A compilation of one shot stories featuring Enhypen members.
Nishimura "Ni-ki" Riki
Yang Jungwon
Kim Sunoo
Park Sunghoon
Park "Jay" Jongseong
Sim "Jake" Jaeyun
Lee Heeseung
Started: August 12, 2021
Ongoing Fanfiction
Disclaimer: The events and chara...
"Punta ka mamaya sa debut ha?" Sabi ni Enla pagkatapos kong makaramdam ng kalabit sa likod.
"Oo naman, ako pa ba?" Nagwink pa 'ko sa kanya bago ako kumaripas nang takbo. "Lakas mo kaya sa'kin! Labyu En!"
"If I know, kaya ka lang pupunta kasi andun si kuya!"
Natawa nalang ako sa sinabi niya kasi why not hehe, medyo true HAHAHA! Friends kami ni Enla at halos lahat ng friends ko alam na may crush ako sa kuya niya.
Uwian na kasi namin at kailangan ko rin kunin yung mga gamit na dadalhin ko sa debut ni En pati gift ko na rin sa kanya. Dun na kami magbibihis sa venue kasi taray ng ate niyo, kasali sa 18 candles ahe. :")
Hindi ko naman birthday pero kinakabahan ako. Napuno na ng mga tao yung venue tsaka syempre, andito na rin yung pamilya ni Enla. Andito na rin crush ko.
Tanaw ko siya sa di kalayuan, sa kabilang table. He is wearing a white dress shirt, well-fitting white tuxedo pants and a black bow tie. Napaka-neat niyang tingnan. Halatang di ako papatulan. HAHAHA!
"Hoy Fame! Baka matunaw si Justin sa mga tinginan mong 'yan! Yieee sarap mong gitgitin," dinig kong pang-aasar ni Yska. Inirapan ko lang siya sabay kilig onti.
Matagal ko ng crush si Justin, di naman kami close pero kilala niya 'ko kasi kaibigan ako ng kapatid niya.
"18 roses and 18 candles, please prepare for the dance to be offered to the debutante." Mayroon kasing segment ng sayawan na parang nasa prom lang. 'Yun kasi request ni Enla.
Nagform na kami ng circle kasi parang relay yung mangyayari. Lahat ng nasa circle, maisasayaw namin hanggang sa matapos ang kanta.
A Thousand Years by Christina Perri
Nagcue na yung host na isa-start na raw yung music kaya ihanda na namin ang mga sarili namin. Syempre nabilang ko na kung pang ilan ko si Jah, pang 10th dance ko siya. Nakaside view kasi siya tsaka pasimpleng lingon ako kanina. Sure akong siya 'yun. Actually, kagabi pa namin pinag-usapan ni Enla na magtatapat na 'ko sa kuya niya ngayon kasi magandang opportunity daw. Balak ko kasi last week pero suggest niya ngayon kasi raw magpapadance circle siya. Maganda raw pag slow dance ft. real feelings HAHAHA! Bet ko rin kaya pumayag na 'ko.
Di ko na napansing pang-anim ko na palang sayaw 'to at siya na yung next. Namental block ako bigla huhu. Parang nakakahiya naman humarap sa kanya pag ganon!
Nagchange partners na ang lahat.
Pag-ikot na pag ikot ko, sinara ko agad yung mga mata ko at sakto namang yung stepping ng sayaw ay parang ihu-hug niyo yung partners niyo. Di ko na nakita yung mukha niya bago kami nagkayakap habang sumasabay sa tunog ng kanta.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Sa totoo lang, di ko alam sa'n sisimulan promise." panimula ko. "Gusto kita." gago ayun na.
Naramdaman kong napalingon siya sa sinabi ko. Di ko kita pero gumalaw kasi siya kaya may nagsasabi sa'king nagulat siya sa sinabi ko.