang fish cracker at binigay sa kanya. Agad naman siyang dumukot ng ilang piraso mula roon at nagsimulang kumain. 

Nangangalahati na siya sa kinakain nang maalala niyang alukin ako. Kumuha lang ako ng isa. Magrereklamo na naman 'to kasi kapag nabitin.  Mukha pa namang kulang pa sa kanya ang isang supot.

"Hindi ka ba mawawalan ng gana niyan? Maghahapunan pa kayo ng Papa mo, 'di ba?" naisipan kong itanong.

"Hindi," sagot niya naman agad. "Appetizer pa lang 'to." Nginitian niya ako bago kumagat sa cracker.

Minu-minutong kumakain ang babaeng ito pero parang wala namang epekto sa kanya. Hindi naman siya lumalaki o lumalakas. Saan kaya napupunta ang nutrients ng mga kinakain niya? Napatitig ako sa kanyang buhok. Nakalugay siya ngayon and the wavy hair falls down to her waist with the ends curling every which way. Napangiti ako. Ah, doon siguro napupunta ang mga kinakain niya. Ang shiny ng buhok, eh.

Hindi ko napigilan ang sarili kong abutin ang hibla ng kanyang buhok and tried to straightened out the rebellious ends. Huminto siya sa pagkain at pinanood saglit ang ginagawa ko sa buhok niya. Mayamaya ay muli siyang kumain habang tinititigan pa rin ako.

Kiss Me, Cole (Part 1) [IN EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon